Chapter 5: TOMORROW IS A LONG DAY

6 2 0
                                    

Another chapter. Yepey! :') Just PM me or mention me for dedication loves :*
————————
Narrator's POV,

Kasalukuyang naghahanda si Demie papuntang school nila. Iritang-irita ito dahil meron s'yang pasa sa mukha niya. Pero okay lang daw naman kasi nilagyan niya naman ito ng concealer para hindi klaro yung pasa. Pwera nalang kung mapunasan niya ang concealer niya, edi mawawala iyon.

Papunta na si Demie sa school nila at pagkatapak niya doon ay naabutan n'ya si Devie na nagmumukmok sa gilid ng hallway.

"Oh babae why you nagmumukmok here?" Tanong niya dito.

"Alam mong impakta ka ha, manahimik ka d'yan. Naririndi na ako sa ka-conyohan mo." Pagsusungit sa kanya ni Devie.

"Hmp! Why are you masungit ba? Dapat me nga ang maging masungit eh because I have pasa here in my oh-so-gorgeous-face" pag-irap ni Demie dito.

"Kung ipakita ko din kaya sayo na may pasa ako, oh ano? Tss."

"Ay hihihi let's enter na sa room of ours na nga lang Devie. Baka Ms.Minchin make rap na naman like there's no tomorrow." Pag-aaya ni Demie.

"Tara!"

Naglalakad lang ang dalawa nang makasalubong nila si Darwin kasama nang barkada niya. Ngunit hindi nila alam kung bakit nakabusangot ang binata.

Kumislap naman ang mukha ni Demie ng makita niya si Darwin. Alam niyo naman, patay na patay siya d'yan. Kulang na nga lang halayin niya ito eh.

"Hi girls/Hi" sabi ng apat na lalake.

"Oh bakit nakabusangot yang mukha ni Darwin?" Tanong ni Devie sa kanila.

"At bakit may pasa kayong dalawa sa mukha?" Tanong ni Darwin sa kanila.

"Hindi ko kasi napansin yung mat sa c.r tapos madulas pala kaya ayun nadulas ako at nabangga yung pagmumukha ko sa door knob. Galing noh?" Dahilan ni Devie.

"Eh for me naman kase is that I was playing games sa phone of me. Then, yung phone of me is in the air like me is nakahawak naman sa phone ko but just you know eh nadulas yung phone sa hands ko edi the phone fell in to my mukha. I throw it away nga eh dahil masakit yung pagkaka-fell ng phone ko sa face ko, at dahil sa I get angry to my phone edi binalibag ko nalang." Mahabang pagdadahilan ni Demie.

Nakanganga lang ang lahat dahil sa mahabang lintanya niya pwera nalang kay Euro na nakikinig ng musika sa ipod niya at kay Darwin na nabadtrip pa rin hanggang ngayon.

"Tapos na ba kayong magliwanagan d'yan?" Tanong ni Derrick.

"Hoy Derrick! Eh ikaw ipaliwanag mo nga sa'min yang nangyari sayo. Ba't ka ba badtrip ha?" Tanong ni Devie.

"Ehem guys wag niyo na yang tanungin, ayaw niyan magpaliwanag." Sabat ni Justin.

"Nilihi-an kasi yan ng ano-anong pagkain ng nanay niya kaya halo-halo yung ugali. Pero may pasa yan sa mukha katulad ng sa inyo." Sabat ni Red.

Hindi na nga nagtanong ang dalawa dahil baka sipain sila ni Derrick papauntang Bermuda Triangle XD. Umalis na lang sila at pinagpatuloy na ang pagpunta sa klase nila.

+++++++++++++
Devie's POV,

Yes sembreak na namin bukas! Mihihihi mamumuhay na naman ako ng mapayapa nito. Actually guys malapit na din yung graduation namin. Dito kasi sa school na pinasukan ko ay talagang sagadan sa academics kaya sagadan din sa oras, pero masaya dahil hindi 10 months ang hihintayin namin para matapos ang school days kundi 6 months lang. Galing diba?

Kaya heto ako ngayon nag-iisa. Lumuluha sa gitna ng dilim 🎶 . Charot! Hindi ko alam kung tama yang lyrics. Narinig ko lang kasi yan sa kaklase kong heartbroken kuno. Nyeta! sarap lang ipalulon sa kanya yung puso niya eh nang matauhan. Tsk.

Magbabakasyon pansamantala si Demie sa Dubai kaya wala nang mambubulabog sa akin. Buti nalang talaga at nagbakasyon 'yon.

Magpapakasarap ako sa buhay ko ngayon dahil minsan lang tong mangyari. Wew! I can't fight this feeling anymore 🎶. Makatulog na nga lang, magbeau-beauty rest lang muna ako. Babush.
————————
I know lame yung update ko ngayon. Sorry poooo. Hahaha. Kkkkk bye neggas!

Slaughter Dew (On-going)Where stories live. Discover now