PAMPAMILYANG TULA :)

Dedicated to
Cecille Sales Tam...
spinner.gif

NANAY

Tawag sa kanya’y ilaw ng tahanan

Nararapat lamang pasalamatan

Pinakamamahal nating nanay

Na siyang nagdugtong sa ating buhay.

Lumayo si nanay

Upang maghanap-buhay

Sa amin naiwan si tatay

Siya’ng nagsilbing gabay.

Ilang taon rin ang lumipas

Bago nakauwi sa Pinas

Pasalubong ay ligaya

Sa pusong nangungulila.

Aruga’t kalinga kanyang binibigay

Pagsasakripisyo kanyang inaalay

Mundo ay kanyang binibigyan ng kulay

Salamat pagkat bahagi ka ng buhay.

Ngunit umalis muli si nanay

Upang muling maghanap-buhay

Sa anak handing muling mawalay

Mabigyan lang ng magandang buhay.

Para sayo ‘tong tulang aking ginawa

Mabatid mo lang na ika’y mahalaga

Aking mahal at ginigiliw na ina

Sana’y magustuhan aking munting tula.

Comments & Reviews (4)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended