Chapter 11: Awakened Beast (Nagising na Halimaw)

16.3K 320 79
                                    

"Hate and force cannot be in just a part of the world without having an effect on the rest of it."

-Eleanor Roosevelt


"A-anong nangyayari sa-sa 'yo?!" tanong ni Maria. Patuloy pa rin ang mahigpit na pagkakakapit ni Helena sa kanyang leeg.

"HELENA!" sigaw ni Johan. Bumagsak naman si Maria sa sahig. Halos masuka-suka ito habang nakakapit ang magkabilang kamay sa kanyang mga hita.

Si Helena naman ay dahan-dahang napaluhod.

"NYAAAAAA!" sigaw niya habang nakatingala at nakahawak sa kanyang ulo. Tila nawawala siya sa kanyang sarili.

Agad namang lumapit ang binata sa kanya at kinapitan ang kanyang balikat.

"Helena, anong nangyayari sa 'yo?" tanong nito. Takot na takot naman ang mukha ng dalaga habang nakatingala. Tila may iba na naman siyang nakikita sa kanyang isipan.

Muling sumigaw ang dalaga na nakapag-alerto naman sa ilang tropa ng New Order.

"Hindi niya makontrol ang sarili niya. Hindi pwede 'to. Kapag hindi siya bumalik sa sarili niya, mauubos kami!" bulong ng pinuno. Ang iba naman ay tila natatakot na lumapit kay Helena dahil baka makapatay siya ng kanilang miyembro. Nasa ikalawang palapag lamang sila ng gusali at nakatingin sa kanila sa ikatlong palapag.

"Helena...Helena...tumingin ka sa 'kin...Helena." Patuloy si Johan sa paggising sa dalaga. Dahan-dahan namang kumalma si Helena. Ibinaba niya ang kanyang mga kamay ngunit siya'y nakatingala pa rin.

"That's right. You'll be safe in Daddy's arms and no one will hurt you. No one will ever hurt you again."

Isang panaginip ang tila nakikita niya. Sa panaginip na iyon ay makikita ang isang batang bersyon niya. Mahaba ang buhok at tila payat na payat ang pangangatawan. Yakap siya ng kanyang ama. Nakaupo sila sa isang malawak na harding napupuno ng mga rosas at katabi nila ang isang wheelchair na ginagamit niya.

Mayamaya pa'y tila iba na naman ang senaryong ipinapakita nito.

"Mr. Matthews, we can't do anything about her condition you know that!" wika ng isang babaeng naka-lab gown na puti. Kaharap niya ang ama ni Helena at tila sila'y nagtatalo. Pinapanood lamang ng bata ang kanilang pag-uusap sa isang sulok. Nakaupo lamang siya sa kanyang wheelchair at tila nanghihina.

"You're a genetics specialist, you know more than me about this disease. If it's just cancer in a different body part, it's possible but we are dealing with brain cancer. We both know that curing her might kill her as well," wika ng babaeng doktor.

"B-but what if we create something, some-something that can cure her. Make her regenerate and kill cancer. That is more accurate than any medicine or...or machine. I know it's possible," wika ni Dr. Matthews.

"Sir, creating another cure for a disease can make another issue for MEMO. It's better this way." Papasok na sana ang babaeng iyon sa isang pinto sa kanyang likuran ngunit sinubukan pa rin siyang kausapin ng doktor.

"You don't understand! I will never give her a memory gene! She's my only memory of my wife please!" bulyaw nito habang pinipigilan ang pagsara ng pinto.

"I'm sorry Doctor, but I cannot do anything for her." Sabay sara ng pinto.

Napaluhod na lamang ang ama ni Helena habang lumuluha sa harapan ng pintuang iyon. Tumingin siya sa kanyang anak at tumayo. Naglakad siya patungo kay Helena at pagkatapos ay niyakap ang pinakamamahal niyang anak nang sobrang higpit.

Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad)Where stories live. Discover now