Chapter 24: Filler lang.

145 2 0
                                    

Chapter 24:

-- Kylit’s POV --

“Di po talaga ko pwedeng sumama?” tanong ni Shing. Yung super cute na kapatid ni Sean.

“No. Dito ka lang kasama si Yayas. Uuwi naman sina Tita Eden mamaya at si Daddy eh.” Sabi ni Sean sa kapatid niya.

“Eh… Ma bo-bored lang ako dito. Si Yayay hindi naman ako pinapansin. Busy kay Sir Chief niya.”

“Shing, wag na makulit. Hayaan mo pagbalik ko, gala tayo.” Sabi ni Sean. Sus! Wa epek yan!

“Oo, sama pa’ko kung gusto mo!” dagdag naman ni beps (Jackie)

“Oh! Kitams! Yun naman pala eh..” sabi ni Sean habang inaayos ni Jackie ang buhok ni Shing.

“Ehhhh! Sama na po ako! Sige na po, please! Promise behave po ako dun.” Shing convincingly told him.

“Wag na makulit, baby, please.” Sabi naman ni Sean.

“Ehhh naman ehhh…” at biglang umiyak si Shing. “Gumising pa ko ng maaga, di rin pala ko isasama. Isusumbong kita kay Daddy!” pag dadabog ni Shing.

“Oh, ba’t umiiyak ang baby ko?” ayy baby ko! Shit naman tong si Luigi ehhh! Bigla bigla na lang sumusulpot.

“Kuya Miggy! Ayaw kasi akong pasamahin ni kuya sa inyo ehhh! Behave naman po ako dun. Promise. Di ako magiging pasaway. Din a rin po ako magsasalita. Promise ko po.” Walang hinting sabi ni Shing kay Luigi. Kinarga naman siya nito. Kyaaaaaaaaaa! Bagay siya maging tatay! Tatay ng mga anak ko. Nyaha.

“Oh yun naman pala eh.” Sabi niya sabay tingin sa’kin, “Ano sa tingin mo bubwit? Sama natin si Shing?”

“Oh eh bakit ako? Malay ko!” sabi ko naman. At nagpuppy eyes na tumingin sakin si Shing.

“Playmates kayo, diba?” sabi naman ni Luigi.

“Ehhhh…” di pa’ko tapos mag salita nang..

“Sige na po, Ate Kyle! Please please please.” Pagmamakaawa ni Shing. Luh! Anong gagawin ko. I can’t resist her.

“Tanong mo kay kuya mo.” Sabi ko sa kanya.

“Kuyaaaaaaaaaaa. Sige na po. Kina Kuya Miggy at Ate Kyle na lang po ako sasama.” Tumingin naman sa’min si Sean. I nodded, ganun din si Luigi.

“Hala, sige! Basta kayo magbabantay niyan ha.” Sabi ni Sean sa’min. We both nodded, again.

“Yay! Sige po! Thank you thank you thank you!” biglang sigaw ni Shing at bumaba siya sa pag kaka-karga sa kanya ni Luigi.

“Bilis na, magbihis at mag-ayos ka na ng gamit.”

“Done. Tapos na po. Ready na,” sabay ngiti ng wagas. “Toothbrush na lang po.” At umalis na siya.

“Kayo mag babantay dun ha!” sabi ulit sa’min ni Sean.

“Siya lang.” turo sa’kin ni Luigi.

“Anong, ako? Ikaw!” sabi ko naman.  

“KAYONG DALAWA!” sabay sabi ni Sean at Jackie.

Okayy. Kami na. Kami na ang magbabantay.

----------------------

-- Jackie’s POV --

Papunta na kami ng Batangas for our Bellaroca trip. Hindi naman sila masyado excited no? HAHAHA! Anong ginagawa nila? Ayan, tulog lang naman po sila.

NO REGRETS, JUST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon