PART 3.

12.4K 299 2
                                    

"Let's eat at Piazza." Imbitasyon iyon, hindi tanong.

   Iyon ang agad na bungad ni Julianne sa kanya nang lumabas sya sa kwarto nya. Ang Piazza Cherie na tinutukoy nito ay isa'ng Italian restaurant na nasa baba lang ng tower na tinutuluyan nila. It's a fine dining restaurant.

   "P-papayag ba sila Maki?" Tanong nya.

   Tumango si Julianne. "Yeah, sinabi ko na sa kanila. Ikaw na lang ang hinihintay."

   Wala syang nagawa kundi ang sumama na lang sa mga ito. Nagsuot sya ng cardigan upang patungan ang v-neck above the knee black dress nya. Si Julianne naman ay naka mini dress na bulaklakin ang style.

   Kahit kailan ay mukhang hindi talaga sya masasanay ng may kasabay na parang mga alalay tuwing may pupuntahan sya, while Julianne seems to be enjoying it. Sila Jet, Maki at Albert lang ang kasama nila. Naiwan ang dalawa pa sa condo nila.

   "D-dito na lang kayo, wala naman siguro'ng magtatangka ng masama sa amin sa ganito katao na lugar." Sabi nya kila Jet ng papasok na sila sa Piazza. Baka hindi sya makakain kung doon sila babantayan ng mga ito.

   Tumango lang si Jet at tumabi upang bigyan sila ng daan. Madami dami ang tao sa Piazza ng oras na iyon , karamihan ay may mga edad na at may mangilan ngilan na mga ka edad nila. Pinili nila ang isa'ng mesa kung saan sila nakikita nila Jet.

   "Ano ba ang naisipan mo at dito mo gusto kumain? Nagsawa ka na ba sa luto ko?" Tanong nya sa pinsan ng maka upo na sila.

   Tumawa ito. "As if. Kahit kailan hindi ako magsasawa sa luto mo. Ikaw lang ang inaalala ko, hindi naman masama na minsan, mag day off ka kaka luto."

   Linapitan sila ng waiter at binigyan ng menu. Kagaya ng inaasahan ay double lasagna with garlic bread at white wine ang inorder nito. Sya naman ay tuna fillet with carbonara at white wine na rin.

   "Hindi natin natuloy ang roadtrip sana natin." Sabi ni Julianne ng makaalis na ang waiter dala ang order nila.

   "Malay mo, one of this days matuloy na natin." Sabi nya.

   "Minsan gusto ko sila takasan." Inginuso ni Julianne sila Jet na lumilinga linga sa paligid.

   "Ano ka ba." Saway nya rito. "Yan ang wag na wag mo'ng gagawin."

   "Oa mo 'te!" Natatawa na tinapik ni Julianne ang kamay nya. "Of course hindi ko gagawin yun. Edi nadedo ako ng wala sa oras."

   Natawa na rin sya. It's a good thing na positive pa rin ang pinsan nya. Nang dumating na ang kanilang inorder ay kaagad silang kumain. They shared a sumptuous breakfast. Akmang tatayo na sya ng mauliningan nya ang isa'ng pamilyar na mukha approaching from Piazza's entrance.

   "K-kent.." Mahinang usal nya. Nang makumpirma na ito nga ay may urge sya na salubungin ito ng yakap.

   "'Te, kilala mo?" Nagtataka na tanong ni Julianne. Bahagya rin ito'ng napatitig sa lalaki.

   Naka executive attire si Kent. She had never seen him this gorgeous.

   "Hi." His radiant smile swept her away from her feet.

   "A-ano'ng ginagawa mo dito?" Napakurap sya.

   Nawala ang ngiti nito. "Can't I visit you?"

   Bago pa sya makasagot ay mabilis na hinila ni Jet palayo sa kanya si Kent. Humahangos rin na sumunod sila Maki at Albert.

   Gulat na napaatras si Kent.

   "Who are you?" Kunot ang noo at matigas na tanong ni Jet kay Kent. Naka harang sa harap nila ni Julianne ang kaliwang braso ni Jet.

Kidnapped Love (Published)Where stories live. Discover now