Part 9

47.8K 1.2K 74
                                    


Abala si Caleb sa pinapanood sa tv kung saan may mga taong kumakanta kanta ng abc at numero na sinasabayan niya ng isa, habang ako naman ay nagtutupi ng mga damit namin dito sa kwarto. Naalala niyo yung mga cd na bigay ni Teo? Isa yan don. At itong si bagets tuwang tuwa hindi mo maistorbo at parang nahihipnotismo na ng mga napapanood niya.

"Haaayyyy ano kaya ang pwede kong gawin para mapangiti ang isang Teodoro?"

Sisimulan ko palang sana ang pag-iisip ng mga paraan ng marinig kong sumigaw si Teo. Nabitawan ko ang tinutupi kong damit. At ng tignan ko kung nasaan kanina nakapwesto si Caleb ay wala na ito roon, tapos narin ang kanina niyang pinapanood. Napatakbo ako papunta sa kwarto ni Teo ng marinig itong muling sumigaw.

Nang marating ang kwarto nito ay natigilan ako sa may bandang pintuan at doon nagtago at palihim na sumilip.

Pinipigilan ko ang mapatawa ng malakas sa nasasaksihan ko. Mukhang tanga si Teo!Hahahahaha!

Hinahabol lang naman ni Caleb si Teo habang tumatawag ng "Dada play." kung makatakbo ni Teo parang may malubhang sakit si Caleb. Paikot ikot sila sa kwarto nito.

"Hey stop!"

"Dada play."

"I said stop."

"Play us."

"Stay away!"

"Waaaahhhh!" malakas na pumalahaw ito ng iyak ng matumba.

Lalabas na sana ako mula sa pinto para lapitan si Caleb ngunit muli akong natigilan ng nagmamadaling lumapit dito si Teo at kinarga ito at inalo.

"Shhh... Does you knees hurt?" malumanay na tanong nito dito.

Iyon na ata ang unang beses na nakita niyang ganun ang ekspresyon nito. Yung dating matigas nitong mukha at madalas wala kang mabasa ay napalitan ng malambot at nag aalalang ekspresyon.

Napakagat ako sa hinlalake ko ng hinalik halikan nito ang ulo ng bata na unti-unti ng tumatahan at yumakap sa leeg ng ama. Ako tuloy ang muntik maiyak para kay Caleb, siguradong masaya ito sa ginagawa sa kanya ni Teo.

Okay din naman pala siya pag walang nakatingin sa kanya, keri naman palang maging mapagmahal na ama!

"Asan ba ang nagbabantay sayo?"

Nang marinig iyon ay kumaripas ako ng takbo pabalik sa kwarto namin ni Caleb at nagtulog tulugan.

"Tsk! Kaya naman pala kung saan saan ka napupunta, nauna pang matulog sayo ang nagbabantay kaysa sa binabantayan." dinig niyang sabi nito.

"Dada sleep?"

"Yes, you are going to sleep buddy. I'll just go get your milk."

Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ay saka niya imunulat ang mga mata. Nakalagay na si Caleb sa crib nito at tahimik na naglalaro.

Tumayo ako at nilapitan ito.

"Sha-sha." Oo sha-sha lang naman ang tawag sa akin ni Caleb dahil dun siya nadadalian. Mas okay narin yun kysa sa "Gaga" o "Yaya"

"Ikaw baby ha nag enjoy ka sa moment niyo kanina no?"

Tumawa ito na animo'y naiintindihan ang sinabi ko.

Mabilis akong bumalik sa kama ng marinig ang pagtunog ng doorknob.

"Here's your milk I hope it's warm enough."

Ilang sandaling nanahimik ito. Sa isip isip niya ay baka pinapanood pa nito ang bata hanggang makatulog.

"Kung magtutulog tulugan ka siguraduhin mong hindi nahahalata ang pwesto mo. Sobrang likot mo namang matulog kung ang kaninang ulo mo ay ang paa mo na ang nakaunan."

Insta Baby (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now