CR - 5

140 6 1
                                    

Author's Note: models po ang napili kong bibida sa mga tauhan ng kuwento ko.

Other stories: Not Ur Ordinary Girl

                                                    “Hindi ba nila sinabi sa iyo kung sino ako?”

                              “I am Marcus Aldernberg- ang sponsor ng contest na sinalihan mo.”

Hindi ko napansin na para lang makaabante kami ay kailangan pa akong itulak ni Kuya. Kasabay rin niyon ay na-realize ko na madadaana namin ang taong pinagkakaguluhan ng kalahati ng kababaihan sa buong fourth year population.

Malapit na.

Bakit nakatayo lang doon ang lalaki? Bakit di pa siya umaalis? He looked like a beautiful angel statue standing there, with all the students fawning over him.

Mukhang may nakapansin rin sa amin. O mas tamang sabihingmay nakapansin kay Kuya Locket lang. Itsapuwera na naman ako, tulad ng dati. It didn’t help at all that my big brother was the school’s former heartthrob. It didn’t earn me friends. Puro mga haters- mga inggitera ang nagkaroon ako. Hindi man lang nila naisip na hindi ko kasalanan kung naging kapatid man ako ni Kuya Locket.

Nagsimulang magbulungan ang mga babae. “Si Locket! Andito siya!”

“Eeeh! Undecided na tuloy ako kung sino ba talaga dapat ang love ng buhay ko!” Narinig ko si Lori na nagsalita.

Wala sa mga iyon ang nasa pansin ko kundi ang papalapit na kalbaryo ko.

“Ayan na! Malapit na kami sa kanya. Tumakbo na lang kaya ako?” Naalala ko ang sinabi ng manghuhula. Layuan mo siya. Layuan mo siya. Layuan mo siya!

Pero. Pero. Pero. Pero. Pero. Pero. PERO! Paano kung nagkamali lang si Ezra o nagsinungaling lang para kumita siya ng pera?

Tugs. Tugs. Tugs.

Nang makalapit na kami ay di ko naiwasang huminto sa harap niya. At tumingin sa kanya.

Nakatingala.Naniningkit ang mga mata ko. Di ko napansin na lumalapit na ako ng lumalapit sa kanya. I wanted to see his eyes. Nangangati ang mga kamay ko na kunin ang salamin niya. Pero sa halip, parang baliw na sinilip ko ang mata niya sa space sa ilalim ng salamin at pisngi niya and I ended up sticking my face on his chest. Ano ang kulay ng mga mata niya?

Kung hindi pa ako hinila ni Kuya, hindi matatapos ang kabaliwan ko.

“Ano ang ginawa mo?” Bulong ni Kuya habang hawak ako sa braso.

“Parang kang baliw kanina! Didikit-dikit ka sa lalaking iyon na di mo kilala! Huwag kang makigaya sa ibang babae roon. Tinawag mo pa silang malandi, eh, nakigaya ka rin naman! Sinobrahan mo pa!”

“Eh, Kuya, di ko na namalayan.” Napayuko ako at tinakpan ng dalawang kamay ko ang mukha ko. “Nakakahiya!”

“Huli na para maisip mo iyan! Kailan ka pa natutong tumunganga ng ganoon sa lalaki? Para kang asong naglalaway sa butong ibibigay ng amo niya!”

“Kuya!”

Namaywang lang ito. “Ayaw na kitang makita na ginagawa iyon, okay? Geez, but it felt really awkward watching you do that.”

“Goodbye, Kuya. Magkita na lang tayo mamaya.” Nakangusong pagtataboy ko sa kanya.

Nakahalata naman si Kuya kaya hinalikan na niya ako sa kaliwang pisngi at umalis.

Isang malakas na pagbunga ng hangin ang ginawa ko nang maalala ko ang nangyari kanina. Gosh, that was so embarrassing. Ginawa. Ko. Iyon. In. front. Of. My. Classmates. And. Schoolmates! Ano naman kaya ang maidadagdag sa ‘freak’ at ‘pulangtao’ na tawag nila sa akin?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Clandestine RomanceWhere stories live. Discover now