Ikatatlumpu't walong Pahina

1.1K 14 0
                                    

"Physically he is not mine, but emotionally he belongs with me."

Hindi ko na iniwasan si John Calvin. Para saan pa at lagi ko rin naman siyang makikita sa opisina. He's still my boss after all. Pero gaya ng sinabi ko, hindi ko na siya pakikialaman. Hahayaan ko ang sarili kong mahalin siya pero hanggang doon na lang.

Hindi ako aasa, hindi ako magiisip ng kahit na ano. Dahil simula sa araw na to, hinding hindi na ako maghahabol para sakanya. Alam niya simula't sapol na mahal ko siya, and he knows I can cross rivers for him. Now if my theory is right, that he might probably be in love with me, then it's his turn to do his part. If he wants me too, then he must effort his way to my heart.

Pero sa ngayon, my focus is on my job and the 2014 launch.

Kaya isang linggo kaming OT lahat para magfinalize at magexecute ng mga designs. So far, okay naman ang performance namin at pasado sa board ang mga design namin. I am actually excited for this launch dahil first time kong magpapauso ng fashion statement na isang buong taong ieendorse ng AP. This is my biggest break so far and I felt somehow accomplished.

Designing is my dream. The only way I felt free to express my ideas and styles. And to see my handdrawn designs finally coming to life, it's priceless.

The launch went wild. Nakareceive kami ng magagandang feedbacks mula sa mga nanonood specially experts designers and well known models-- local and international.

Kanina habang nirarampa ng mga models ng AP ang mga designs namin, para ngang mangiyak ngiyak ako eh. This is absolutely happening! Kanina ko pa nga gustong isigaw na "Design ko yan!" It is really an overwhelming experience.

Hati sa dalawa ang launching. Isang for men and isang for women wear. In between those ay ang dinner and cocktail service.

Nasa isang round table kami ng team ko, together with Miss Lyn. Nasa may gitna naman ang table ni John Calvin and of course, his wife. Kitang kita mula sa view ko ang pagsubo ni John Calvin ng pagkain sa asawa niya na punung puno ng pagaalala. Pinupunasan din niya ang labi nito at kung anu-ano pang kasweetan.

Napangiti na lang ako ng mapait habang tinutusok ng tinidor ang pasta ko. Like I said, hahayaan ko na si John Calvin na gawin ang gusto niya. I would not hope, I would not entertain the pain.

Napatingin ako kay Xander para sana ibaling sakanya ang atensyon ko pero seryoso lang din siyang nakatingin kay John Calvin at Selena. Nang maramdaman niyang nakatingin ako sakanya ay nagiwas siya ng tingin at ngumiti sa akin.

"Masyado ba akong gwapo para titigan mo ng ganyan?" he tried to joke pero bakas ang pait sa tono niya.

"Sira. Sasabihin ko lang na hindi bagay sayo ang seryoso."

Umayos siya ng upo atsaka naglahad ng kamay. Automatic na naningkit ang mata ko.

"Tara sa balcony. May sasabihin ako." Sabi niya.

Sumunod ako kay Xander sa balcony. Biglang tumama sa mukha ko ang malakas at malamig na hangin. Overlooking ito at kitang kita dito ang magandang garden ng venue.

"Oh, ano bang sasabihin mo?" tanong ko kay Xander na ngayon ay nakasandal na rin sa dulo ng balkonahe.

"Wala. Gusto ko lang magpahangin." he said bitterly. Alam ko, alam kong may mali.

"Congrats ah. Magiging successful ang event na ito dahil sayo. Ang galing mong designer alam mo ba yun?"

Namula ang pisngi ko. Ngayon lang ako kinompliment ni Xander. "Thanks. Pero di ko naman to magagawa kapag wala kayo eh." Of course we are a team. Hindi lang dapat sa akin ang credit, dapat pati na rin sa mga kasamahan ko.

When Do You FallTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang