Malandi... Nine

1K 33 2
                                    

 

Haay, the more na dumadalang ang pag-update ko, kumokonti na rin readers ah? Wala naman iwanan. Busy lang ako kasalukuyan.. Ay, di na pala nila mababasa kasi tumigil na sila. Haha! Hmm, magte-thank you nalang ako sa mga patuloy na nagsu-support sa akin at sa mga gawa kong stories. Basta hindi kayo mang-iiwan, hindi ako titigil sa paggawa pa ng iba. Maraming THANK YOU!!  =D

 

Naka-dedic pala itong chap sa bago kong account. Paki-click lang sya kung gusto nyo rin i-follow. Madami na kasi akong nagawa sa account na ito kaya maglalagay ako ng mga bagong story dun sa bagong account pag may enough time na ako ulit. Abangan nyo ung colab na gagawin namin ni sis Akirara. hehe.

-=oOo=-

"Gelo?"

Lumingon sa akin si yummy-hot-guy at parang natulala sya ng makita ako. Napano kaya ito? Lalapitan ko na sana sya ng may biglang yumakap mula sa aking likod.

"Hey honey, you look so goddess tonight."

Aaminin kong gwapo ang isang ito pero hindi ko lang maalala kung isa sya sa mga bf ko. Ang dami na kasi nila eh.. Halatang nakikipag-flirt sya ang kaso ay priority ko si Gelo ngayon kaya kailangan ko itong i-turn down para makapag-focus akong kay yummy-hot-guy.

"Sorry but I'm currently a busy person. So if you excuse me..."

Sinubukan kong tanggalin ang pagkakayakap nya pero mas hinigpitan pa nya ito.

"Busy with somebody else? Ako nalang kasi ang piliin mo. I guarantee you na mas magaling ako sa kanila. Tara?"

Bumulong sya na super lapit sa tenga ko with nang-aakit na boses bago sya humalik sa lantad kong shoulder. Pero imbes na ma-activate ang flirting mode ko ay parang bigla akong nainis kaya nagpumiglas ako dahil ang hirap talagang tanggalin ng pagkakayakap nya!  >:(

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!"

"Hey, what's the problem? You're acting weird, hon."

Nagtataka siguro sya kung bakit hindi ko sya pinatulan? Uhmf! Baka umalis si Gelo!

"Pare, wag kang mamilit ng babae kung ayaw."

Si yummy-hot-guy ang lumapit sa amin. Hinawakan nya sa shoulder yung guy pagkatapos ng kanyang sinabi. Binitawan naman ako nung guy pero mukhang hindi nya nagustuhan ang kanyang narinig.

Bratinella Series 2: Malandi ako. Paki mo.Where stories live. Discover now