I Fell In Love With My Best Friend-2

1K 56 33
                                    

matagal na tong nakatago sa drafts ko. ayun. iuupload na kahit di pa tapos. xD

*********

Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang papasakay na kami ng jeep.

"Magdedate tayo!" nakangiting sagot ni Marissa.

Date. Anong ibig nyang sabihin? Date na magbestfriends? Or date na, yung dalawang nagmamahalan? Or date na trip trip lang?

"Ano nga kasi?" ang totoo. ipinapanalangin ko na DATE talaga ito. As in yung DATE.

"date nga! Ang kulit nito!" medyo iritadong sagot ni Marissa.

Napangiti na lang ako. Date daw eh. Edi date! Kahit dirediretso pa sa simbahan! Mas okay! XD

Wala masyadong nakasakay dun sa nasakyan namin. Mabilis ang takbo ng jeep na sinasakyan namin. Ramdam na ramdam ko ang hangin na tumatama sa aking balat. Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ito pangkaraniwan sa amin kaya medyo naninibago ako. Bakit? Anung meron? Ewan ko. Basta. Ngayon nalang ulit kami naging tahimik na ganito.

Nagtingin-tingin ako sa loob ng jeep dahil wala akong magawa. Naiilang sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa. Ang daming mga nakasulat sa loob ng jeep. Nang nabasa ko yung isa sa mga nakasulat rito, Nantandaan ko yung isa sa mga nabasa ko dati at napangiti ako.

Bigla kong kinapitan yung kamay ni Marissa tapos tinuro ko yung sign sa loob ng jeep.

MAG-INGAT SA MGA MANDURUKOT AT MAGNANAKAW.

"SIRA! Anong tingin mo sakin, bagay?" sabay higit nung kamay niya pero di ko pa rin binibitawan.

"maganda. maganda ang tingin ko sayo."

"HAR-HAR! Alam na ng buong bayan yan no!"

"WHOOO! Ang hangin!" patawa tawa kong sabi.

*booogsh*

at naglanding yung isa niyang kamay sa ulo ko. tama ba namang batukan ako?

"sadista." pang-asar ko.

"possessive." sabay dila naman ni Marissa sakin.

***********************

"Sukat mo to dali!"

nandito kami sa isang department store at pinapasukat niya sakin ang isang kulay blue na shirt.

"sukat mo na!"

kanina pa nya ako pinagtutulakan papuntang fitting room. halos tinutulak nya nalang ako at ako naman ay nagpapadala sa tulak nya hanggang sa makarating kami sa tapat ng fitting room. Ang hyper talaga ng babaeng ito.

"eto na! eto na!"

Papasok na sana ako ng fitting room nang tumingin muli ako kay Marissa.

"baka naman gusto mong sumama sa loob? excited ka masyado e." pang-aasar ko.

"eeeehh! kadiri! ano namang makikita ko dyan sayo no! puro taba! pumasok ka na nga lang!"

at ayun, pinagtulakan niya na naman ako papasok. Napangiti nalang ako.

Balik normal na ulit kami.

"Ano na? Dali na? Asan na?" paulit ulit na tanong ni Marissa.

Lumabas na ako.

"Para san ba to? Bibilhan mo ko ng shirt?

"

Tiningnan tingnan ko yung suot kong shirt. saktong sakto lang sakin yung sukat.

"ahh. ang totoo nyan e. may pagbibigyan kasi ako. " medyo kinikilig nyang sabi.

natahimik nalang ako. kahit di ko na tanungin, mukhang alam ko na kung kanino nya ito ibibigay.

ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. bakit hindi nalang ako ang pagbigyan nya ng shirt na ito? bagay naman sakin ah. para pa ngang ipinatahi yung damit para sakin. sukat na sukat. kaduksong ng mga tanong na yun ay bakit hindi nalang ako ang mahalin nya? bakit hindi nalang ako na lagi nyang kasama, na matagal nya nang kakilala? bakit sya pa na bagong salta lang sa buhay niya?

Pag ibig nga naman. Parang love. napaka-komplikado. Oo. Basta usaping pag ibig, paniguradong kumplikado yan. XD

"uy! Paul! uy!"

bigla akong natauhan ng marinig ko ang pagtawag niya.. tumingin ako kay Marissa.

syempre.

bestfriend ko pa rin sya.

e sya kaya? kailan sya matatauhan na ako talaga ang lalaking para sa kanya?

"tingin mo babagay din yan sa kanya? " nahihiyang tanong ni marissa.

"oo naman!" ngumiti ako. "teka kanino mo ba to ibibigay? sa aso nyo? HAHAHA"

"di ah! para yan sa special someone! bleh! "

pinagtulakan na nya ulit ako papasok ng fitting room. "dali na! magbihis ka na!"

yeah. ganito na nga ang tama. kelangan kong ipakita sa kanya na masaya ako. masaya ako para sa kanila kahit na ang sakit sakit na sa loob ko. kung bakit kasi napakamanhid nito eh.

Napangiti na lang ako. siguro dapat nalang akong makuntento. na ganito kami. na hanggang dito lang ang iaabot ng relasyon namin. at least nagkakasama pa rin kami.

At ako pa rin...

ang nag iisang bestfriend nya.

*****

last part will be uploaded. . . ewan ko pa po. XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Fell In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon