* TATAY *

2.9K 6 0
                                    

TATAY

Haligi ng tahanan

Kung siya’y ating bansagan

Nagsisilbing pundasyon

Ng masayang tahanan.

Nang si nanay lumayo

Ikaw ang siyang tumayo

Pagmamahal ay pinaramdam mo

Sa nangungulila naming puso.

Paggising sa umaga

Kape’t tinapay sa mesa

Lahat na nakahanda

Sa pagpasok sa eskwela.

Sa aruga’t kalinga di nagkulang

Si tatay na nanatiling matapang

Di inatrasan hamon ng buhay

Sakripisyo kanya ring inalay.

Lahat kanyang ginagawa

Anak ay makita lang na masaya

Pagkat di kayang makita

Luha ng kanilang pangungulila.

PAMPAMILYANG TULA :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon