A letter for my daughter

130K 4.3K 1.2K
  • Dedicated to the best dads in the world :)
                                    

I miss you daddy

****

A letter for my daughter

Dear daddy, I hate you.

Nakakainis na ang buhay na ganito. Dalawa na lang kami ng daddy ko lagi pa siyang wala sa bahay! Lagi na lang trabaho inaatupag niya pero di naman niya binibigay lahat ng mga gusto ko! Tapos yung fact na di ko pa siya maintindihan because he’s damn mute!! Lagi na lang siyang nag si-sign language saakin na hindi ko naman maintindihan kung ano ang meaning! I hate him! I really really hate him!

12 midnight na. I heared a knock on the door pero di ko pinansin. Alam ko naman na si daddy lang yan, kauuwi from work. Dahil siguro napagod na siya sa kakakatok, pumasok na siya sa room ko at ginising ako

“Ano yun?!” sigaw ko sa kanya

Nginitian lang niya ako and nag sign language siya saakin na alam naman niya sa sarili niya na hindi ko maiiintindihan. Nagtaklob na lang ako ng kumot at antok na antok ako. Wala akong balak initindihin ang mga sinasabi niya. Naramdaman ko naman na hinalikan niya ang noo ko at lumabas na ng kwarto ko.

Gabi gabi ganun yun. Gigisingin ako ng madaling araw para lang mag sign language ng kung ano na hindi ko naman maintindihan ang meaning, hahalikan ako sa noo at lalabas na. Ang ewan lang eh. Tsaka di ba niya alam na maaga ang pasok ko kinabukasan?! Gigisingin lang niya ko para sa isang walang ka-kwenta kwentang bagay?! Walang pakundangan na ama.

Kada umaga, lagi ko siyang nadadatnan sa hapag-kainan na umiinom ng kape habang may sinusulat doon sa notebook niya na kung ano. Nag sign siya saakin na umupo ako sa tapat niya at ready na kumain. Tinignan ko yung almusal, instant noodles na naman. Mapupurga na ko dito sa noodles eh.

“wala na ba ibang pagkain?” tanong ko sa kanya

Nag sign language siya at hindi ko naitindihan. Inirapan ko na lang “never mind. Sa school na lang ako kakain” tumayo ako at iniwan na si daddy. Nakakaasar, wala na nga akong matinong ama, wala pa kong matinong pagkain.

Pagkapasok ko sa school, nakita ko ang mga ka-klase ko na kanya kanyang may hawak ng mga gadgets nila. Yung iba mamahaling cellphone, yung iba naman mga PSP, iPad at kung anu-ano pa. Samantalang ako isang pipitsuging cellphone lang ang meron ako. Wala pa tong camera. Nasa magandang school ako, pero hindi ko sila ka-level. Mayayaman sila, ako mahirap lang. Kung pwede nga lang magpa-ampon na lang sa ibang magulang eh. Ayoko na ng ganitong buhay.

Kinabukasan nun, sinubukan ko humiling kay daddy. Siguro naman pagbibigyan niya ko. Inaabot siya ng hanggang alas-dose ng madaling araw sa trabaho kaya panigurado may pera siya.

“daddy, pwede mo ba ko ibili ng laptop? Kailangan ko na kasi ng computer eh para sa mga projects ko sa school. Ang hirap ng nag rerent pa ko sa labas” tanong ko sa kanya habang busy siya sa pagsusulat doon sa notebook niya

One Shot Stories and PoemsWhere stories live. Discover now