Chapter 10

89K 1.7K 39
                                    

“Heto ang kumot. Makatulog sana kayo ng maimbing,” sabi ni Lola Carling pagkaabot sa akin nung kumot.

“Salamat po,” sagot ko. Saka siya lumabas na ng kubo.

Inabot ko kay Trevor ‘yung isang kumot. Hinila niya ‘yung banig na nasa papag at nilagay sa sahig. Nilatag naman niya ‘yung kumot niya sa papag. “Diyan ka na matulog. Dito ako sa lapag.”

“Ha? Parang baligtad ‘yun boss ah.” Sanay ba ‘to matulog sa matigas? Baka mamaya paggising neto magreklamo ng magreklamo na masakit likod niya.

“You heard me. Matulog ka na.” Lumapit siya sa may switch ng ilaw at pinatay. Kumuha siya ng isang unan saka humiga na sa lapag.

Humiga na ako sa papag at nagkumot. Nakatingin lang ako sa kisame. Hindi ito ang unang beses nameng matulog na magkasama. Pero bakit feeling ko first time ‘to. Nung unang gabing natulog ako sa bahay niya, este castle, after niya akong maabutan sa office niya sa couch lang naman ako natulog nun. Pinikit ko na ang mata ko. Sleep, dalawin mo na ako, ples? Tumagilid ako. 1 sheep, 2 sheep,  3 sheep, 4 sheep, 5 sheep, 6 bullshirt! Matulog ka na brain! Anak ng tupa naman oh!

Brain: Noooo! Sleep is for the weak! Muhaha.

Tsh. Dapa. Ugh. Ang tigas. Tagilid uli. Inayos ko ‘yung kumot ko. Ang iksi kasi. Ang lamig pa naman. Higa diretso.

“Boss,” bulong ko. “Gising ka pa?”

Walang imik.

“Psssst., boss.”

Wala talaga.

Lumapit ako sa dulo ng papag at sinilip siya. Nakatakip ‘yung biceps niya sa mata niya. Penge nga kutsara’t tinidor! Aba, kanina pa pala may nakahain dito. Hihi. Harot. “Boss,” bulong ko uli sabay poke sa baba niya.

Ayaw ako pansinin. Tulog na siguro. Ang bilis naman. Umayos na uli ako ng higa. Aysh. Inayos ko uli ‘yung kumot. Bitin sakin. ‘Yung totoo, kumot ba talaga ‘to o tuwalya? Brrr… Lamig.

Tumagilid uli ako at lumapit sa dulo ng kama. “Boooss. Yuhoo,” sabay poke  uli sa baba niya. “Booo- Aah!” Bigla niyang hinablot ‘yung pulso ko at hinila pa-landing sakanya. Dyusme. Umikot din siya bigla kaya napailalaim ako sakanya. Tinignan ko ‘yung mukha niya. Hindi ko masyado maaninag dahil madilim na. Pero ramdam na ramdam ko ‘yung paghinga niya. Nasa gilid ng ulo ko ‘yung braso niya. Dyusko po. I’m under his yummy and hard bodeh~ “Boss, hindi pa po ready matres ko.” Pwede magpasabe? “Aww!” Pinitik niya bigla ‘yung noo ko.

“Kung ano ano na naman nasa utak mo. Kung ayaw mo matulog, magpatulog ka.” Saka siya umikot na uli at humiga. “Istorbo.”

Hindi lang katawan ang hard sakanya, pati magsalita. Tsh. Sungit. “Hindi ako makatulog,” bulong ko.

“Gusto mo lang ako katabi eh,” sagot niya.

Aba! Yabang! Feelingero masyado. Sige, feel mo lang ‘yan. Totoo naman eh. Nyahaha. Joks. Landi bwiset! “Kapal mo naman, boss!” Tumayo na ako at bumalik sa papag. Nagtuwalya na uli ako, este kumot.

Pumikit na lang ako at nag-reminisce ng memories namin ni Gyno.

Undercover Chic (Published under Immac Publishing House)Where stories live. Discover now