Chapter 1: On Snowy Streets of Manila (Sa Nagyeyelong Lansangan ng Maynila)

65.8K 1.1K 699
                                    

I have noticed even people who claim everything is predestined, and that we can do nothing to change it, look before they cross the road.

-Stephen Hawking


May kalamigan ang gabi nang lumabas si Johan mula sakanilang condo. Underground building ito kung tutuusin kung saan ang bawat level ay tinatawag na Basement 1, Basement 2, Basement 3 hanggang sa umabot ito ng Basement 6.

Hindi na ito nakakapagtaka sa panahon na ito kung saan ang mga building ay nagtataasan at halos umabot na sa thousand feet. Mas pinili ng pamilya niya na tumira sa ganoong kondisyon kahit na sakanila naman ang buong building na yon na tinatawag na Klein Development Industry.

May iba't-ibang opisina sa bawat palapag at halos buong ari-arian nila ay pinapatakbo ng kompanyang MEMO. Napailing muna si Johan nang makitang wala sa garahe nila ang paborito niyang pulang hover bike.

Siguro ginamit nanaman ng kuya niya at malamang ay sa susunod na linggo pa ang uwi nito. Wala siyang ibang pagpipilian kundi gamitin ang bagong bili niyang hover car. Ang mga kotse sa panahon na ito ay hindi na gumagamit nang gulong kaya't tinatawag na itong hover.

Ang bawat kalye lalo na sa Maynila at sa iba pang karatig siyudad ay gumagamit ng tila magnetized technology. Ang north pole ng magnet kapag tinapat sa north pole din na magnet ay naglalayo.

Ang ideyang ito ang pinagsimulan ng magnetized technology na inilapat sa bawat kotse at bawat dinaraanan nitong mga kalye. Gumagamit lamang ng mahinang jet engine ang bawat kotse at liquified petroleum gas naman para mapagana ito at tumakbo.

Bumalik ng kanyang kwarto si Johan, kinuha ang susi ng pinakabago niyang kotse at muling bumalik sa parking bay sa Basement 1. Pinaandar niya ito at dinala sa elevation deck kung saan iaakyat ng makinarya ang kotse papunta sa kalsada sa itaas.

Malas at umuulan na naman ng niyebe. Hindi naman ganoon kalakas pero dahil sa ganitong klima, madalas mangyari ang mga aksidente sa daan. Naglalabo ang salamin ng kotse ng bawat sasakyan at mahirap imaniobra ang makina nito dahil na rin sa lamig.

Binagtas niya nanaman ang isang madilim, mausok na sinamahan pa ng hamog at maruming daan. Ito na ang Pilipinas ngayon. Ang mayayamang siyudad ay napapaligiran na lamang ng tila isang sakit na dumapo sa buong bansa at tila hindi na gumaling pa.

Mas lalo pa ngang lumalala dahil sa sistemang binago na ng panahon. Alam niyang kasali siya sa sistemang ito pero sa ayaw at sa gusto niya, isa siya sa mga nagpapahirap dito. Bagay na ayaw na niyang isipin dahil hindi rin naman niya ginusto.

Halos araw-araw, gabi-gabi, binabagtas niya ang bawat kalye ng ka-maynilaan para lang makita ang mga bid na halos gumapang sa kalamigan ng panahon. May ilang sumisigaw, humihingi ng tulong sa bawat nadadaanan, makikitang ang isa sa mahal sa buhay ng bid na iyon ay naghihingalo na, hindi na gumagalaw at halos madampian na lang ng mainit na luha ng kanyang mahal sa kalamigan ng niyebe na pumapatak rin sakanyang mukha.

Marumi ang paligid, madaming nakakalat na kung ano-anong balat ng produkto,prutas at iba pa. Madalas pa ngang matakpan ang windshield niya ng dyaryo o ilang printed adsna wala namang ibang laman na balita kundi ang pag-unlad ng mga bidders, at karimarimarim na katotohanang nangyayari sa mga bid at sa blackmarket.

Maraming ilaw ang makikita sa bawat kalye ng Maynila ngunit hindi maitatago sa bawat lamat nito ang nangyari noong World War 3 kung saan mas pinaka-naapektohan ang Pilipinas laban sa China.

Mas madugo noong mga panahong ito, kung saan kahit bata na edad pitong taong gulang ay pinapahawak ng baril para supilin ang bawat pwersa ng sakim na bansang Tsina. Hindi nakaligtas ang Pilipinas noong taon na iyon, taong 2215. Sa huli pinayagan ng America ang amyenda na bombahin na nang tuluyan ang China na nilagdaan naman ng lahat ng presidente na kasali sa United Nations.

Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon