Dedicated to her. Hi Dongsaeeeng! siya yung gumawa ng cover. Ganda diba? mehehehe.
10 reasons
written by: someonepov
{ p r o l o g ue }
Agad tumulo ang luha ko sa narinig ko. Hindi totoo yon! Langya. Hindi totoo yun, Alexis. Agad akong tumayo sa kama. Tinanggal ang dextrose sa akin. Langya, ang sakit.
"Alexis! Anong ginagawa mo?!" Sabi ni Mama. Hindi ko siya pinansin. Tumuloy lang ako sa paglakad papuntang pinto. Shet! Hinang-hina pa ako.
"Alexis! Ano ba! Hindi ka pa malakas!" Sabi ni Mama.
"Hindi naman totoo yung sinabi nyo na patay na si Troy! Hindi totoo yun, Mama diba?" Sabi ko. Bumuhos nanaman ang luha ko.
Sinalo niya ang bala ng baril na para sa akin. Pero, gusto ko siyang makita. Alam kong lumalaban si Troy. Hindi pwedeng patay na siya. Namatay na 'rin si Papa ng dahil sa akin. Hindi pwedeng pati siya mamatay rin!
Inalis ko ang yakap sa akin ni Mama at lumabas. Nakita ko yung doctor na umasikaso sa amin kagabi. Langya, naalala ko pa.
"Doc! Nasaan po yung kasama ko? Nasaan po siya? Kayo yung umasikaso sa amin diba?" Sabi ko. Parang naalala naman niya ako.
"Iha, I'm sorry to say this. But, matagal ng patay si Troy Montenegro. Hindi siya lumaban. At, napagalaman din namin na may sakit siya sa puso matagal na. Hindi niya kinaya, I'm sorry. Dalawang taon kang naka-coma dahil sa car accident noong gabing 'yon" Sabi ni Doc.
Hinigit ko ang kwelyo niya.
"Tangina naman, Doc! Bakit hindi nyo s-siya binuhay? Bakit.." At, dahan-dahan na akong napaupo.
"I'm sorry iha. Ginawa naman namin ang lahat, I'm sorry." Sabi niya saka ako iniwan.
Kung hindi lang ako nakatulog 'non habang nasa strecher kaming dalawa. Masasabi ko sana na Mahal na Mahal ko siya. Tangina naman, Troy! Bakit mo ako iniwan?!
Pumunta ako sa chapel. Marami akong gusto itanong sa kanya. Sobrang dami.
"Bakit nyo pa ako binuhay? Bakit? Wala na akong rason para mabuhay. Wala na si Papa, Wala na si Troy. Si Troy na lang ang rason kung bakit pa ako nabubuhay. Kinuha nyo pa. Ayaw sa akin ni Mama. Peste naman, bat pa ako nabuhay?! Sana.. Sana ako na lang kinuha nyo,"
Biglang umihip ang malakas na hangin. Nasa labas kasi ang chapel ng hospital na 'to. At, may papel na nililipad. Kinuha ko ito.. at may nakalagay na..
10 reasons.
![](https://img.wattpad.com/cover/10443085-288-k50911.jpg)
YOU ARE READING
10 reasons
Teen Fiction{ cover by // aegyows } { previous cover by: ippeuni } 10 reasons. Kung bakit pa ako nabubuhay. HIndi ko alam kung anong 10 reasons na iyon. Until that stupid pervert came into my life. Doon ko narealize na isa siya sa rason kung bakit pa ako nabubu...