Malandi... Four

1.6K 34 1
                                    

Dedicated sa kanya kasi sya yung unang nag-comment sa previous chap. Ang dalang lang kasing may nagko-comment nitong story kaya na-appreciate ko yun. Tsaka pansin ko username nya nag-comment din sa iba pang chap at ibang story na gawa ko din. Thanks girl!!

 

 

Ay nga pala, meron na namang bagong lalaki na makikilala sa chap na ito. Asahan nyo talagang maglilipana ang iba't-ibang lalaki sa book ni Josh.  XD

----oOo---

Naka-three-way calling kami nina Cza at Nelle. Pare-pareho kasi kami ng coarse at subjects na kinuha sa college kaya sila ang tinawagan ko. Bale hindi man namin ka-klase ang iba naming friendships.

"Luka-luka! May exam po tayo ngayon tapos di ka papasok? Ang konti na nga lang ng units na kinuha natin at pang-afternoon pa ang schedule dahil may work tayo tapos tatamarin ka? Wag mong idahilan Xyrene na inaantok ka dahil alam nating lahat na may sapat tayong tulog." pangaral ni Cza.

Oo, nerd sya pero di yung mahiyain na type kaya gora lang sya sa mga gusto nyang sabihin. Tsaka alam ko naman na concern sya sa lahat kaya di ko dinidibdib ang mga sinasabi nya. Akala mo kung minsan, walang pakialam at books lang ang alam pero sya pa ang magtatanggol pag nakikita nyang nilalamangan ng iba ang mga kaibinga nya. And I am one of her friends! ^0^

"Ano ka ba friend? Masyado kang naha-high blood dyan. Baka naman broken hearted sya dahil na-basted sya kagabi. O kaya naman ay problematic dahil humihina na ang beauty spell nya?" sabat naman ni Nelle.

Sya ang pinakamaldal sa amin at dinadaan halos sa biro. Ewan ko ba kung saan gawa ang utak nyan at ang galing nyang paikutin ang isang kwento na walang kahirap-hirap. Ganon man, kung minsan ay sya pa ang taong mas masasandalan mo dahil alam nya kung kelan kailangang maging seryoso. And she's my friend as well!  ^0^

"Wala naman kayong bilib sa akin eh. Kikindatan ko lang naman yung mga prof then boom! Mag-special test na ako. Hihihi."

"Ang daya." puna ni Cza.

"I-seduce mo sila friend! Go!" support naman ni Nelle.

"Haha. Kitakits nalang maya. Byes!"

At pinatay ko na ang tawag. Nagdesisyon akong hindi pumasok ngayon hindi dahil sa tinatamad ako o inaantok pa. Hindi ko kasi kayang magpanggap kapag kaharap ko na sila na ayos lang ako matapos pumunta ni ate Barbie kanina dito, hindi gaya sa phone na pwedeng pekehin ang boses. Kaya kasi nila akong basahin at ayaw ko silang mag-alala.

Huminga ako ng malalim tsaka binuksan ulit ang closet para ibalik sana ang handmirror na bigay ni ate noon, pero may napansin ako sa loob. Napangiti ako at kinuha yon mula sa closet. Ito yung glasses ko noong nasa high school pa ako. Basag na nga lang ngayon.

Bratinella Series 2: Malandi ako. Paki mo.Where stories live. Discover now