Jhoana's POV
"Bea kakapalan ko na mukha ko... tanggapin mo ko ulit"
Parang masyadong madrama? Hayy nakoo! Di ko na talaga alam gagawin ko kung paano ko sya kakausapin
Sa tuwing ppunta ako sa studio nya andun si Kianna
Anong laban ko kay Kianna? Hayy! Kaya sigurado akong wala sya dun dahil may laban silang volleyball
"Hoy ate kanina ka pa ganyan!"Nagulat ako sa pagbukas ng pinto ni Jaja
"Hoy ka din! Uso kumatok!"Sigaw ko
"Nakakaistorbo kase ate diba? Lakas lakas ng boses mo tas sisgaw ka tas magsasalita... seryoso ka te? Nababaliw ka na"Malditang sabi nya
"Mas nababaliw ka na tse! Labas nga!"Reklamo ko din tsaka ko sya pinalabas
"Ano na gagawin ko!?"Sigaw ko nanaman
humiga na lang ako tsaka napatingin sa phone ko
Kinuha ko yun tsaka ko nakita yung lock screen
Picture pa rin naman pala to ni Bea, ang saya lang balikan
Nagkamali lang naman ako ng isang beses... Oo aminado ako na pinagtulakan ko ulit sya para lumayo
Hindi nyo ko masisisi kung bumalik ang ala-ala ko. Para kong uto-uto na niniwala sa mga kwento ni Bea pero naisip ko na
That was a great new memory with Bea... Namiss ko sya kahit hindi dapat
Pinalayo ko sya tapos mamimiss ko? Parang tanga diba?
Kinausap ako ni Mama... I realized that Me and Bea are both innocents sa mga nangyari
Akala ko pinlano ni Bea lahat. I'm so very not fond to my action. Hinanap ko sya, umiyak at nagsisi
Naawa na nga ko sa mismong sarili ko kase parang naulit yung dati, yung dating ginagawa ko kay Marci but the diffirence is para kay Bea naman
Bea is the one who is always on my back, kahit na itulak ko palayo, babalik yan
That's what I thought pero oo bumalik sya but with her new girlfriend naman
Andun na eh, bumilis tibok ng puso ko, basta kakaiba just because I saw Bea again
Oo magkasama kami ni Marci kase gusto ko ng closure at gusto kong andun si Mama para malaman nya lahat ng nangyari sa akin dati
Pero bakit wrong timing? Baket ang sakit isipin na baka napaglaruan lang ako... baka di naman talaga ako ang mahal nya
"Ate"Nagulat ako sa boses ni Jaja at sa mukha nyang titig na titig sa akin kaya umupo ako
"Sabing kumato--"
"Oh panyo kanina pa ko andito ayaw ko na sana magsalita kaso tulala ka te tapos umiiyak"Sabi nya kaya kinuha ko na lang tsaka pinunasan ang luha sa pisnge ko
"Alam mo Ate crush ko yan si Ate Bea eh kaya di ako magtataka kung baket ka umiiyak sa kanya"Ngiting sabi nya tsaka tumabi sa akin kaya tumingin lang din ako sa kanya
"Syempre bilang isang mabait na kapatid mo binigay ko na lang sya sa'yo kawawa ka kase hahahah--Aray!" Kinurot ko kase kung ano ano pinagsasabe
"Seryoso kase Ja parang tanga!"Saway ko
"Masakit kase! Oo na hindi na tatawa! So ayun nakita ko lahat ng efforts nya tsaka lahat ng mga pabebe mo pero ayos lang kahit masakit ka sa mata. Then yun nga dumating yung araw na pinaka ayaw namin yung bumalik yung memorya mo tapos sobrang beastmode mo kay Ate Bea..."Biglang tumigil si Jaja
BINABASA MO ANG
I Need You (JhoBea)
FanfictionYou need him. You cares for him. You like to be with him. You give everything to him. You love him... And here I am, loving you too but you're to inlove with him to be with me. I need you , but you never need me, you never love me.