CR - 4

155 8 4
                                    

"When writing about the story of your life don't let anyone else hold the pen!"

"Destiny waits for you to move!

                                              “Ang bilis naman. I’m not yet ready to meet him.”

“Foreigner siya!”

Siniko ni Hanna si Lori habang bahagyang bumubulong nang madaanan ko sila sa pasilyo sa first floor ng building kung saan matatagpuan ang fourth year classrooms at Principal’s office.

“Ano ba ang pinag-uusapan nila? Kanina pa parang ang ingay ng buong building lalo na ang mga babae, ah.”

“Eeeeh! Grabe, Hanna, ngayon lang ako nakakita ng katulad niya. Foreigner man siya o hindi, siya na ang bagong love ng buhay ko! Sino kaya talaga sya?” Sagot ni Lori.

“Kaninang dumaan siya, akala ko kung sinong Hollywood actor…hihihi, ang tangkad niya! Sa tingin mo, Filpino siya? Itim ang buhok, eh. Sayang, nakasalamin siya, di natin makita ang mata niya.”

“Heh! Kanina lang, tinatanong mo kung foreigner sya! Ang gulo mo!”

“Geez! Ang ingay!” Tumikhim ako na siyang dahilan para mapalingon sa akin ang dalawa. Agad na nagsitaasan ang kilay nila.

“Hoy, Pula! Bakit nandito ka?! Hindi ba sinabi kong ayaw kong lalapit-lapit ka sa amin? Allergic kami sa mga… freak na katulad mo!” si Hannah.

“Easy lang…” Pero napahigpit ang pagkakahawak ko sa librong binabasa ko.

“Kung ganoon kayo ang umalis! Alam nating lahat na puwesto ko ang lugar na ito di ba? Kailan pa kayo nagka-interes dito sa parting ito ng school?”

Ang tinutukoy ko ay ang flat at mahabang bato na nasa ilalim ng malaking acacia tree sa labas ng building. Sapat ang haba ang laki nito para higaan ng isang tao o upuan ng tatlo hanggang apat na tao. Magmula nang pumasok ako sa paaralang ito ay ito na ang naging tambayan ko, minsan, kasama si Kristy. Kapag nasa school kasi ay bihira lang kaming magkasama ng bestfriend ko. Wala kasing gaanong lumalapit sa akin, hindi rin naman ako palakibo at palakaibigan at dahil masasabing isang social butterfly si Kristy, iniintindi ko na lang na natural lang na maghanap ito ng mas maraming kasama. Nalulungkot ako dahil doon, minsan, iniisip ko kung talaga bang kaibigan ko siya. Madalas, natatagpuan ko na lang ang sarili ko na ipinawawalang-bahala iyon at kalimutan. Natatakot ako sa magiging sagot… what if…?

“Freak! Hindi mo ba ako kilala? Gusto mo bang gawin kong miserable ang buhay mo hanggang graduation?” Taas ang kilay na sabi ni Lori.

Malakas na isinara ko ang textbook ko at bumuntung-hininga. Mas mabuti pang ako na lang ang umalis. “Hindi ako freak!”

Iniwan ko na sila. Tulad ng dati ay umalis akong parang sasabog ang dibdib sa inis. Freak? Bakit ako freak? Kompleto naman ang katawan ko at may utak ako! Hindi katulad ng dalawang iyon na parehong mga bopols!

Freak? Dahil lang isa akong banyaga ay tatawagin na akong freak??? Ako lang ba ang estudyante dito sa school na foreigner? Paano si Stefen, Edmund na mga foreign students na lumipat dito galing US? At iyong Chinese girl na first year? Iyong Koreana sa third year?  Si Kuya Locket? Hindi ba sila freak? Ako lang ang freak?!

Malakas na itinapon ko ang libro ko.”Aaaaahhhh!!!!!!”

“Aray!”

Bigla akong nahimasmasan sa narinig na iyon.

“Hoy, PulangTao, bakit ka nambabato ng libro? Ha?” Narinig ko mula sa taong papalapit sa akin ngayon hawak ang librong itinapon ko. Naka-shades ito at natatabunan ng baseball cap ang ulo.

Clandestine RomanceWhere stories live. Discover now