ito na ba ang katapusan?

601 16 6
                                    

oy crush sabi mo babasahin mo to kahit namali ako ng chat sau .. hahaha hiyanghiya tuloy ako ... atleast nakachat nakita sa kabobohan ko hahaha! 

sana kahit panget ang story magustuhan mo, hahaha kung babasahin mo talaga!

#bok! 

readers yaan nyo na ang author nyo minsan lang kiligin hahaha

______________________________________________________________--

****Rigor POV***

Ang buhay ng mga tao ay lagging pinagmamasdan ng iba’t ibang elemento . Ginagaya nila kung paano mamuhay ng normal, at ung iba naman ay naninira ng buhay dahil ayaw nila ng kasiyahan …

Nakilala ko sya , Naging kaibigan at kalaro … Ang Nag-iisang Babae na nagturo ng mga bagay na nuon ko lang naranasan , ang maging masaya , makisama at magmahal ng ibang tao higit sa sarili ko si mandy  … ang mga kaibigan ko ay pinahahalagahan ko , minamahal… kaya’t kung ano man ang mangyari , gagawin ko ang lahat upang mawala ang galit , at paghihiganti sa kanilang puso … alam ko at nararamdaman ko na nasa puso nila ang pagpapatawad … kaylangan lang nila ng isang taong magpapawala nuon. At yun ay yung taong nagpapasaya sa kanila si mandy .. Simula ng mangyari ang isang napakasamang ala-ala nakita ko kung paano nawasak ang aming pagsasamahan , kung pano naghasik  ng kasamaan ang aking mga kaibigan .. lubos akong natatakot dahil sa paglipas ng panahon natuto silang pumatay at kumain ng tao … Sa hangin nalalaman ko ang lahat , naamoy ko at naririnig ang bawat galaw nila .. Alam kong nalulungkot sila , gusto nilang makawala sa  sumpang binigay ni inang madriga…

Si mandy , si mandy ang makakatulong upang magbalik ang aking mga kaibigan …

“amang aking mga kaibigan nasa ilalim ng itim na kapangyarihan , nais ko silang tulungan ‘

“isang inosenteng buhay , ang magliglitas sa sinu mang nasa isalalim ng kapangyarihang itim , walang sinuman ang makakagamot kung hindi ang inosenteng buhay  na syang nag bigay kasiyahan at pagmamahalan sa limang  nilalang”

“si mandy ?”

“ngunit iyo siyang pakakaingatan sapagkat , ang nakawala sa pagkakakulong , buhay nya’y nais kitilin .. dadanak ng dugo , maraming buhay ang mawawala .. walang nakakaalam kung ano ang kahahantungan ,.. kung sinu man ang magtagumpay ay syang magdidikta ng kapalaran sa sanlibutan”

“ano po ang inyong nais iparating?”

“kung ang itim ang magwagi , mundo’y dadanas ng kasarimlan , puno ng patayan , panaghoy ng mga nabubuhay ay inyong maririnig  walang sinuman ang makakapigil sa kanya kapag nakitil nya ang inosenteng buhay,.. ngunit kung ang liwanag ang magtagumpay , kapayapaan ay makakamtam , pag mamahalan ay magbabalik , walang takot at lahat ng magkakaibigan ay mag babalik sa dati nilang samahan”

Sa aking pagkausap sa isang amlin (isang manghuhula na nakakapagtangal ng anu mang harang ) aking nalaman na kaya pang ibalik ang lahat ng mga nalimutan na naiwan sa  nakaraan.

Nang  dumating ang araw na sya’y nagbalik naging masaya ang aking kalooban ang kantang kayang itinuro ay aki pang binabalikan … ng si jemirah , mandalia at eptil ay nagsimula ngg bumalik sa buhay ni mandy , agad akong nabahala kaya’t akin tong sinambit kay holan sapagkat kaylangan naming pangalagaan si mandy hindi lamang dahil kaylangan naming sya kundi dahil kaibigan namin sya.  Kayat agad akong nagpunta sa kaharian nila holan at aking narinig ang kanilang pinag uusapan.

"nalaman ang dapat malaman , ngunit isang babala ang dapat mong pag isipan , isang kaibigan  na naging bahagi ng kasamaan ang iyong makakalaban , siya'y higit na malakas at may kakayahan, siya'y kumitil ng napakaraming buhay dito sa ibabaw, maging sa kanilang mundo siya'y kinatatakutan dahil sa angking kabangisan at mga kakaibang anyo ang nalalaman kaya't mag ingat sapagkat buha'y mo ay nais nyang kunin upang sa kampon ng kasamaan ay ipagkaloob at ihandog upang kapangyarihan nya ay lumakas ng lubos ... ngunit ang kahinaan ay dapat mong malaman , isang ala-ala na dapat nyang mapakingan.. dapat ipa-alala, upang matandaan ang nakaraan at sa kabutihan ay bumalik ang kalooban ng dati nating kaibigan." Sambit ko kay mandy at kay holan , alam kong nagtataka sila ngunit kaylangan nilang malaman ito.

TAGU-TAGUAN MALIWANAG ANG BUWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon