Chapter 50

280 6 0
                                    

I think Huxley was made to break my heart. 

"K-Kaelyn." Hawak ni Vina sa akin. 

Same shit but different  year. Ang sakit!

Tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ko ng nakita kong pinunasan ni Huxley ang gilid ng labi ni Kat para kunin ang chocolate icing ng cake. Parang piniga ang puso ko. Parang sinaksak ng ilang beses.

Kaya pala... Kaya pala hindi niya ako papakasalan dahil meron pa sila ni Kat, hindi matapos tapos ang sa kanila ni Kat. Siguro plano niya lang yung balikan ako pero yung buntisin ako ay hindi at nanatili lang siya sa tabi ko dahil dinadala ko ang anak niya. Siguro ganoon iyon. Kaya pala past 8 na hindi pa siya nag text dahil kasama sila ni Kat ngayon. Eto ba ang meetinga sinasabi niya? Meeting nila ni Kat kung paano ako saktan? Iwan? Wasakin? At paasahin muli? Tangina, nanalo na naman sila.

Pinunasan ko naman ang luha ko at dali daling tumalikod doon. Mas mabuti yung hindi niya alam na alam kong meron pa pala silang relasyon ni Kat. Siguro noong sa America sila ay nag ka developan sila. Sabi na eh, sila talaga ang para sa isa't isa. Before, we broke Clarence and Kat's hearts because we chose each other, pero in the end ako pa rin ang naiwan at mas lalong nasaktan. Tapos ngayon eto na naman, he chose to break my heart again.... at ngayon na magkakaanak na sana kami.

"Sorry!" Sabi ko ng may nabangga akong may edad na na babae. 

"Okay lang... Are you okay?" Tanong nito sa akin. She looks like an older version of Kat-- ughh! Sa sobrang inis ko sa babaeng iyon ang mukha niya nakikita ko na sa iba! Tumango na lang ako at mabilis na umalis doon. Hinabol naman ako ni Vina.

Ng nakalabas na ng mall, napahawak naman ako sa puso ko at sa sasakyan ni Vina. Nagsimula ng maglabasan ang mga luha sa mga mata ko. Now my questions were answered. 

Again, it's all because of Kat.

"Kaelyn..." Sabi nito at niyakap ako.

"Ba-Bakit ganoon Vina? Bakit si Kat palagi? Akala ko this time ako na!" Naiiyak kong sabi.

"Know his reason---"

"Ampucha naman eh! Reason na naman! Ayan na naman! Kaya pala ayaw niyang magpakasal sa akin kasi may something pa sa kanila ni Kat!" Sabi ko.

"Kaelyn naman..." 

Naramdaman ko naman ang paulit ulit na vibrate sa cellphone ko. Si Huxley na kaya 'to? Tapos na ba sila sa meeting nila ni Kat? Tss!

Hindi ako umuwi sa condo, I stayed at Vina's place. Hindi na rin ako umiyak pero ang sakit hindi talaga mawawala. I turned my phone off. Tumawag si Huxley kay Vina pero hindi ito sinagot ni Vina.

"K, okay ka na?" Tanong ni Vina.

"Magiging okay." Sabi ko.

Nakatulog na si Vina sa tabi ko habang ako dilat na dilat pa. Nagsimula namang tumulo ang luha ko, kapag pumipikit ako ang pag punas ni Huxley sa labi ni Kat ang naiisip ko!

I wish I didn't care all the time...

I closed my eyes and again that scenario appeared on my mind. Mahina ko namang sinampal sampal ang sarili ko.

"The fuck Kaelyn..." Bulong ko sa sarili ko. Napatingin naman ako sa side table kung nasaan ang cellphone ni Vina na may tumatawag. Dinungaw ko naman iyon ng may ilang tawag na ito.

Napataas naman ang kilay ko ng si Huxley iyon. It's already 12am!

I tried to sleep but damn it I really can't!

Gumising si Vina ng 2am at ako hindi pa nakatulog.

"Hoy! Matulog ka na!" Sabi nito sa akin. Umiling lang ako. Hindi nga ako makakatulog.

"What the? Really? Grabe 'tong boyfriend mo ah! May balak ba siyang patayin ang cellphone ko!" Reklamo nito ng binuksan ang cellphone niya.

"Vina, please. Answer my calls.... Vin, where's K?.... Vin please... Vin anong oras na hindi pa siya nakakauwi, I am really worried.... She is not answering my damn calls!.... Oli told me magkasama kayong dalawa, nasaan na siya? Saan siya pumunta?.... Vina please!.... Vin, answer the damn calls!" Pagbabasa ni Vina sa mga texts ni Huxley. Tumagilid na lang ako at pinunasan ang luha na pumatak na naman sa mga mata ko.

"Hello?" Napatingin naman ako kay Vina ng mag hello siya.

Tinakpan niya naman ang mic sa phone niya. "Tumawag." She mouthed at me.

Bumalik ako sa pagtalikod kay Vina, I heard Huxley's voice. At niloudspeak pa ng magaling kong kaibigan!

"Mygad Huxley! It's 2:30 in the am!" Vina said.

"Where is Kaelyn? Kayo ang last na magkasama!"

"Nauna akong umuwi kasi hihintayin ka niya! Hinatid ko siya sa little miss sweets kanina kasi gusto niya ng cake!" Bumaling naman ako kay Vina at pinandilatan siya, inirapan niya naman ako.

"What? Anong oras?"

"Hmm.. Mga 8 na iyon." Sinipa ko naman si Vina at napadaing naman siya ng mahina.

"Hindi ba siya nag text sa iyo o ano? Nagpatulong o whatsoever!? Shit! Baka ano isipin---"

"Ano ba dapat isipin niya? May nangyari ba?" Sasabunutan ko talaga ang kaibigan kong 'to! Umupo ako at lumebel kay Vina. Tinaas niya naman ang kamay niya sa akin para patigilin ako sa gagawin ko.

"Nothing..."

"Oh ngayon alam mo ng wala si Kaelyn si akin, makakatulog na ba ako Huxley? Tatantanan mo na ang phone ko?" I can hear Vina's angry tone too.

"I am still finding her! Halos napuntahan ko na lahat ng puntahan niya!"

"Saan ka pumunta? Ba't di ka pumunta dito sa bahay para hanapin siya?" Natatawang sabi niya. Hindi ko napigilan at sinipa ko siya, muntik naman siyang malaglag sa kama niya. Pigil na pigil naman siya sa tawa niya.

"Galing ako sa kanila baka umuwi siya..." WHAT!? Anong oras siya bumiyahe papunta sa amin!?

"Sa bar ni Oli?"

"Wala rin siya doon... Anong address ni Clarence dito?" Tanong niya. Natawa naman si Vina.

What the hell Huxley!

"Oh! Baka na sa kay Clarence siya!" Hindi naman sumagot si Huxley. Pinandilatan ko naman si Vina pero kumindat lang siya sa akin.

May kinuha naman ako sa gilid na papel at mabilis na nagsulat doon ng PAUWIIN MO NA SIYA.

"Umuwi ka na lag muna Huxley... Ang late late na. Safe naman si K for sure." Sabi ni Vina.

"If andiyan siya sa'yo tell her I will be waiting at her condo, and please take good care of her. Don't let her go later without eating breakfast and tell her that I love her so much." And the line ended.

What?

I pressed my both lips. Humiga ako pabalik at umiyak na naman.

Leche naman eh! Sa dami daming pwede makita ayon pa nakita ko!

"Girl, narinig mo na iyon. Matulog ka na diyan. Anong breakfast gusto mo mamaya?"

"Wala."

Of all my mistakes, choosing Huxley was the mistakiest. Tsss!

Broken HeartsWhere stories live. Discover now