9

3 0 0
                                    



Everyone was just too busy for the upcoming ball. Me? I'm so bored. Not interested with the event. Siguro dahil ayoko mamroblema ng susuotin at ng mga dapat gawin sa araw na yun. Hayy. Nahihiya na ako kay Andi. Palagi na lang sya ang sumasagot sakin pag may gantong mga event.

My mind came back to reality when Teacher Beni announced something. A reminder to be exact.

"Class, there will be a change on the upcoming Christmas Ball. It will be a masquerade party. So, ready your mask. Make it fabulous. Okay."

"Yes teacher." Excited na sagot ng mga classmate ko. Karamihan naman girls lang ang excited.


"Cielo,tara mamaya sa mall. Bumili na tayo ng mask naten. Yay. I'm so excited. Papahatid ko na lang kay kuya Steve yung damit mo later. Kahit di mo sabihin, pinagpatahi ka na din ni mommy. Alam mo naman yun, sobrang fond sa beauty mo." I was about to say something when she interrupt me.

"Hep! Bawal tumangge. Besh ano ka ba? Ilang ulit ko pa ba sasabihin sayo na,you're a family na to us? Hayy nako. Tara na. Half day lang naman tayo diba? I'll text kiya Steve na para mahatid na tayo sa mall."


So,ayun. Hindi na nga ako nakatanggi. Inakay na nya ko palabas ng campus. I'm so lucky to have her as my bestfriend talaga. Kahit rich kid sya,di nya ko hinuhusgahan kahit hindi ako ganon kabait.


"Andi, salamat ha. Super thank you talaga." I hug her tight to make her feel how happy i am to be her best friend.



"Wag ka na magdrama, okay?! Tara na! Excited na talaga ako!"



"Hindi halata Andi. Kanina ka pa paulit ulit eh. Hahaha. Teka lang besh,di mo pa nasasabi sakin kung sino partner mo ah." Natigilan sya sa paglalakad at humarap saken.


"I'll tell you later sa mall,okay? Tara na!" At dumiretso na kami sa parking area kung nasan yung car nila.
















"Thanks kuya Steve. Text na lang kita pag magpapasundo na kami ni Cielo ha." Tumango lang si kuya Steve at umalis na sya.



"Andi, kwento mo na,andito na tayo sa mall"


"Atat lang Cielo? Hahaha. Tara kain muna tayo." Tumatawa nya kong nilagpasan. Hayy. Libre na naman.





"Besh may sasabihin ako sayo. Wag mo ko pagtatawanan ha?" I told Andi nung natapos na kami kumain. Nakaupo na lang kami at nagpapababa ng kinain.


Nanliit ang mata nya sakin.

"I won't. Spill Cielo." She's serious now,i know.

"Eh si Hendrix kase, inaya ako maging partner. But then, naiproclaim na ni Jigger sa sarili nyang ako ang partner nya. What will i do besh?".


Ngumisi sya ng pang asar sakin habang naniningkit lalo ang singkit nyang mata.


"Nagdadalwang isip ka na. Gusto ko yan besh. Ayyy. Papa Jigs ka na lang. Kalimutan mo na si Hendrix." Natatawa nyang sagot sakin.


"Pero besh.... Arrggghh...."


"Alam mo kasi Cielo,bakit di mo na lang aminin na attracted ka na din kay Jigs? Di mo lang maamin kasi matagal mong tinatak sa isip mo na crush mo si Hendrix."


Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. My heart's been beating so fast upon hearing his name. Jigs. Jigger. Ugh. Attracted na nga ba ko sakanya? Hayy. Bahala na si batman.



"Okay. Tutal naman eh, alam na ni Hendrix na si Jigger na yung partner ko,so be it!" Is this true? Am i really saying this to my bestfriend? Ugh. So frustrating.



"Nice besh. Inamin mo din. Hahaha"


"Inamin ang alin?"



"Na nagkakagusto ka na sakanya. Kay Jigger. Hahaha. Pero besh,wag din padalos dalos ha. Alam mo na,laganap sa school na playboy din ang isang yun ha."

Di ko magets tong si Andi, akala ko proJigger sya. Ngayon naman ganyan sya magsalita. Sabagay, mahirap na magtiwala.


"Teka, akala mo makakalampas ka? Sinong partner mo Andi?" Biglang nagblush yung pisngi nya. Namumula ang bff ko. It means gusto nya ang nag aya sakanyang maging partner.



"Surprise besh. Abangan mo na lang bukas." Sabay hagaak nya ng tawa. Tinaasan ko na lang sya ng kilay. Ah ganon? Di nya sasabihin ha.


"F.O. na? Lihiman na tayo ganon?" Biglang nawala yung ngiti nya at tumigil sya sa pagtawa. Hahaha. Ano ka ngayon Andi. Akala mo ha.



"Okay, i'll tell you na. Masyadong mabigat ang parusa mo. F.O. agad agad. Hayy. Ang partner ko ay si Isaac. Yung sa second section. Yung mala Edward Cullen ang kutis." Nakakatawa reaksyon nya. Pinipigilan kong tumawa dahil masisira ang pagdeday dream nya.


"Nasabi ko na. Di ka na tuloy maeexcite bukas kung sino partner ko" at nagpout pa ang luka. Akala mo naman apektado ako sa pag nguso nya. Hahaha. Andi talaga.



After looking for a mask,nagdecide na rin kameng umuwi ni Andi.


"Bye besh. See you tom!"


"Bye. Thank You dito. Sa gown at sa mask."



"You're always welcome besh. Pasundo na lang kita bukas ng 2pm para maaga tayo matapos sa pagmemake over natin."



And she waved goodbye. Pumasok na ko sa bahay nung nakalayo na yung sasakyan nila Andi.




"Anak, kamusta? Ayan na ba yung damit na sinabi sakin ni Blandy na pinagawa nya raw para sayo?" Sabi ng nanay ko.

"Opo nay. Nakakahiya na nga sakanila eh. Palagi na lang si Andi sumasagot ng gown ko."

"Hayaan mo anak, pag nakaluwag luwag na tayo, ako na ang bahala sayo."


"Salamat nay. Akyat na po ako. Kumain na naman po kami ni Andi kanina eh. Good night nay. Iloveyou." I kissed her cheek then, i head upstairs na.



Bzzzt bzzztt.

"Ay palakang kokak!" Nagvibrate yung phone ko sa buls? Naisilent ko nga pala kanina to. I fetch for my phone and opened it.


Jigger Yabang

See you tomorrow baby. ;)




Dugdug dugdug. Napahawak ako sa dibdib ko. Gosh heart,bakit bigla ako kinabahan? Eto na ba yun? May kapalit na ba sya? Alam ko,oo. Inaamin ko na di ko naman siguro talaga ginusto si Hendrix. Naging defense mechanism ko na lang siguro sya para madivert sakanya yung nararamdaman ko para kay...... Kalimutan na nga.

Jigger nagkakagusto na nga ba ko sayo? Sabi ko sa isip ko habng nakatitig ako sa phone ko. Dumapa ako sa kama ko at pumikit. Pede ba to? Ang bilis naman yata. Di ko sya mareplyan dahil wala naman akong load balance. Poorita ako eh. Hahaha.


Nagbihis na ko ng pajamas,then i fell asleep with a smile on my face. Bigla yata akong naexcite para sa ball na yan.



See you tomorrow.

See you tomorrow.


OMyGee. Di mawala sa utak ko. Okay, crush ko na nga siguro ko sya. Hahaha. Landi ko.








*****



-jm

Part of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon