Previous Page of 11Next Page

One Shot Stories and Poems

spinner.gif

 

Part 2

 

 

[Amber’s POV]

 

 

“relax Amber, I’m not going to bite you” Jiro told me with a playful grin on his face.

 

 

Nandito ako ngayon sa car ni Jiro without any freakin’ idea kung saan kami pupunta. Sa totoo lang, ayoko naman talagang pumayag sa ‘date’ na ito eh. Syempre no takot ko lang baka kung ano gawin ng lalaking to saakin. Mamaya eh galit parin saakin ang isang to at bigla na lang akong dalhin sa ilog Pasig at ihulog doon. Hindi pa naman ako ganoong kagaling lumangoy =___=

 

 

Pero syempre nangingibabaw parin yung konsensya ko sa pagsipa sa kanya at kung anu-ano pa ang masasakit na bagay na sinabi ko sa kanya kaya naman napapayag niya na ako.

 

 

Yun nga lang hindi ko alam bakit ang awkward ng pakiramdam ko? Para tuloy akong kiti-kiti dito na di mapakali.

 

 

“J-jiro, saan ba tayo pupunta?”

 

 

He grin “in heaven”

 

 

Napalunok ako.

 

 

Sana kung sakali man may gawin siya saaking masama at patayin ako sa huli, itapon niya na lang ang bangkay ko kung saan madaling makikita ng tao para naman kahit papaano eh mabigyan ako ng magandang lamay ng mga magulang ko. At please lang, kung itatapon man niya ang katawan ko, sana naman ay wag yung nakahubad ako. Damitan man lang niya ako ulit. At sana wag din sa basurahan. Isa pa sana hayaan niya muna akong kumain ng streetfoods bago niya ako pagtangkaan. T___T

 

 

Siguro naging mabuti naman akong nilalang. Lagi akong ang do-donate sa mga charity isa pa minahal ko naman ang mga magulang ko. Siguro naman sa heaven ang bagsak ko nito di ba?  T___T

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“so this is heaven?” tanong ko kay Jiro habang nililibot ko ang mata ko sa place na pinagdalhan niya saakin.

 

 

“w-well.. y-yeah. Actually it’s my first time going in this kind of place kaya naman medyo naiilang ako. F-for sure naman nakapunta ka na dito?”

 

 

I looked at him “actually no. It’s also my first time here!”

 

 

“you’re not serious right?”

 

 

“s-sorry I am..”

 

 

“b-but u-usually mga estudyante from your school ang nakikita kong pumapasok dito…”

 

 

“w-well not all..” sabi ko sa kanya. Tinignan ko yung karatula nung lugar na pinagdalhan ni Jiro saakin.

 

 

‘Wonderland Theme Park’

 

 

Isang theme park na medyo malapit sa school namin. Hindi nga puntahin ito ng mga taga Prince Academy kasi hindi naman sosyal yung lugar. At nakakahiya mang aminin, hindi parin ako nakakapunta dito and swear, naeexcite ako pumasok sa loob.

 

 

Hinawakan ko sa braso si Jiro “tara pasok na tayo!” masigla kong sabi sa kanya sabay hatak sa loob.

 

 

So far nag enjoy naman kaming dalawa ni Jiro sa loob ng theme park. At dahil pareho kaming bagong salta sa lugar na to, pareho rin kaming manghang mangha sa mga nakikita namin sa loob. I’ve never been in theme park before. Well except lang nung pumunta kami sa Florida at dinala ako nila daddy sa Disney land. Pero yung theme park sa Pinas never ko pang na-try.

 

 

Nung napagod na kami sa pagsakay sa rides, dinala ako ni Jiro sa mcdo malapit doon sa theme park para kumain ng lunch. At talagang nilibre niya pa ako!

 

 

“ayan ah bayad ko na yung pag gamot mo sa ankle ko. Nalibre na kita sa mcdo” sabi ni Jiro habang kumakain kami.

 

 

“uhmm ano ka ba. Nakakahiya nga at nilibre mo ako samantalang may kasalanan pa ko sayo”

 

 

He smile “Well hindi rin naman kasi kita masisisi kung bakit ganun ang naging reaction mo. It is actually my fault kasi hindi ko agad nasabi sayo na.. uhh.. you know. Medyo awkward kasi ang dating. Sorry ha, Amber..”

Previous Page of 11Next Page

Comments & Reviews (218)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended