Chapter 27.1

45K 813 116
                                    




Chapter 27.1




Ang tagal. Kanina pa kami dito at paulit ulit na din yung mga ginagawa nila.


"Hoy hindi pa ba kayo matatapos? Kanina pa nagdilim ah." --ako


"Ngayon lang kami sinipag Lalabs eh!" --Michael


"Pwede bang mauna na 'ko?" Nakatingin ako sa sa kanya



He looked at me too and just shrugged his shoulders. May balak talaga syang palitan ako. T.T



"Kurt. Please?"

"Ikaw bahala."



"Ayusin mo naman."


"Ikaw nga bahala."



Wala na lang akong nagawa kundi magdaboh. Nakakaasar naman talaga eh! Nilalamok na yung dalawa doon.



"Lalabas lang ako saglit pede?"

Hindi man lang ako pinansin. -____-



"Wait lang ah."

Nagmamadali na kong lumabas. Nandoon silang dalawa nakatayo.


"Ayan tapos na ba?" --Dylan

"Sorry na. Mukhang matagal pa matatapos. Bukas na lang tayo gumala."



"Do you always stay in school so late?" --Ayen


"Ngayon lang. Uwi na kayo muna. Ngayon lang naman 'to eh."


"Ayaw ka talagang payagan ng Kurt mo eh noh? Hindi mo din maintindihan yung isa na 'yon eh." --Dylan


"Who'll bring you home?"

"I don't need anyone who will bring me home. I can protect myself. I'm a big girl now, Ayen."


"No I'll wait for you here."


Tinignan ko si Dylan. Alam kong alam nya na agad meaning ko.


"Osige na ako na bahala. Pumasok ka na sa loob."

"Thanks Dylan!!"


"Lalabs bilisan mo pinapasara na naman ni Kurt." --Bryan


"Oo teka lang. Dyan ka lang hintayin mo na ako." Hinila ko na paalis sila Dylan at Warren.


"Wait, where are your things? You'll leave it in the gym?"

"No Ayen, you need to leave. I think we'll be going home late."


"And you'll be going home alone?"

"No I have them. They won't leave me okay?"


Tumingin lang sya sakin and I know he's not convinced.

"Pre yaan mo na di ka mananalo dyan." --Dylan.


"Oh Dylan, dito na lang ako ikaw na bahala sa makulit na 'to."


Nagsalita pa si Ayen pero hindi na sya nakapalag ng tuluyan na akong umalis.




Pagdating ko sa gym, nakasara na yung entrance. Patay.


Kinalampag ko yung nakasarang gate. Badtrip.



"Bryan!!! Open the gate!!"


Walang sumagot.


"KURT STOP BEING SO CHILDISH!! I'M ALREADY PISSED OFF DON'T PUSH ME TO MY LIMITS!!!!"


Wala pa ding sumagot.


HAY BWISIT!!! Kelangan ako saraduhan!! Nagtitimpi ako tas ganito?!



"KURT OPEN THIS DAMN GATE!!"


Wala pa din. Nakakainis. Nasa loob din naman cellphone ko. Saka wallet. Kung alam ko lang edi sana sumabay na ko dun sa dalawa.



"Fine. I quit." Nakakainis grabe!


Hindi na ko naghintay at umalis na lang.. Maglalakad na lang ako. Leche na yan bahala sila dyan.


__________





MAJ's POV


Ano nga kaya? Totoo kaya yung sinasabi ng kumag na yon? Parang ang hirap naman maniwala don.


"Hou! Lalim ng iniisip ah? Narealize mo na ba na in love ka na nga talaga?" --Liz


Grabeng babae -___-


Kung hindi ko lang kaibigan to matagal ko na tong sinakal eh.



"Leave me alone."

"So emo ka na ngayon?"


Wag ko na nga lang pansinin..


"Uy ano ba kasi yon?" Kinakalabit kalabit nya pa ako. Hindi talaga nakakatuwa yung pagkalabit nya. Ayoko sa lahat yung may kumakalabit eh -___-


"Dali na bati na tayo. Ano iniisip mo? Curious ako eh." ^____^


Pagtyagaan ko na kaya to si Liz? Tanungin ko kaya sya?


Tinignan ko sya na todo kung maka ngiti sa akin. Pangit.



Wag na lang nga.

"Huy ano nga iniisip mo!" --Liz


Tinignan ko ulit sya. Hmp pede na to. Kesa naman mabaliw ako kakaisip.



"Hmm, Liz.."


"Bakit?"


"Hindi sa feelingera ako ah.."


"What? Just get to the point."


"Hmm Do you think Ice likes me?"


"Ayan talaga tanong mo?"


"Ay. Hindi hindi mali rinig mo."


"Ano nga ba kasi!"


-____- engot talaga to.


"Yun nga!!"


"Ang gulo mo naman kasi!! Wait, you're seriously asking me if Ice likes you?"


>/////<


"Tsk oo nga!!!"


"Bakit mo tinatanong?"


"I just wanna know!"


"Natauhan ka na?! Teka Nabaltog ka ba kanina, Majesty?!"


Binatukan ko nga. "Tigilan mo nga ko sa kaeng engan mong babae ka."



"Kelangan mambatok?! Hmm ikaw lang naman tong bobita na walang alam eh. Lahat naman alam na deads na deads sayo yung lalaki na yon eh!"


"Sayo talaga galing na bobita ako noh!"


"Oo kakasabi ko lang eh. Bobita ka talaga."


Kakapikon kausap tong babae na to.



"Bakit mo naman natanong yun Maj?"


"Wala lang."

"Siguro nanliligaw na sayo noh?! Buti naman sa wakas kumikilos na yong tuod na yon."


"Anong pinagsasabi mo dyan! Bahala ka nga kakain na ko sa loob!!!"


Naabutan ko si Yna na nag aayos na ng lamesa.

"Hintayin pa ba naten si L.A.?" --Yna


"Wag na mamaya gabihin na naman yung baliw na yon." --ako


"Nasan na si Liz?"

"Nandon sa labas."


Tinitigan nya kong mabuti. Shet lalong umiinit mukha ko sa ginagawa ni Yna. >//<



"Bakit pulang pula mukha mo Maj?"


I avoided her scrutinizing stare. "Don't you think it's extra hot today? Kanina pa ko init na init."


"Maj hindi mainit ngayon."


"Well I really think it's hot." She just stared at me. "Hmm maybe because I'm hot?" I bit my lower lip to emphasize my 'hotness'.


"Kakasuka Maj itigil mo yan!" --L.A



"Oh anyare sayo?!" --Yna


"Hoy sungit! Di man lang ako pinansin pagkapasok!!" --Liz


"Diba Yna sabi ko sayo mainit? Tignan mo sya pawis na pawis."




Literal na tagaktak ang pawis ni L.A. Hindi lang pala ako ang naiinitan BAHAHAHA.



"Bwisit! Badtrip! Leche!!"


Nagtinginan kami bigla ni Yna. Kurt na naman yan basta ganyan. -___-


"Ang kapaaaaaaal. Nakakabanas!!"


"Bakit ba yon?!"


"Hindi na ko aattend sa lecheng mga practice nya kapal nya!!!"


"Ano na naman bang pinag awayan nyo?"


"Ewan ko sa kanya bwisit sya!!"



Biglang tumunog yung cellphone ni Yna..



"Hmm bob? ah oo andito na kakarating lang. Sige sige." Tumingin sya kay L.A saka inabot yung cellphone. Kinuha naman ni L.A.


"Hello? Oo nakauwi na ko. Salamat sa Captain mo at naglakad ako pauwi!! Oo sabihin mo ang kapal nya!!" Nakatingin lang kami sakanya ng biglansyan nanahimik at namula.



"Just give it to Emman! Wag ka pumunta dito wag ka magpakita sakin!!!!! No!!!! Ask anybody to hand my bag to me. Just not you!! I hate you!"



Lalo pa syang namula. "I-I do!!!!"


Tumahimik sya saglit. "Bumawi ka sakin kumag ka.... No we're not quits!! Bring a gallon of ice cream!"



Inabot nya na ulit yung phone kay Yna.


"What was that?" --Yna


"You're blushing L.A." --ako


"Ganyan ka din kanina Maj." --Yna


"Si Maj nagdadalaga tinanong sakin kanina kung----" --Liz



"Shut up, stupid!!"

"L.A. who were you talking to?" --ako


"Si Yuan.." --L.A.


"Ba't ka namumula hanggang ngayon?!" --Yna


"Wait nga bibihis na 'ko." Nagmamadali na syang umakyat.


"Hindi kaya si Kurt kausap non?" --Liz


Nagtinginan na lang kami ni Yna at sabay na napangiti. Sana nga magkaayos na yung dalawa. Masyado na madaming oras na nasayang. Nagpapakiputan pa kasi pareho. -___-+++

The Tamer for the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon