12

3 0 0
                                    



Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan kung para saan. Habang hawak hawak ng lalaking ito ang kamay ko para igiya sa bulwagan ng sayawan. Nakangiti sya habang akay akay ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto ko na ba talaga ang lalaking ito? Pero paano? Masyadong mabilis. Matagal kong ginusto si Hendrix. Nagpapatunay ba yun na mababaw na paghanga lang talaga ang nararamdaman ko para kay Hendrix? Napatigil ang pag iisip ko ng iharap nya ako sakanya at nilagay nya ang mga kamay ko sa balikat nya at pinulupot nya naman ang braso nya sa aking baywang.

"Ehem. What were you thinking?"

He asked looking at my eyes. Nag iwas ako ng tingin sakanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa paraan ng pagtitig nya. Para bang binabasa nya kung ano ang iniisip ko. At ayokong mabasa nya yun.

"W-wala. Ano ka ba?!" Kinakabahan kong sagot sakanya.

"Kunwari ka pa eh. May iniisip ka. What was it? You like me na?"

He arrogantly asked me. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Dahilan naman ng paghalakhak nya. As in sobrang lakas ng tawa nya. Hindi na nga nya napansin na nasa kanya na ang atensyon ng mga tao dito sa party. Hayy.

"Ano bang nakakatawa? Tumigil ka nga dyan. Nakatingin na sila sayo oh." Bulong ko sakanya. Nakakahiya naman kasi. Napakamellow nung song tapos matatabunan ng tawa nya.

Tumigil na sya sa pagtawa at sumeryoso naman ang mukha nya. Tumitig na naman sya saken kaya bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ganito ba galaga ang feeling kapag may gusto ka sa isang tao. Do i really like him na?

"Okay. Tatapusin natin ang ball na to na tayo ang magkasayaw. Walang ibang pwedeng magsayaw sayo." Seryosong sabi nya sakin.

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sakanya. What the hell was he talking about?

"Are you serious?"

He only smirked at me. Tumitig na naman sya saken at nagseryoso na naman ng mukha. I really don't understand him. I admit i like him but isn't it unfair kung di naman ako makikipagsayaw sa iba? Pano naman si Hendrix? What if he ask me to dance with him? It's so unfair.

"No. No. That can't be Jigger. Your very unfair." Naisatinig ko pala ang nasa isip ko except the Hendrix part.

"I'm dead serious Pollyana. Don't dare dance with other men here in the ball except me."

"But why is that? Pano naman kung may ibang gustong makipagsayaw saken? Nakakahiya naman na iturn down ko sila, lalo na si.."

Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Nakakatakot syang tumingin. Jigger was probably giving me a cold stare. I'm just stating my side here.

"Who Pollyana? Tell me, who were you waiting for to ask for a dance with you?" He told me with his cold glare still.

"Ah-eh. W-wala naman. Baka lang meron. Don't look at me like i'm a criminal."

Bigla naman lumambot ang itsura nya. Thank goodness cause my heart is beating really really fast.

"Ok. Just don't make me jealous. I know you want Hendrix. And you are probably waiting for him. I know, i feel it."

I was shocked with what he just said. Gulat akong napatingin sakanya. Bakit parang nalungkot ako sa sinabi nyang yun? And i saw sadness in his eyes too.anong isasagot ko? Mali naman na umamin na agad ako na may gusto na ako sakanya. No. Not this time. Masyado pang maaga.

"A-ah. E-eh. H-hindi naman sa ganon Jigger. I am not waiting for him. I'm just saying-"

"It's okay Pollyana, you are not mine for me to act like this. I'm sorry."

He cut me off. He didn't let me finish on what i was about to say. Bigla naman nagsalita yung emcee ng party na sinasabing tapos na ang first dance at pwede na kaming umupo para sa susunod na program.

The night went well. Mukhang masaya silang lahat. Sayaw dito. Sayaw dyan. Except samin. Walang kumikibo ni isa samin ni Jigger. Andi was nowhere to be found. Napaka awkward ng atmosphere. Hindi ako sanay na tahimik sya. Tumingin ako sakanya kaya nalaman kong nakatingin pala sya sakin. Umiwas agad sya ng tingin nang magtama ang mata namin. Nawala lang ang atensyon ko sakanya nung may naramdaman akong tao sa may side ko.

"Can i ask for a dance?"

Napatingin ako sa nagsalita. My eyes widened. It's Hendrix. Parang automatic na napatingin agad kay Jigger yung mga mata ko and my heart is beating so fast. I don't understand why. Natatakot ba akong magalit sya? O natatakot akong pumayag sya?

Tumango sya ng konte na parang sinasabi nya na okay lang na makipagsayaw ako sa taong ayaw nyang makasayaw ko. He then looked away. Kaya humarap na ako kay Hendrix at tinanggap ang kamay nya. Ano pa bang magagawa ko? Nakakahiya naman tumanggi. Besides half of me was happy but half of me wants to stay with Jigger. I somehow feel hurt.

"Are you okay?" Hendrix asked smiling at me.

"Yeah. Why do you think i'm not okay?" Tumawa pa ako ng bahagya para di nya mahalata na masyado akong pre-occupied.

"Uhh. Wala naman" he said smiling.

Para bang may super glue na yung labi nya kasi palagi syang nakangiti. He is so handsome in his suit. He looks dashing like Jigger. Pero magkaiba sila ng charisma. Yung kay Jigger kase, may pagka playful at badboy. Si Hendrix naman ay pagkagentleman. Why am i even comparing? Malala na utak ko.

I smiled back at him. When i see his face parang gusto ko sabihin sakanya yung paghanga ko sakanya nuon pa. But it's embarassing. I know. Tuloy lang kami sa pagsasayaw nung magsalita sya.

"You're very pretty ang gorgeous tonight Cielo."

"Tonight lang?." I joked for the awkward atmosphere be lessen.

"No. I mean, you look more, more pretty and more gorgeous tonight. You look pretty everyday actually."

I felt like i blushed on what he said. Hindi ako sanay na may lalaking nagsasabi sakin ng harapan na maganda ako. Haller? They always say i am intimidating that's why they don't try talking to me or just smile at me.

"Ah. Thank you. Bolero ka pala." Malanding sagot ko. Enebe bes? Kinikilig aketch.

"No i'm not. I'm not. Siguro iisipin mong ang bilis naman dahil kelan lang ako nagtext sayo, pero matagal na kasi kita tinitingnan, nakakahiya kasing lumapit sayo eh kaya di kita malapitan."

Marami pa syang sinabi saken. Tanungan kami na parang slam book ang peg. Getting to know each other daw ang stage namin kaya okay lang daw. Ginawa namin yun habang nagsasayaw kami sa mellow music. Hanggang sa natapos na yung dalwang buong song. Nakadalwang song na pala kaming magkasayaw pero di manlang namin napansin. After the song, we decided to sit na. He told me that babalik na sya sa table nila at sinabi nya pang hope to see me raw everyday.

Nakangiti ako sa upuan ko kaya di ko napansin na wala na pala yung katabi ko. Where is that guy? Hmmm. Baka may isinayaw na iba. I just shrugged at my thought. Okay lang naman yun eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Part of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon