3

7 0 0
                                    

"Erin? hija ikaw ba 'yan?" gulat na tanong ng babae may edad nang makita siya nito. Ito ang ninang ni Erin na si Mama Lyn at dito rin siya tumuloy noong nag aaral pa siya sa highschool tuwang yumakap ang babae kay Erin nang tumango siya bilang sagot sa tanong nitong hindi pa rin makapanilwalng nandoon nga siya sa harap nito.

"Mama Lyn! na-miss kita sobra" nakangiti ng bumitaw siya sa pagkakayap dito.

"Aba anak sinorpresa mo kami ah, hindi ka man lang nagpasabing darating ka ngayon. naku di tuloy ako nakapaghanda man lang at nasundo ka sa airport. Na-miss din kita bata ka! ang tagal mo kayang hindi naka-uwi dito".mahabang saad  nitong inakay siya papasok sa loob ng bahay.

"eherm" narinig nilang tumikhim si Zen saka naalala ni Erin na kasaama pala nito ang amo.

"Ahm Mang, si Zen po pala ang-"

"Ang Fiance ni Erin po.' agaw ng lalaki pagpapakilala."Zen dela Vega po! nice meeting you mam!" anitong inabot ang kamay ng matanda.

Ha? ano daw? kela pa? gulat na tanong sa isip ni Erin.

"Aba kasama mo pala ang mapapangasawa mo Erin bakit di mo agad ipinakilala? tanong ng mama Lyn niya na palipatlipat ang tingin sa kanila. Kumusta Hijo? natutuwa rin akong sa wakas nakatagpo itong anak ko ng kanyang Ideal man sa buhay." nakangiting saad nito sa kanya.

Mula sa loob ay lumabas pa ang isa ring may edad na babae. "O! mare may bisita ka pala naku diyan pa kayo sa labas nag-uusap, pumasok na nga kayo sa loob at mainit dito sa labas at-"

"Mareng Pina si Erin nandito o, kasama ang asawa niya" tuwang pagbalita nimo sa babae.

hala lumala pa! ano ba 'to? reklamo ni Erin  sa isip. nilingon niya ang lalaking katabi. Nakangiti itong nagpakilala kay aling Pina. ano ba kasing nakain ng lalaking ito at gumagawa ng kagaluhan sa buhay ko.

Bumaling si aling Pina sa kanya "naku ERin nag-asawa ka na pala hindi man lang namin nabalitaan, at ang gwapo ng asawa mo ha? ang swerte mo!"

"Ano ka ba mare? syempre naman gwapo ang asawa niya, pangarap kaya nitong si Erin ang ganyang lalaki."

"mang pumasok na kaya tayo sa loob" agaw niya sa usapan ng dalawang matanda.

"ay oo nga pala, pasok na kayo! nalimutan ko tuloy, ang saya ko na naman kasi."

mukha nga po..sang ayong niya sa sinabi nito.

"Hanggang kailan ba kayo mananatili dito?" tanong ni Aling Lyn sa kanilang dalawa.

"mga isang linggo po mam." sagot ni Zen dito.

"anong mam hijo? mama na rin mapapangasawa ka na ni Erin kaya parte ka na rin sa pamilya" pagtatama nito sa lalaki.

"ah isang linggo lang po siyang mananatili dito mang busy din po kasi siya sa trabaho, pero isang buwan po ako dito" sabi naman ni Erin.

"ah ganoon ba? anak ang mabuti pa magpahinga na kayo sa kwarto mo, malaki naman ang kama kaya magkakasya kayo nitong si Zen"

"ha? mang di ba may isa pang guestroom dito? baka doon na lang si Zen?" lagot ka talaga sa akin lalaki ka mamaya.

"Bakit pa sa kabila eh pwedeng magtabi na kayo sa kama anak? at saka di na magagamit ang guestroom na yon kasi ginawang studio ng pinsan mo"

ano bang kamalasan ang dumapo sa akin at sunod-sunod naman yata?  tanong niya sa isip.

" o siya sige magpahinga muna kayo at alam kong pagod kayo pareho sa byahe." pagtataboy ng matanda sa kanilang dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

chancesWhere stories live. Discover now