Chapter 7

26 2 3
                                    

Lame's POV

"Manang aalis po muna ako ha, may bibilhin lang ako sa Book store."

"Sige ihja, mag ingat ka ha?"

"Nakuh Manang, parang di nyo na man po ako kilala. I can take care of my self po." Sabay tawa ko. Talaga tong si Manang oh, simula nang mawala si Mama, sya na ang nag aalaga sa akin.

Kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng bahay , wala pa ring taxi, ano ba yan, gagabihin siguro ako neto. 

Ayan may taxi na.

Kinaway ko yung taxi.

"MOA po."

"Tara."

Nakakawirdo na man tong si Manong taxi driver.

Teka ba't parang nahihilo ako. Nagiging dalawa ang paningin ko. Tsaka ano itong iwinawagayway ni Manong sa harap ng AC? Kukunin ko na sana ang Cellphone ko sa bag ko pero parang nawawala ang lakas ko.

"Ma-mano-ng, a-an-o po an-g gi-ginagawa ny-o?" Utal utal kong sabi, nawawala talaga ang lakas ko.

Then it turns everything to black.

Zed's POV

"AAAAAAAAHHH!!!"

Masamang panaginip, si Lame. Pero panaginip lang yun, para na akong naliligo dito, naka full na man ang AC, isang masamang panaginip nga. Araw araw sa pag gising ko hinihiling kong si Lame ang unang makita ko. Pero sa kasamaang palad tanging kisame lang ng condo unit ko ang nasisilayan ko araw araw. Di ko parin makalimutan si Lame. Mahal ko sya, sobra. Hindi sya malimutan ng puso ko.

"Zed?! Okay ka lang ba? Anong nangyari?" Si Clarisse

"Ah, wala nanaginip lang ako ng masama." Ayoko na mang sabihin na si Lame ang napanaginipan ko dahil sigurado ako malulungkot na naman to.

"Ahh, tara kain natayo? Nag luto ako ng paborito mo."

Hindi alam ni Clarisse ang paborito ko, si Lame lang ang nakaka alam nun. Ang paboritong pagkain na tinutukoy nya ay ang paboritong pagkain ni Lame. Adobo.

Pagkatapos naming kumain ay umalis din agad sya dahil may kaylangan daw syang asikasuhin sa companya nila.  Ako? Oo nakahiga lang ako dito, may ari ako ng isang malaking shipping company dito sa Pilipinas kaya hindi ko na kaylangan pang mag trabaho, may gumagawa na nun para sakin.

Pagkatapos kong mag kwento sa inyo ay babalik na ako sa higaan ko. Nang biglang tumunog ang Telepono ko.

"Hello?"

(Si Zedd Alcantara ba'to?)

"Bakit?"

(Si Ash to pare.)

Langyang pagkakataon to ah. Ano kaylangan ng hayop na to sakin.

"Napatawag ka? Ano na naman ang kaylangan mo?"

(Si Lame--)

Di ko na sya pinatapos.

"P*ta ka Ash! Anong ginawa mo kay Lame?! PAPATAYIN KITA PAG MAY NANGYARING MASAMA KAY LAME!!"

(Teka lang Zedd patapusin mo muna ako---)

"Ikaw ang tatapusin ko walangya ka!"

(Anak ng Adobo na man Zedd oh!! Patapusin mo muna ako pwede?!! Langya! Si Lame nakidnap!! Hindi ko sya mahagilap, kahapon pa kami hanap ng hanap, wala na akong ibang malalapitan kundi ikaw dahil ikaw lang ang may malakas ang kapit sa atin, kahit ayokong kontakin ka eh wala na akong ibang maisip na paraan, may kaso pa akong naka pending sa mga pulis kaya wala akong kawala!.)

"HAHANAPIN KO SI LAME!!"

(Pano? PAre?)

"Ako na ang bahala dun, maghanap ka  kung saan, tawagan mo ako kapag nahanap mo na sya , MALIWANAG?"

(Okay pare.)

Dali dali akong umalis ng unit ko at pinaharurot ang sasakyan ko. Biglang tumunog ang Cellphone ko. Hindi ko na tinignan ang Caller basta sinagot ko na lang.

"Hello Ash? Nakita mo na?"

Pero sa halip na tinig ni Ash, ay boses ng umiiyak na babae ang narinig ko, hindi lang yun, kilala ko ang boses na yun. 

"LAME???"

(Ze-ed, na-natatakot a-ko di-to, tu-tulunganan mo ako.)

"SAN KA NGAYON LAME??"

Pinark ko na man sa gilid ng daan ang sasakyan.

(Puntahan mo sya sa lumang bodega ng mga Monteverde)

"P*TA SINO KA?!"

(May papatay bang sinabi ang pangalan nya?)

"KUNG SINO KA MANG ANAK NI SATANAS HINTAYIN MO AKO AT AKO ANG PAPATAY SAYO, WAG NA WAG MONG SASAKTAN SI LAME!"

(Wag kang mag alala Zedd, pumunta ka lang dito okay na.)

*TOOT TOOT*

Ibinaba na nya ang tawag. Sa lumang bodega, alam ko yun. Pinaharurot ko na ang sasakyan ko.

Kung sino ka man humanda ka sa akin. Dadanak ang dugo nasisigurado ko. May biglang kumislat sa kanang bahagi ko.

"Oo alam kong atat ka na, wag kang mag alala, mag iinit ka mamaya.

AN: KAmusta po ang update ko?? hihihih.. Next chapters na ang ACTION SCENES!! at wala kong maisip!!! WAAAA!!!...

CLARITYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant