Chapter 31

57.8K 943 10
                                    

"Doon lang sa aming puwesto sa may Tacloban City ay na-anod sa may coastal area yung 11 na ka-tao kaagad. Isa po doon ay bata."

Tutok na tutok lang ako sa balitang pinapalabas ngayon sa telebisyon dito sa pantry. Grabe pala talaga ‘yung dumaan na bagyo kahapon. Puro putik at sira sirang bahay ang pinapakita ngayon sa balita. Halos wala ka na ngang makita na nakatayong bahay. Isama mo na ang nagkalat na mga bangkay sa kalsada. Sunod sunod na lumalapit sa camera ‘yung mga survivors at humihingi ng tulong. Nakakaawa ang kalagayan nila dahil kahit mga evacuation centers ay pinasok din ng tubig at madami ding nalunod. Nagmistulang ghost town ang Tacloban.

“Nakikinig ka ba sa akin, baby?” sabi ni Charles na nakatawag ng pansin ko.

“Huh?” wala sa sarili kong tanong sakanya.

“Ang sabi ko mag-leave ka muna. Pagalingin mo muna ‘yang sugat mo,” sabi niya.

“Ah,” tipid na sagot ko. “Hindi naman kailangan. Kaya ko naman, baby. Wala namang buto na natamaan 'yung bala. Okay lang ako. Daplis lang 'to. Hindi naman din ganun kabigat ‘yung trabaho ko. Nakaupo lang naman ako buong maghapon.”

“Pagalingin mo muna ‘yang sugat mo bago ka umaksyon uli sa mission mo. Pwede ba ‘yun?” halong alala at inis na sabi niya. Tumango na lang ako. Binigyan niya ako ng ngiti, “Here, masarap ‘to,” sabay lagay sa plato ko ng pagkain. Ewan ko kung ano na namang putahe ‘to. Pero mukha naman talagang masarap.

Simula kagabi nung pumunta siya sa bahay ni Trevor eh walang sawa na siya sa pag-aalaga sa akin. Hatinggabi na nga siya umuwi. At kung hindi ko pa paaalisin, hindi pa nga talaga aalis. Hindi ko naman nakita si Trevor kagabi pagkapunta ni Charles. Sabi ni Lee nasa kwarto lang daw at nagpapahinga. Sinundo din ako ni Charles kaninang umaga at sabay kaming pumasok dito sa opisina. Maya’t maya din ang tanong niya kung masakit ba ‘yung sugat ko. Kulang na lang kumuha siya ng wheel chair at doon na ako paupoin.

Matapos niya akong ihatid sa floor ko eh dumiretso ako sa office ni Trevor dahil may ipapagawa daw siya. “I want you to get me a hall reservation in a hotel. Hire an event planner for a charity auction. Get the best catering service in town. And lastly, contact the director of DSWD and tell him that we will be volunteering for the repacking of goods,” sunod sunod niyang utos ng hindi ako tinatapunan ng tingin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina niya.

“We?” tanong ko.

Saka niya lang hiniwalay ‘yung tingin niya sa monitor. “Yes. We. Staff and employees of Machismo.”

“Okay,” sagot ko sabay labas na ng opisina niya. Teka natandaan ko ba lahat ng utos niya?

Pagkabalik ko sa desk ko, nakaramdam ako agad ng antok. Tsk. Kaya ayaw kong bini-baby ako eh, nagiging antukin ako. Hotel reservation, event planner, catering service and DSWD director. Better start now. Sinimulan ko ng mag-search ng hotels at nagtingin tingin ng reviews kung maganda ba ‘yung lugar.

Nakatatlong balik ata ako sa pantry para magtimpla ng kape. Kaso tuwing babalik talaga ako sa desk ko at uupo, inaatake ako ni antok. Hindi ko na mabilang naka-ilang hikab na ba ako. Naghahanap na ako ng catering service nang talagang hindi na kaya ng mata ko kaya naman binaba ko muna ang ulo ko sa desk at umidlip.

Dapat talaga may sleeping room dito sa office eh…

Kinakaladkad ko ‘yung kalbong magnanakaw ng gin sa tindahan ng bigla kong naramdaman na parang lumulutang ako. Dinilat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang muka ni Trevor. “Hey,” nakangiti niyang bati sa akin. Tinignan ko kung nasaan kame at mukhang nasa bahay na kame. Dahan dahan niya akong inihiga sa kama ko at doon lang pumasok sa isip ko na buhat nga pala niya ako. Umupo siya sa gilid ko. “Ang tagal mong nakatulog kanina. At mukhang malalim ang tulog mo kaya hindi na kita ginising.”

Undercover Chic (Published under Immac Publishing House)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα