Chapter 10 (Intruder)

10 0 0
                                    

Hello ya. Tinatawagan ko yung kasambahay namin kasi hindi ko naman nakikita ang Dad ko. Gabi na. 

Asan si Daddy? 

Ugh. Patchee, hindi makakauwi si Daddy mo. Mag overtime raw sa work. If you need anything just tell me. 

Ohhh. Okay. Umupo ako ng couch tapos andun si Pat. Ginagawa mo? 

Nakaupo. Hindi ba obvious? 

Err. I mean bakit ka andito? Sa bahay ko. Gabi na kaya. 

Lapit lang naman ng bahay ko dito. Kelan pa ako naging bawal dito? 

Feeling. Never pa pero balang araw hindi kana makakapasok dito.

Talaga? Hindi mo ako hahanapin? Paano na pag may nagpaiyak sayo. Dang. Pinaalala nanaman niya. Okay, magkababata kasi kami ni Pat. Kaya halos alam niya na lahat sa buhay ko. Hindi lang ata halos, lahat ata alam niya. Pag-uugali ko. Lahat at yung rason kung bakit ako ganito ngayon.

Isang pusong lalaki. Paano nga ba nangyari yun? Eh kasi naman lumaki ako na only child pero wala na akong nanay kaya lumaki ako with my Dad. Syempre, hindi niya alam yung mga gusto ko. I used to cry kasi hindi niya talaga alam lahat ng gusto ko but I got used to it at ngayon, magkasundo na kami. Like what he wanted to. 

Si Pat naman. Ewan ko kung saang lupalop napadpad at nakilala ko. Nagkasundo kami at siya na nga ang naging kababata ko. Iyakin ako nung bata. Hindi ba halata? Palagi kasi akong inaasar ng mga classmates kong lalaki at pinagtatawanan ng mga babae kasi nga yung mga asta at pananamit ko parang lalaki. Dahil sa kanila hanggang ngayon eto na ako. Babae ang kasarian pero kung umasta isang lalaki. Ayoko na kasi maasar. Gusto ko lang ipakita kung sino nga ba ang totoong ako. Yun lang. At Eto nga ang totoong ako. Wala narin akong plano magbago at magpakatino.

Ikaw na the best. He giggled.

Joke lang! Ang pikon mo. Baguhin mo nga yan. 

K dot. 

Sungit pa. 

Whatever! Ohh. Anong plano mo? 

Makikitulog sana ako. 

Ohh. At bakit? Huh? Feel at home narin kasi siya dito. Parang kapatid ko na nga 'to mas parati siyang naririto kesa sa bahay nila at hindi naman nagagalit parents niya. 

Babantayan kita. He smiled. Sarap parin ng upo niya eh. He switched the TV on. 

Hindi na ako bata, Pat. 

So? Porket ba. Mamaya kasi may manakit sayo. 

Dito sa bahay? Nako naman. If ever meron ikaw na yun. I teased him. Siya at ang Dad ko lang naman ang kaaway ko dito. Sino pa nga ba. 

Kahit na. Sige na kasi, please. He made a puppy face.

Pangit mo! O siya. Bahala ka. Good night! 

Good night Patch. He smiled at me. 

Matagal na kaming hindi nagbobonding ni Pat. Minsan kasi ang awkward na rin parang ang tanda na namin para gumawa ng mga silly stuffs together but he is really open about his life. Eto open ears naman akong nakikinig sa kanyang buhay.

Well, I never had a best friend better than him. I mean I used to but he is the best that I have right now and even though he pisses me often. I am happy to have him around even if I don't ask to.    

He'd really been a big part of my life. I was about to take a shower I heard my phone beep. I opened it. 

From: Unknown number

 Hoy! Anong number ni Pat?

Sino naman 'to? Gabing gabi may nanggago sa akin. Baka mga stalker niya to no. Haha. Talaga si Pat. 

To: Unknown number

 Hoy ka rin. Stalker?

Nagshower na ako at naalala ko nanaman si Xavier. Yung mukha mukha niya kasi kanina. For the first time ko siyang nakitang tumawa ng natural, walang pagpapanggap. Then I heard my phone beep again. 

From: Unknown Number

 Asa! Number niya nga.

Nagsend ako ng ibang number at tinago ko na yung phone ko at natulog. 

Umagang umaga tumutunog na yung phone ko. Napabangon ako ng di oras. Yung unknown number nanaman yung tumatawag.

Hello? Sino to? 

Number nga ni Pat. 

Stalker? Asa ka ah. 

Hoy. Anong sinasabi. Hindi mo ba ako nabobosesan? Wala naman akong kakilala na ganito ang boses. 

Hindi ako uto-uto. Ibaba ko na sana kaso may narinig ako. 

Si Xavier 'to! Napatigil ako. Nagulat. Paano naman nalanam ng kumag na ito ang number ko? Tanga. Barkada mo diba. 

Bakit kasi hindi mo alam number niya?

Nabura ko nga. Akin na! May importante akong sasabihin sakanya. 

Sabihin mo muna sa akin. 

Naman. For boys only. 

Nangiinsulto ka pa. Bahala ka. 

Uy. Joke lang, about sa business lang. Bibigay ka rin naman pala.

K. Send ko nalang bye. I hung up. Pagkatapos nun sinend ko na para hindi na ulit mangulit parang ewan lang yung number ko alam niya pero number ni Pat hindi niya alam. 

As usual ako lang ang tao dito sa bahay at si Yaya at si Pat. Nandito nga pala siya at hindi ko alam kung nasan siya parte ng bahay baka natutulog pa. Maaga pa naman kasi nakahanda na yung breakfast kaya kumain na ako. Sanay naman na ako na magisa aww. Hindi ako emo alam mo ba yun pero sanay na akong mag-isa. 

Tapos narinig kong tumahol yung puppy ko. Nasa cage kasi siya all the time. May asthma kasi ako and bawal ako sa puppy pero makulit ako kaya binili ko parin siya. I let him out kasi kawawa naman siya at natuwa naman siya about that. 

After kong kumain inaayos ka na yung pinagkainan ko. Wow ang bait ko naman ata ngayon eto ang nagagawa ng boredom.

Sinunsundan ako nung puppy ko namiss nga nito ako kaya inakbayan ko and binaba ko rin. 

Dito ka lang. Be quiet. Kasi feel ko tulog pa mga kasama ko rito. 

Kasi nga bored ako pumunta ako sa Piano Room. Yeah guess what kung ano ang gagawin ko dun? Syempre magpipiano. Yes, marunong akong magpiano kahit papano. Hobby ko to before. Idk why pero hindi ko maiwasang hindi magplay every single time.

Wala akong magawa. I was playing 'skyscraper' by demi lovato. Hindi naman ako heart broken or what at impossibleng mangyari yuon sa akin. Hindi ko napansin na kumakanta na pala ako at tinuloytuloy ko lang para umalan. Jk. Hindi naman fail ang boses ko sakto lang at hindi naman kagandahan. Alam ko naman. Pakipot eh. Pero sa totoo lang dito lang 'to nagagawa. Yung maging ako sa kung ano ako talaga. Syempre approved na tomboy ako kung yung ang gusto niyong malaman pero hindi naman mawawala na babae ako at dito ko nalang napapatunayan. 

Like a skyscra--

BOG. I heard a big slam. Napatigil ako. Never kasing may umaabala sa akin pag nagpipiano ako. Never. Kahit si Pat or si Dad. I froze. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. 

Baka pinasok na kami ng magnanakaw? Sh.t ano na? Wala akong hawak na kahit anong pang defense. Then I saw someone open the door. I stood up and I moved away. There was a shadow. 

Sino kang hayop ka! I shouted at the top of my lungs. 

The Crazy Biatchy. (On Hold)Where stories live. Discover now