PART 1.

41.2K 477 18
                                    




Pabalikwas na nagising si Kent mula sa isa'ng panaghinip. That girl again! Hiyaw ng kanyang isip. It's the third time mula ng una nyang mapanaghinipan ang babae na iyon. He saw her in an event he went to last week. Bigla na lang ito nawala. Marahil ay dahil sa frustration kaya paulit ulit nya ito'ng nakikita sa panaghinip.


   The girl looks ordinary, but her eyes seem to express many emotions. He cursed his self for remembering every detail. Hindi sya ganito. He can have every girl he wants but why does that girl kept on taunting his mind?

   Hindi ito mukhang socialite. Napaka ordinaryo ng suot nito'ng bestidang yellow. Hindi rin ito kaputian at higit sa lahat, hindi ito sexy kagaya ng mga babae na naroroon sa event na iyon. Kung tutuusin ay hindi ito kapansin pansin, but why, of all people, sya pa ang nasundan ng mata nya?

   Kaagad nyang kinapa ang kanyang cellphone sa bedside table. "Preston, have you found her?"

   "Boss, pinuntahan na ho namin lahat ng guests na naka lista sa guest book, pinakita na rin sa amin yung mga pictures noong event, wala kaming makita'ng babae na naka bestida na yellow, wala rin napansin yung mga guests." Sabi ng lalaki sa kabilang linya.

   Damn! "J-just keep on looking!" Hiyaw nya bago pinutol ang linya. Uminit lalo ang ulo nya sa resulta na ibinigay ng inutusan nya. Almost one week na nya rin na pinapahanap ang babae but no one seem to know her.

   Nababaliw na ba sya? But he is certain na nakita nya ang babae. Her every move, her eyes, her short shiny hair. Bakit sya lang ang nakakita? Kinilabutan sya sa naisip. Pero impossible na walang nakakakilala rito.

   Bumangon sya at nag bihis. Papagurin nya na lang ang sarili nya sa pag wowork out kaysa isipin ang babae na hindi nya alam kung nag eexist talaga. Naiinis na sya sa sarili nya. Nag jogging sya at nilibot ang kalahati ng exclusive Village kung saan sya nakatira.




   "Happy birthday!" Masiglang bati ni Julianne sa kanya. She bragged into her room at ginising sya nito ng pagbati.

   "Thank you!" Masiglang pasasalamat naman ni Patricia sa pinaka mamahal na pinsan. She hugged her. Si Julianne ang best friend slash closest cousin nya sa mother's side nya. Bagamat two years ang tanda nya rito ay hindi sila na iintimidate sa isa't-isa.

   "Ano'ng plano mo mamaya?" Agad na tanong ni Julianne. Umupos ito katabi nya sa kama nya. They were still both wearing their twin pajamas. Pareho ng design.

   "Ewan ko. Matutulog siguro mag hapon." Kibit balikat na sabi nya.

   Ngumuso si Julianne. "You got to be kidding me! Kailangan natin magsaya!" She exclaimed.

   "Wala pa ako'ng allowance, okay? Isa'ng libo na lang pera ko dyan, for one week allowance ko." Paangil na sabi nya.

   Tumawa si Julianne. "Okay. My treat." Bigla ay sabi nito.

   Hindi na sya nagulat o nagtaka sa sinabi nito, pero talagang wala sya sa mood mag saya o gumala. Napagod sya sa ila'ng araw na event na pinuntahan nya. Isa syang volunteer sa Children's Haven Orphanage at may ginanap na series of charity event ang mag sponsors nila last week din.

   Yinugyog ni Julianne ang braso nya nang hindi sya sumagot. "Huy! Ano ba? Hindi ka na makakatanggi o makakaisip ng paraan. Aalis tayo mamaya sa ayaw at sa gusto mo." Nakangiti na sabi nito bago tumayo at lumabas sa kwarto nya.

  It's her 21st birthday today pero wala syang nararamdaman ni katiting na excitement. Napagalitan pa sya ng Mother Superior dahil nakatakas sa pangangalaga nya si Marty, isa sa pinaka makulit na bata sa Orphanage.

   Imbes na nasa back room muna ang mga bata bago mag perform ang mga ito, bigla na lamang lumabas si Marty at nag tatakbo. Good thing ay hindi ito napansin ng mga mayayaman na bisita at sponsors ng gabi na iyon.

   Hindi naman naka gulo si Marty at naibalik nya ito ulit sa back room ngunit nalaman ng Mother Superior at medyo na sermonan nya. Masamang pangitain para sa birthday nya. Isa pa, nahihiya na sya kay Julianne. Mula teenager pa lang sya, she always do the treating.

   Mayaman kasi sila Julianne at hindi biro ang ginawang pagtulong ng papa nito sa kanila ng mama nya. Magkapatid ang mama nya at papa nito. May business sa iba'ng bansa ang pamilya nila Julianne. Financially ay tinutulungan na sila ng tito George nya mula ng mamatay sa cancer ang papa nya six years ago kaya malaki ang pasasalamat nya sa pamilya ng Tito George nya.

   Iiling iling na bumangon sya at nagluto ng agahan. Sa ngayon, mula nang maka graduate sya sa kurso nyang HRM ay nakatira sya sa condo unit na regalo ng Tito George nya kay Julianne on her 18th birthday kasama ng kotse nito. Nais ng Tito nya na tumira sya doon para may kasama si Julianne at maturuan nya ito ng pagluluto, paglilinis at kung anu-ano pa.

   "Cheese omelet please!" Mula sa kung saan ay sumulpot si Julianne. Naka paligo na ito at humahalimuyak sa bango. Kasalukyan nyang sinasangag ang kanin na natira nila kagabi.

   "Bilis mo maligo. May pupuntahan ka?" Tanong nya. Paborito nito ang cheese omelet nya with iced coffee as drink for breakfast.

   Tumngo ito. "Pupunta ako kila Meg, hapon na ako makakauwi, ang by that time, sana nakapag ayos ka na. Pupunta tayo ng Eastwood." Malapad ang ngiti na sabi nito. Umupo na ito sa harap ng dining table.

   She really loves to cook for Julianne. Na a appreciate nito lahat ng luto at ihain nya. Julianne even said na ito daw ang number one fan nya. May pagka childish ito at hindi maarte o mapili sa pagkain bagamat may karapatan sana ito dahil may pera naman ito.

   "Here's your order maam!" Pabiro na sabi nya habang inihahain dito ang cheese omelet na request nito. "Magtitimpla lang ako ng iced coffee." Sabi nya.

   "'Te, wag ka na muna mag apply ulet ha? Summer na summer, mabobored ako kapag ako lang lagi mag isa dito sa condo." Pakiusap ni Julianne. Kaka tapos lang kasi ng contract nya sa pangalawang trabaho nya last week.

   Tumango sya. "Sige. Okay lang naman daw kay Tito na huwag muna ako mag trabaho, since sobra naman daw para sa atin yung allowance na pinapadala nya sayo."

   "Oo nga naman! Balak ko umuwi sa Province 'te. Joyride tayo." Sabi pa nito bago sumubo.

   "Mga trip mo na naman! Kailan mo balak?" Umupo na rin sya sa harap nito at nagluwag matapos magtimpla ng iced coffee para sa kanila.

   "Next week I think. Grabe ang init. Gusto ko ma-try sa Zambales."

   Matapos nila kumain ay agad na rin ito'ng umalis. Nasa Ortigas ang condo unit nito at ang pupuntahan naman nito na si Meg na kaklase nito sa Ateneo ay taga Alabang. Siguro ay may pagtsitsismisan na naman ang dalawa regarding boys. Napangiti sya sa naisip.

   Matapos maayos at mahugasan ang pinagkainan nila ay naligo na sya at binuksan ang laptop ng pinsan. Maaari nya naman ito'ng gamitin sabi ni Julianne. Halos lahat ng gamit nito ay shinishare sa kanya kaya wala syang masabi sa pinsan.

   Pati ang Tito George nya at Tita Madel. They were so supportive. Ang mga ito ang tumulong upang makapunta sa Canada ang mama nya kaya doon na ito nagtatrabaho bilang Highschool Teacher, kaya nakakapagpadala naman ito ng pera sa kanya.

   Minsan nga, naisip nya, siguro, kapag dumating ang panahon na magkagusto sila sa isa'ng lalaki ng pinsan ay wala syang pagdadalawang isip na ipaubaya ito sa pinaka mamahal na pinsan nya. Muli, napa ngiti sya sa naisip.

   Alas tres na ng hapon bumalik si Julianne. May dala ito'ng paper bag. Malamang na namili ito ng bago'ng outfit. Nagulat sya ng iabot nito sa kanya ang isa'ng paper bag.

   "I bought you that. Medyo pudpud na yung sandals mo eh." She said.

   Isa'ng silver flat shoes ang nasa loob ng paper bag. Ayon sa resibo na naka stapler ay halos dalawang libo ang presyo nito. "Hindi ka talaga marunong mag tipid." Naiiling na sabi nya.

   Tinapik sya ni Julianne. "Yung iba'ng tao dyan, hindi na lang magpa salamat." Biro nito.

   Tumawa sya. "Salamat po, Kamahalan." Biro nya, matapos tanggalin ang suot na doll shoes at isuot ang regalo ng pinsan. Bumagay ang silver flat shoes na iyon sa suot nya na gray racer back sando na pinatungan nya ng itim na cardigan. Naka puti na skinny jeans sya at pulos malalaking bangles ang nakasuot sa kaliwa nyang kamay.

   Umakyat saglit si Julianne at nagbihis. Naka pulang mini skirt naman ito at spaghetti mini dress na bulaklakin. Dahil matangkad sya dito ng ila'ng pulgada ay nagsusuot ito ng stiletto. Itinali nito pataas ang buhok nito at may natira na ilang hibla na lalo'ng bumagay dito.

   Minsan ay naiinggit sya sa ka sexy-han ng pinsan. Wala ito'ng kiyeme sa pagdadamit dahil halos lahat ng gusto nito'ng isuot ay bagay dito. Sya kasi ay bukod sa malaman ay wala syang balak magsuot ng kakapiranggot na damit na gaya ng sinusuot ni Julianne.

   Bago dumiretso sa Eastwood ay naglibot at kumain muna sila sa isa'ng sikat na mall malapit sa Eastwood. Matapos mag libot ay nagpa gabi muna sila sa isa'ng sikat na coffee shop within the vicinity. Masyado pa kasi maaga para pumunta sila sa mga bar na andoon. Hindi nahirapan maghanap ng parking space si Julianne.

   "Nakakainis! Nanalo si Meg sa pustahan namin." Naka nguso na biglang sabi ni Juliannes matapos malakas na ilapag sa mesa ang cellphone.

   Napatigil sya sa pagsipsip ng iced coffee na hawak. "Bakit? Ano'ng pustahan?"

   "May nakita kasi kami'ng guy na malapit sa kanila. Ang hot! Tapos ayun, nagpustahan kami na hindi nya kayang magpakilala or whatsoever dun sa lalaki. She sent me a picture together with that guy just now! I have no choice but to treat her. Okay lang ba na sumama sya sa atin?"

   Tumango sya. "Oo naman. Kaya ba ng budget?" tanong nya.

   She said kaya raw. So they waited for Meg. Matapos ang halos isa'ng oras ng paghihintay ay  dumating na ito. Dumaan muna sila sa isa'ng powder room at nag retouch bago umalis. Alas otso na nang makapili sila ng club na pupuntahan.

   "This is so refreshing! Isasama ko sana si Nad, but he's going to Batangas daw." Sabi ni Meg.

   Pabiro na umirap si Julianne sa kaibigan. Tumawa lang sila. Kilala na nya si Meg noon pa, classmates na ito at si Julianne simula first year ang mga ito sa course na Business Management. Madalas din sila lumabas labas at gumimik kasama ito.

   Natural na yata sa pinsan nya ang maging flirty ng kaunti. As usual ay mag ilan na humingi ng number ng pinsan ng gabi na iyon. Alas tres ng madaling araw na sila nagpasyang umuwi. Nag cab na lamang pauwi si Meg.

   Inaalalayan nya si Julianne habang papalapit na sila sa pinto ng condo nito dahil mejo tipsy at hindi na tuwid ang lakad nito. Good thing na maingat ito'ng driver at kinakausap nya ito upang hindi antukin habang nag da-drive.

   Nagmamadali silang pumasok only to find out kung gaano kagulo ang condo. Nakabaliktad ang mga sofa, nagkalat ang mga gamit at basag ang mga gamit sa kitchen. Bigla ay parang nagising si Julianne. Kapwa sila nagulat.

