Prologo

101K 1.5K 38
                                    


Si Grasya, ang babaeng disgrasyada..

Ops! Wag judgemental, hindi siya buntis o nabuntis ha. Ingat na ingat nga siya sa puri niya e.

Ang ibig kong sabihin sa disgrasyada ay literal na hinahabol, pinapaulanan at minamalas siya dahil sinasalo na at niya lahat ng aksidenteng pwedeng mangyari. Kakambal na niya ang kamalasan. Siguro nung nakaraang buhay niya isa siyang killer, holdaper, magnanakaw, manloloko, kaya ngayong nabuhay siyang muli ay pinaparusahan siya.

Ang ganda pa naman ng pangalan niya "Grace." mas kilala lang siyang Grasya. Diba ang ibig sabihin nun blessings? Eh bakit kabaliktaran ng pangalan niya ang nangyayari sa kanya?

Buti nalang prettiness siya.

Ngunit hangggang saan ba siya maisasalba ng kagandahan niya kung bukod sa malas ay may angking katangahan rin siya?

Paano kung dahil sa isang baby ay kailanganin siya ni Teodoro Natividad na CEO ng isa sa pinakamalaking kompanya ng bansa. The most strict and serious man that she'll ever met.  Na may gwapong mukha pero ugaling di niya matancha?

Eh matagalan ba naman ni Teo ang katangahan, kadaldalan at ang pagiging pakialamera ni Grasya?

Makakaya ba nilang mapakisamahan ang bawat isa?

Tunghayaan nalang natin ang mga susunod niya pang kagagahan.

*=*=*

After ng Insta Wedding ang start. :)

Insta Baby (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now