Epilogue

67.7K 1.8K 230
  • Dedicated kay CKKL readers.. :">
                                    





Epilogue




Nagising ako na nakakulong sa bisig niya, napangiti ako nang maalala kong isa na akong Briones simula kahapon ng umaga.



Yes, kasal na nga kaming dalawa. Baliktad nga eh, kasi si Shane ang nag ayos ng kasal namin, pero tinulungan naman siya ni Elle at Syril.. Pati si Stan tumulong din sakanya. Isang taon din ang lumipas muna bago kami nagpakasal ni Shane, hindi namin nasunod yung promise sa isa't isa na pagkagraduate magpapakasal kami.

Hinayaan niya muna akong gawin ang gusto ko sa loob ng isang taon. Kaya naman nagtrabaho ako at nag gala kasama sila Syril. Si Shane naman nagtatrabaho na sa company ng Daddy niya.. May sariling bahay na rin kami, yun nga lang maliit palang ito.. Dalawang kwarto lang at maliit na sala. Gusto nga ng parents niya na regaluhan kami ng bahay at lupa, pero tinanggihan ko. Gusto ko kasi kaming dalawa ni Shane ang magpupundar ng mga gagamitin namin kapag mag asawa na kaming dalawa.



Sinubukan kong gumalaw pero napakagat ako sa ibabang labi ko dahil naramdaman ko ang sakit dun sa ibaba ko. Naramdaman kong humalik siya sa ulo ko.


"You're still sore Hon. H'wag kang malikot." Suway niya saakin, tumingala ako, pero nakapikit pa din siya.. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap saakin.



Sobrang init ng mukha ko dahil hanggang ngayon alam kong kinikilig pa rin ako sakanya. Yumakap din ako lalo sakanya.


"Good morning Mrs.Briones.." Ang husky ng boses niya nakakainis ang gwapo..

"Good morning.." Nahihiyang bulong ko.

Kagabi, nakakahiya talaga. Ang tagal ko bago lumabas ng cr, siguro mahigit dalawang oras ako sa loob ng cr.. Kaya nga pinauna ko na siyang maligo nun, para kahit makatulog siya nakapaligo na siya.


At ayun na nga nakatulog nga siya paghihintay, pero ako naman yung hindi makatulog kasi first time namin magtabi, at sa sobrang kalikutan ko, nagising siya, hinalikan niya ako.. Hanggang sa dumating na kami sa puntong ayun na. Mas lalo kong minahal si Shane kagabi, dahil ramdam na ramdam ko yung pag iingat niya saakin, panay nga ang sorry niya kagabi pagkatapos.. Hanggang sa makatulog na kaming dalawa sorry at I love you ang lumalabas sa bibig niya..



"Oh kay sarap isiping..kasama kang tumanda." Bigla siyang kumanta, ngumiti naman ako. Pinagapang ko ang point finger ko sa ilong niya papunta sa labi niya. Hinuli niya ang kamay ko at bumaba siya ng kaunti para maabot ang labi ko.. Isang mabagal at malalim na halik ang ipinagkaloob niya saakin.

"Bagong breakfast yan Hon." Natatawang sabi niya, hinampas ko naman ang dibdib niya.

"Maliligo na ako.." Sabi ko sakanya, hinila ko ang isang kumot sa kama at itinakip iyon sa katawan ko, pareho pa rin kasi kaming walang suot na kahit ano.

Titig na titig siya saakin habang tumatayo ako. "I'm really sorry Hon." Bulong niya nang mapansin niyang nahihirapan akong maglakad.

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon