Chapter 4- First day

2.8K 18 0
                                    

Reine's POV

Ilang araw na din ang nakalipas.

Matagal na din nung huli kong makita yung lalaking nagligtas sa akin.

Kamusta na kaya siya?

Kelan ko kaya ulit siya makikita?

Siguro magkikita a naman kami ulit.

Magkasosyo lang naman yung dad ko at auntie niya eh kaya magkikita pa ulit kami.

Ay naku! bakit ganito yung iniisip ko? Pasukan na kaya dapat ang pag-aaral muna ang dapat isipin! Baka mamaya mapahiya pa ako sa school.

Unang araw ko pa naman 'to saka isa pa college na ako.

"Bag, check.. kumpleto na pala lahat ng kailangan ko eh.."

Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na agad ako.

"Mark aalis na ako baka malate pa eh."

"Wait lang."

"Ang tagal mo naman eh. Ano bang ginagawa mo?"

"Oh ito na."

May binigay siya sa akin, para suit na metal.

"Ano yan? Costume ba yan?"

"Hindi ah! isusuot mo 'to para walang mangyaring masama sa'yo."

"Ako susuotin ko yan?! No way! ayoko nga. Makikipagdigma ba ako para suotin yan? Saka isa pa wala namang babaril sa akin saka wala ring magtatangka sa buhay ko."

"Pinaghirapan ko pa naman 'to tapos hindi mo pala isusuot"

"Eh kasi naman hindi na naman kailangan yan. Mag-iingat na nga ako diba? Nagpromise na nga ako na mag-iingat na ako kaya hindi ko na kailangan yan."

"Sabagay. sige na nga, wag mo ng suotin 'to. Hindi mo na naman 'to kailangan. Sige na umalis ka na at baka malate ka pa."

"sige, nakahand na ba yung kotse?"

"oo, kanina ka pa nga inaantay ni Manong Mike doon."

"Ah sige pupunta na ako dun. Ahmm, teka nga lang si dad nasaan? nakita mo ba siya?"

"Maagang umalis. busy yata sa office niya.

"ahh ok sige mauna na ako. Baka malate pa ako eh. sige na bye."

"Sige. oo nga pala ito yung sched mo sa klase nandyan na rin yung mga room numbers. sige na umalis ka na bye!"

"Sige."

Agad na akong lumabas at naihatid ako ng mabilis ni Manong Mike sa school ko.

"Ma'am! nandito na po tayo."

"Wag niyo na po ako tawaging ma'am, kahit reine na lang po okay na yun!"

"Pero po--."

Last Word (COMPLETED STORY) [ROMANCE]Where stories live. Discover now