Chapter 3- A cat and a spider

3.3K 24 2
                                    

Reine's POV

Bumaba na kami sa kotse ni Dad at pumasok na sa bahay ng Ortiz. Nung nasa pinto na kami, may sumalubong sa amin na maid at hinatid na kami kung nasaan sila Mrs. Ortiz at ang pamilya Cruz. Nakaupo sila tapos ma nakita akong isang babae at lalaki na mukhang kasing edaran ko lang. Tapos nakita ko din na may tatlong matanda. Pamilyar sa akin yung mukha nung dalawang bata at saka yung dalawang matanda subalit yung isa ay hindi.

"sir, Ma'am, nandito na po si Mr. Medina" sabi nung maid na naghatid sa amin.

"Oh! Nandito na pala kayo. Kanina pa namin kayo iniintay." sabi nung isang lalaki.

Kilala ko 'to eh, sino nga ba 'to? Ah! tama, si Mr. Cruz, Mr. Anthony Cruz. Siya yung kaibigan ni dad na kasosyo rin namin sa kompanya.

"Pasensya na ah, natraffic kasi kami." sagot ni Dad

"Naku, okay lang yun Robert." sagot nung babae.

Sa pagkakatanda ko siya yung asawa ni Mr. Cruz. Wait, ah! si Mrs. Samantha Cruz. Tapos siguro, yung dalawang bata, mga anak nila. Ano nga uli pangalan nung mga yon? Tae, hindi ko talaga maintindihan.

"Ito na ba si Reine? Ang laki na niya ah at wala parin siyang pinagbago." dagdag ni Mrs. Samantha habang pinagmamasdan ako.

"Sinabi mo pa, ang kulit nga ng batang yan." sagot ni Dad.

Grabe naman 'tong si Dad. Hindi naman ako makulit ah. Bait bait ko eh.

"Haha! By the way. ito naman ang mga anak ko; si Jane at si Tommy." pagpapakilala ni Mr. Anthony kay dad sa mga anak niya.

Hindi ko na kasi matandaan eh. Ang tagal na kasi simula ng huli ko silang makita.

Ang alam ko kasi, sa ibang bansa na sila tumira at masyado pa akong bata nun kaya hindi ko na talaga sila matatandaan.

Si Dad kasi, kaibigan niya si Mr. Anthony at magkasosyo din ang pamilya nila at si Daddy sa negosyo kaya naman kilala ko sila.

"Aba at malaki a din pala ang mga anak mo." sagot ni Dad.

At ayun, nagsimula na silang mag-usap usap. Nagpakilala sila sa isa't isa. Pinakilala din ni Mrs. Cruz si Dad kay Mrs. Ortiz. Pinakilala din nila ako kay Mrs. Ortiz pati dun sa mga anak ni Mr. and Mrs. Cruz.

"Manang rose, pakitawag nga si Kenneth." utos ni Mrs. Cynthia sa isang maid.

"Ma'am, wala po si Mr. Kenneth sa kwarto niya. Hinanap ko na po siya kung saan saan. Pati nga po sa guard pinahanap ko na pero hindi rin po nito nakita." sagot nung maid.

Siguro yung Kenneth na yun, yun yung anak ng mag-asawang namatay.

"Nako, yung batang yun talaga. Nasaan na naman kaya yon?" sabi ni Mrs. Cynthia na may pag-aalala.

Last Word (COMPLETED STORY) [ROMANCE]Where stories live. Discover now