   Napalingon sila sa pinto ng kwarto ni Julianne ng may isa'ng lalaki na naka over all suit ang lumabas. Tiningnan nya ang mga nito. Dahil sa reflexes ng isip nya ay alam nya na masama ang hangarin nito kaya hinila nya si Julianne at tumakbo palabas.

   Mabilis humabol ang lalaki. Nasa hallway sila and they tried to make noise. Nahablot ng lalaki ang buhok ni Julianne. She's crying out of pain ang fear.

   "J-Julianne!" Inabot nya ang kamay nito ngunit hindi binibitawan ng lalaki ang buhok nito. Julianne was already screaming. Bakit parang wala yatang tao sa palapag na iyon? Walang tumutulong sa kanila.

   "Don't let go Julianne!" Sigaw nya. "Tulong! Tulong!" Muli ay sigaw nya habang inaagaw rito si Julianne. She stepped on the man's foot kaya na distract ito. Nahawakan nya ang braso nito at na hablot ang manipis nito'ng suit.

   Nahantad ang braso nito na may malaki'ng tattoo ng dragon. The man is wearing a solid Rolex watch. Halos makaladkad na sila ni Julianne sa lakas nito humila but she is determined not to let Julianne go. It seems na ito talaga ang interes nito.

   "A-ate! Huwag mo ako'ng bitiwan! Parang awa mo na!" Hawak na rin nito ang buhok. Kalat na sa mukha nila ang make-up's nila dahil sa luha. The man in the black suit is still determined to get her cousin. She tried to kick him until Julianne joined.

   Sabay nila'ng sinipa sa hita ang lalaki kaya naka takbo sila sila palayo dito. Dumaan sila sa fire exit which is automatic pala na nag-aalarm once na may dumaan doon. Nanginginig sa takot ang pinsan nya. She was trying her best not to panic. Kailangan maliwanag ang isip nya.

   "Shit!" Narinig nya pang mura ng lalaki bago ito tumalilis paalis kung saan. Mabilis ito'ng nawala. Kung saan ito pumunta ay hindi nya alam.

   Nanghihina na napa upo sila ni Julianne sa pangatlong baiting pababa sa fire exit. Inaalo nya ito. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Maski sya ay hindi makapaniwala. What was that man's motive?!

   Ilang minuto pa ay ila'ng guards ng building na iyon ang pumunta. Nakita nila sa surveillance camera na mula ng pumasok sila'ng dalawa sa fire exit at tila takot na takot na sila at umiiyak. The guards asked them what happened and she told them. Halos hindi pa rin makapagsalita si Julianne.

   "Sasamahan ho namin kayo sa Police Station, Miss Roxas. Kailangan ho na maireport agad ito'ng insidente na ito." Sabi ng chief guard.

   Inakay at hinatid sila ng mga ito sa pinaka malapit na Police Station. She gave her statement. Tinawagan ng mga Police ang Tito George nya. Ito muna ang kanyang pinatawagan dahil alam nya na si Julianne talaga ang puntirya nito. Baka may conclusion na masabi ang Tito nya.

   "Oh my God! Is Julianne okay? Okay ka lang din ba? Nasaktan ba kayo?" Sunod sunod na tanong ng Tito George nya. Halata ang takot at pag-aalala sa boses nito.

   "N-nakatakas po kami agad Tito. I hate to say this pero mukhang si Julianne talaga ang gusto nyang makuha. He doesn't want to let go Julianne mula ng mahawakan nya ito." Paliwanag nya.

   "I am sending body guards, okay? Hintayin nyo kami. We'll go home. Just cooperate with the Police, they will know what to do." Sa huli ay bilin nito.

   The condo's management feel responsible dahil sa higpit ng kanilang security ay nakalusot pa rin ang masamang loob na lalaki and the incident happened in that building so they provided them with a new unit upang makapag pahinga na sila. 

   Nagtalaga din muna sila ng dalawang body guard sa unit na iyon. Awang awa sya kay Julianne. Tila nagka slight trauma ito. She's still shivering at hindi na halos tumigil sa kakaiyak. She remembered he saw a gun in the man's hips. Ang laki ng pasasalamat nya at hindi nito iyon naisip bunutin dahil siguro ay wala na sila ngayon.



Kidnapped Love (Published)Where stories live. Discover now