EPILOGUE

81.8K 1K 85
                                    

EPILOGUE

10:30 na ng gabi pero naririnig ko pa rin yung halakhak ni Rafael sa sala. Nababaliw na tumatawa mag-isa.

Napabangon ako sa kama para puntahan siya. Nakaidlip na pala ako kaagad pagkauwi ko galing sa trabaho. Mas mahirap pala ang pagiging board of director kesa sa simpleng chief editor lang ng isang magazine. But I feel the challange everytime I step inside the conferense room. I love challamge that's why I accept the company that Rafael bought for me without knowing. Naaalala ko na naman tuloy yun kaya medyo naiinis na naman ako. Anyway, tangap ko na naman ang bago kong posisyon at masaya ako.

Pwera na lang sa paghalakhak ni Rafael sa labas.

Lumabas ako. At gaya ng aking inaasahan, pinapanuod na naman niya yung mga replay ng kasal namin. Walang kasawaan. Pang-ilang beses na ba niya pinapanuod yan?

"Oh nagising ka?" Napansin niya ako kagada.

"Nakakabulahaw kasi yung tawa mo." Umirap ako pero sinalubong ko siya ng tumayo siya para yakapin ako.

"Sorry Mrs. Demi Raymundo." He pulled me to sit on the couch. He kissed my temple before laughing again. Part na kasi sa video yung nagpipirmahan kami ng contract. Medyo nahuli lang at nawala sa sequence yung wedding dahil sa kagagawan kong pagwawala sa mismong kasal ko.

"Wala namang nakakatawa, tawa ka ng tawa."

"Galing talaga kumuha ni Toni. Eto ata ang na-expert ni Toni sa pagi-i-stalked sa bestfriend ko."

Amature video lang siya na video ng boyfriend ni Kendra. Pinahiram pala nitong si Rafael yung video cam niya para videohan kami bukod sa official photographer na kinuha namin. Mas favorite niya 'to. Kada maiisipan niya ipe-play niya tapos tawa ng tawa. Ginawang sitcom ang kasal namin.

Amf! Nakinuod na lang ako. Di rin naman ako makatulog sa ingay ni Rafael plus nakapulupot pa yung braso niya sa bewang ko kaya hindi ako makaalis.

Sa video, nasa reception area na kami. Doon nagbigay uli kami ng 'thank you' speech ni Rafael at kinwento na namin sa lahat ang tungkol sa pagpapangap which turns out to be the talk of the year. Pang movie raw ang peg ng love story namin at may mga nagalok pa na gawin ngang movie yun. Tumangi lang kami pareho ni Rafael. Syempre ako nahihiya samantalang siya gusto daw niya i-cherish whatever niya. Para talagang gay kung minsan.

Nagsalita rin si Gardo at Si Mama. Hindi ko na naman mapigilang wag umiyak dahil sa dalawang yun. I'm happy for them. Sabi nila hindi na raw nila kailangan ng kasal kasi raw "...pinag-isang dibdib na ng pag-ibig ang buhay namin." Oh diba? Tinalo pa kami.

Nagbigay rin ng speech si Kuya Zero at si Papa. Ganun din si Kendra at ang mag-asawang Cavallero.

Gaya ng pangkaraniwang kasal, may cake cutting din kami na isa sa pinaka gustong part ni Rafael. Pano ba naman sinubuan niya ako ng pagkalaki-laki kaya sinubsob ko siya sa cake. Sa halip na mainis siya aba'y isinama pa ako. Kaya ang cake cutting nauwi sa cake swimming.

Yung boquet ko naman ibinigay ko lang kay Kendra.

"Anong gagawin ko diyan?" Mataray niya pang tanong sa akin noon.

"Kakainin siguro." Sarkastiko kong sabi. "Malamang sayo ko binibigay. It's your turn now."

"No, no, no. I'm not marrying Toni."

"May sinabi ba akong si Toni? Ikaw masyado kang obvious."

"Don't play with me bitch. I'm not marrying him."

Napangiti ako sa kaniya. "Ganyan din ang sinabi ko noon. You know Kendra, siguro kaya hindi tayo magkasundo kasi masyado tayong pareho. Indenial. But in my case, I let go of myself and now I'm two hours married with Raffy."

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon