Chapter 7: Why

291 11 2
                                    

-- JACKIE’s POV –

*riiiiiiiiing riiiiiiiiing* (school bell)

Time na. Nagulat ako ng biglang tumakbo si Kyle papuntang banyo. Sinundan ko siya dahil alam kong umiiyak siya. Takot kasi talaga siya sa tubig eh. She hates it that much. Pero bakit kaya? Anyare?

“ Kylits! Anong nangyari?? Bakit ka umiiyak?? “ tanong ko sa kanya, habang kinakatok ang pinto ng banyo.

“ eh kasi beps.. si- si- si ano ehh.”

“ Langya-erts! Sino Kylits?? Sabihin mo, Sino? “ mapapatay ko kung sino mang nagpa-iyak kay beps.

“ Si-si Luigi kasi an- - “

“ Gachagochong lalaki yan! Mapapatay ko yun! “

At lumabas na ko ng banyo para hanapin ang gacha-gochong yun! Mapapatay ko talaga siya, sinusumpa ko dito sa… dito sa swimming pool na to!

-- LUIGI’s POV --

Nandito kami ngayon sa Firehouse para kumain at mag chill. I’m with Sean and friends. Kakatapos lang din ng Swimming class.

“ oh Dre, how’s your swimming class? Dami bang chicks? “ tanong ni Sean

“ chicks? Ducklings meron. Gusto mo? Dalawa pa. “ sagot ko naman

“ ducklings? You mean those ducklings sa McBee? “ excited na tanong ni Sean

“ yeah” simple kong sagot

“ wow! Parang ang saya nun ah! Ducklings na nag swi-swimming lesson? Haha “ si Bryan kung makatawa wagas. “ quack quack quack “ haha

“ alam niyo may kamukha talaga yung K-kyle eh.. “ dumali na naman si Enzo sa pag ka Sherlock Holmes niya.

“ yeah right. Actually meron nga. Di ko lang matandaan. I dunno. “ pag sang ayon ni Ian.

Speaking of Kyle, ano kayang nangyari dun? Bigla na lang umiyak at nawala. Inaar ko lang naman siya ah. Ganun na ba siya ka pikon. Tsk. Weak girl acting like a tough one. Akala ko pa naman…

*booooggssshh* (sound ng sapatos na tumama sa ulo)

FCK! Sino na namang bisugo ang gagawa nito?!?

“ hoy lalake! Kala mo kung sino kang gwapo! “

“ ha? Anong –ARAYYY ginawa ko?? “ wow ha. Hinahampas niya lang naman ako ng bag niya.

“ wag ka nang mag ma-ang ma-angan diyan! Ikaw ang nagpa-iyak kay Kylits! Malilintikan ka sakin! Ano – ha- - ha - - “ sabay hampas na naman sakin.

“ What the! Wala akong ginagawa sa kanya! “ walanjo! Kung makapagbintang… tsk

“ talaga lang ha! Alam mo namang takot sa tubi--- bitawan niyo ko! Ano ba! “

“ hoy duckling! Ang lakas ng trip mo ah! “ Sean

“ anong trip pinagsasabi mo diyan! Yan! Yan! Yang gacha gochong alien na yan ang malakas mang trip. “ sabay turo sakin “kelangan ba talagang sabihin yun kay Kylits??? Haaaa??? Walangya! “

Nakita ko c Kyle na tumatakbo palapit samin. Umiiyak pa rin? Tsk. Iyakin.

“ Beps! Beps! Tama na. Hayaan mo na. Sige na. Halika na. “ pagmamakaawa niya dun sa kaibigan niyang duck, ewan ko anong  pangalan.

“ Hayaan mo ko beps! Di ko papalampasin ang ginawa ng mokong na yan sayo! “

“ wala naman akong ginagawang masama ah! “ lipat tingin ko kay Nagger “ Malay ko ba na iyakin YAN at takot sa tubig. “

NO REGRETS, JUST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon