43

44.2K 837 37
                                    






Chapter 43



ABHIE'S P.O.V




Sinipa ko ang paa ni Syril! Pinandilatan niya ako ng mata at umiling siya, tinignan ko naman si Stan pero nagkibit balikat lang siya at ginawang abala ang sarili niya sa pagkain.




Inilapit ko ang mukha ko sa kanilang dalawa. "Huy, hindi niyo ba narinig? Gusto daw sumama nila Elle.." Bulong ko sakanila, tinignan ako ng masama ni Syril.




"Akala ko ba iniiwasan mo sila?" Naiinis na tanong niya saakin, napalunok ako pero nagkibit balikat lang din ako.



"Naisip ko lang na isama nga sila para magkabati na kayong dalawa ni Elle." Sabi ko sakanya, alam niyo na sayang yung naudlot na friendship nilang dalawa, nakakaguilty naman kung ako pa yung magiging hadlang para sa pagkakaibigan nila.




"Ayoko Abhie, alam mo namang hindi ako yung unang nakikipag bati, sayo lang talaga ako hindi makatiis." Aniya, ngumuso ako.


"Bahala kayo hindi ako sasama." Pananakot ko sakanilang dalawa.




Mukha namang nalungkot ang itsura nilang dalawa! Nagkunyari akong naging abala sa pagkain ko at iniwasan ko ang mga titig nila, kailangan kong mapagbati si Elle at Syril, gusto kong maging magkaibigan silang dalawa.


"Aish..okay fine!!" Naiinis na pagsang ayon saakin ni Syril, lumapad ang ngiti ko kaya naman tumayo ako at lumapit sa table nila Elle, lumunok muna ako bago nagsalita.




"4pm sharp sa labas ng university." Yun lang ang sinabi ko sakanilang dalawa at umakyat na ako sa classroom namin, kung kinakailangang makasama ko kahit sandaling oras lang si Shane, gagawin ko basta maging maayos silang lahat, ayokong magbago ang pagkakaibigan nila nang dahil lang saakin.




Pagkatapos ng klase namin dumiretso kaagad ako sa labas ng university namin, nagulat ako nang makita kong si Shane palang ang nandun.




"H-hi.." Awkward na bati ko sakanya, marahan siyang ngumiti at tumango.




"N-nasaan sila?" Tanong ko sakanya, "Ah, pababa na yon. Pinauna lang ako ni Elle dahil baka daw magbago ang isip niyo na isama kami." Aniya, napanganga naman ako sa sinabi niya. Tinawanan ko nalang siya.




Tahimik lang kaming naghintay, hindi ako mapakali, pakiramdam ko kasi para talagang hindi kami magkakilala, kapansin pansin rin ang pagkabahala sa mga kilos ni Shane.




"A-Abhie." Nagtayuan ang balahibo ko nang tawagin niya ako, lumingon ako sakanya. "B-bakit?" Tanong ko sakanya..




"O-okay lang ba kung bumalik tayo sa dati, kahit ngayon lang. Promise pagkatapos nito, wala na.." Sabi niya, "Ha?" Wala sa sariling sagot ko.




Bigla siyang tumawa at umiling iling.




"H'wag mo nalang intindihin yung sinabi ko." Sabi niya saka nag iwas na ng tingin saakin, nakita ko ang pagka dismaya sa mukha niya. Magsasalita na sana ako pero biglang dumating si Stan at Syril na nagbabangayan.




"Nakakainis ka kasi eh!! Dapat talaga hindi tayo magkagrupo kanina!" Reklamo ni Syril, napailing nalang ako sakanilang dalawa, pero kaagad akong napangiti nang makita ko si Elle sa likod nila na hiyang hiya na sumusunod sakanila.




"Tara na nga!" Hiyaw ko sakanilang lahat para naman matahimik na yung dalawa nila Stan, pumara na kami ng jeep at halos pigilan ko ang paghinga ko nang tumabi saakin si Shane, siksikan sa jeep kaya naman nagkakabanggaan ang braso naming dalawa.




"Grabe manong ang takaw niyo sa pasahero!" Reklamo ni Syril, sinuway naman siya ni Stan dahil kamuntikan na siyang marinig ng driver. "Eh sa totoo naman kasi! Tignan mo nga para tayong sardinas dito!" Walang humpay na reklamo pa rin ni Syril, hula ko hindi mainit ang ulo niyan dahil sa dami ng pasahero, siguro ay kinakabahan siya para sa mangyayaring pag uusap nila ni Elle mamaya.




Biglang pumureno ang driver kaya naman napasubsob ang mukha ko sa balikat ni Shane! Kaagad akong umayos ng upo! Sobrang pula ng mukha ko dahil sa nangyari, napatingin naman ako kay Syril na ngayon ay nagpipigil na ng tawa dahil sa nakita niya! Pinandilatan ko siya ng mata pero binehlatan niya lang ako at inasar asar kay Shane! Nakakainis! Ngayong araw na 'to dalawang beses akong napasubsob kay Shane, nakakahiya sobra!




Nang makarating na kami sa amusement park napanganga ako sa dami ng tao, dati naman wala masyadong nagpupunta dito kapag ganitong may pasok.




"Hoy Stan! Yung promise mo! Ibibili mo ako ng cotton candy!" Paalala ni Syril sakanya, "Oo--" Natigilan si Stan ng tapakan ko ang paa niya at ngumuso ako kung saan nakatayo si Elle ngayon.




Kumamot ng ulo si Stan at nagsalita, "Ah, sorry Syril wala pala akong pera, naubos na eh.." Pagpapalusot niya, umusok naman ang ilong ni Syril sa sobrang inis! Tinalikuran naman niya ito at nagmartsa palayo saamin! Itinulak ko naman si Elle, kaagad naman niyang naintindihan kung anong ibig sabihin ko. Tumakbo siya at sinundan niya si Syril.





"Ah, eh.. Tatlo nalang tayo? Saan niyo gusto?" Untag ni Stan, pati ako napakamot ng ulo dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta.




"Kayo.. Saan ba?" Pagbabalik ko ng tanong, medyo awkward pala. Nagsisisi tuloy ako dahil pinaalis ko yung dalawa.




"Medyo nagugutom ako, kumain muna tayo." Napatingin ako kay Shane nang magsalita siya, nakatingin siya sa isang burger cart, lumapit kami doon at bumili ng burger at soft drinks.




Para kaming timang dahil walang nagsasalita saaming tatlo, nag iiwasan din kami nang tingin sa bawat isa, para bang takot na takot kaming magsalita dahil may naglilista ng Noisy. Napapailing nalang ako sa mga naiisip ko.




Maya maya pa biglang nagsalita si Stan na naging dahilan ng pagkagulat ko. "Abhie, mag usap nga tayo ng masinsinan.. Gusto ko yung tayong dalawa lang." Aniya, pinanlakihan ko siya ng mata pero tinitigan niya lang ako ng matagal.




"Shane pare sandali lang ha?" Paalam ni Stan at saka hinila ako palayo kay Shane, napansin ko naman ang paghabol ng tingin saamin ni Shane, pero ngumiti lang siya at tinanguan ako.




Medyo malayo na kami kay Shane nang tumigil sa paglalakad itong si Stan, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinagtagpo niya ang mata naming dalawa.




"Alam mong gustong gusto kita diba Abhie?" Tanong ni Stan, napakunot ang noo ko sa mga ipinagsasasabi niya, pero kasabay non ang mahinang pagtawa ko dahil sobrang seryoso ng itsura ngayon ni Stan.




"Sige Abhie tawanan mo lang ako, pero hindi ko kayang tignan na para kayong hindi magkakilala ni Shane, Abhie alam ko naging mahalaga na sayo si Shane, sa simpleng pagtititigan niyong dalawa alam kong pinipigilan niyo lang mag usap. Langya naman kulang nalang ipagsigawan niyo kanina na umalis na ako doon para masolo niyo ang isa't isa." Reklamo niya, magsasalita pa sana ako pero tinakpan niya ng point finger niya ang bibig ko, gusto ko nanamang matawa dahil sa ginagawa niya!




"Pero kahit na sobrang gustong gusto kita, kaya kitang ipaubaya sakanya.." Aniya, may bahid ng lungkot ang boses niya, pero kita ko sa mga mata niya na masaya siya sa mga sinasabi niya ngayon.




"Abhie, naaalala mo pa ba yung time na sinabi ko sayo na parang pamilyar yung kwintas mong snowman?" Tanong niya, tumango ako. Naaalala ko yon, nung araw na nagkasabay kaming dalawa sa pagsimba at nilibre niya ako ng pagkain.




"Ngayon ko lang naalala na pinag aagawan namin ni Shane yon sa isang tindahan malapit sa school, pero dahil mas nauna siyang nakakita non, pinabayaan ko nalang sakanya.. Hindi ko naman akalain na iisa din pala yung Mr.Snowman na yun at si Shane.. Alam mo ba nung araw na yon kitang kita ko sa mukha nung sira ulo na yon kung gaano siya kasaya. Mahal ka talaga niya Abhie, at aminado ako mas talo niya yung pagmamahal ko sayo." Litanya niya, hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon, basta ang alam ko lang sobrang bilis nang tibok ng puso ko.




"Pasensya ka na kung hindi ko kaagad sinabi sayo 'to, pero para sa ikapapanatag ng loob ko sinabi ko na sayo.. O sige na Abhie, bumalik ka na sakanya, sa tingin ko kasi kailangan ko nang umalis ngayon dahil nasabi ko na ang dapat." Nakangiting sabi niya, napapikit ako ng pinat niya ang ulo ko. Tulala pa rin ako hanggang ngayon, pero mas natulala ako nang maramdaman kong hinalikan ni Stan ang pisngi ko.




"I really like you Abhie, sana maging masaya ka na." Ngiting ngiting sabi niya saakin at tinalikuran na niya ako. Napahawak ako sa pisngi ko, at napalingon ako kay Shane, nakita ko ang pagdikit ng kilay niya at mukhang medyo naguguluhan siya ngayon. Nakita niya kaya ang ginawa ni Stan?



Nanatili akong nakatayo dito sa gitna ng amusement park, at hanggang ngayon nagtititigan pa rin kami ni Shane,sobrang lalim ng titig niya saakin na para bang lalamunin na niya ako. Humakbang siya nang dalawang beses palapit saakin pero kaagad din siyang huminto, at kasabay non ang paghinto rin ng abnormal na pagtibok ng puso ko.



Hahakbang na rin sana ako pero biglang may nagtext saakin, tinignan ko iyon dahil baka si Tita Marie, hindi kasi ako nakapag paalam sakanya. Pero laking gulat ko nang mabasa ko ang pangalan ni Stan, sandali ko munang tinitigan si Shane bago ko basahin ang text ni Stan, mukhang may nagtext din kay Shane dahil nakatutok na ngayon ang mga mata niya sa cellphone niya.



From: Stan

•••Hey Abhie, pansinin mo na siya. Wala namang mawawala sa inyong dalawa kung mag uusap kayo, panigurado akong magiging masaya na kayong dalawa.•••



Nag angat ulit ako ng tingin kay Shane at laking gulat ko dahil nasa harapan ko na siya mismo!



Napalunok ako nang makita ko ang magandang ngiti sa labi niya, namamawis ang kamay ko dahil sa kaba at nag init ang pisngi ko nang hawakan niya ang kamay ko.




"Kahit ngayon lang Abhie.." Aniya saka mas hinigpitan pa ang pagkapit sa kamay ko, sandali niya pa akong tinitigan bago nagsimulang maglakad. Sabi nga nila -Holding Hands While Walking- kaming dalawa.



Sunod sunod na paglunok ang ginagawa ko ngayon dahil kung minsan nararamdaman ko ang marahan na pagpisil niya sa kamay ko.



Tumigil kami sa paglalakad nang may makita kaming color games! Nagkatinginan kaming dalawa!



"Pula ako!!" Sigaw ng isa, "Sali tayo?!" Tanong niya, "Eh? Sugal yan diba Shane?" Natatawang sabi ko sakanya.



"Hindi sugal yan, tara." Hinila niya ang kamay ko at pumunta kami sa gilid.



"Anong gusto mong kulay?" Tanong niya saakin.



"Hmm, puti!" Masayang sabi ko, tumawa siya saka pinisil ang pisngi ko.




"Kuya puti kaming dalawa." Sabi niya dun sa nag aayos. "O sige! Puti daw 'tong dalawang 'to."




"Basta kami pula!" Hiyaw ng ilang estudyante, napatingin ako kay Shane dahil dalawa lang kaming puti.




Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko, "Mananalo tayo. Swerte kaya tayong dalawa kapag magkasama tayo." Aniya,



"O magkano taya niyo?" Tanong saamin ni Kuya, "Five Hundred." Matipid na sabi ni Shane at humila ng limang daan, nanlaki ang mata ko!



"Hoy! One hundred lang okay na!" Sigaw ko sakanya, ngumiti siya at umiling. "No hon, five hundred." Imbis na manlaki ang mata ko sa sinabi niyang five hundred ay mas lalong nanlaki ang mata ko sa itinawag niya saakin, hindi naman ako bingi! Naglinis ako ng tenga ko, napapitlag ako nang maramdaman kong pumulupot ang braso niya sa bewang ko, amoy na amoy ko ang pabango niya.




"Woah! Osige five hundred din saamin!" Sigaw sa kabilang grupo at naghati hati sila sa pagbigay ng five hundred."




Nagsimula na ang pag ikot ng dalawang bola sa color wheel at ang bilis bilis ng tibok ng puso ko dahil baka matalo kami! Paano nalang yung five hundred pesos ni Shane! Waaaa! Habang bumabagal ang pag ikot mas humihigpit ang kapit ni Shane sa bewang ko, ipinikit ko ang mata ko para hindi makita ang pagkatalo namin! Pero napamulat ako nang bigla akong yakapin ni Shane at binuhat niya pa ako!




"Sabi ko sayo eh, maswerte tayo sa isa't isa Hon..." Bulong niya sa tenga ko, may nagwawala sa loob ng dibdib ko at nakakatakot sila dahil gusto na nilang lumabas lahat! Para bang ang pula pula na ng mukha ko! Yung endearment na yon, nakakadagdag nang pagbilis ng tibok ng puso ko.



Ibinaba ako ni Shane at kinuha ang one thousand pesos na taya niya at umalis na kami dun.



"Ngayon, kakain tayo dun." Tinuro niya ang isang fast food restaurant, hindi ito gaanong kakilala pero mukhang masarap yung mga pagkain.




Umorder na kami at pinili naming sa labas kumain, sa mga bench dahil mas magandang tignan yung mga bituin ngayon, mag aalas siyete na rin ng gabi.



Kumakain na ako ngayon pero naiilang ako dahil titig na titig saakin si Shane.



"Ano ba Shane.." Suway ko sakanya, narinig ko ang mahinang pagngisi niya.



"Sorry, namiss lang kita. Yung ganito ka kalapit, sobrang namiss kita." Uminit ang pisngi ko, napapitlag ako nang kurutin niya ang pisngi ko.



"Ang cute mong mamula." Aniya.



"Sige na kumain ka lang Abhie, gusto kitang titigan ngayon ng malapitan, dahil alam ko pagkatapos nito. Sa malayo na ulit kita matititigan."


****

A/N: Five more updates tapos na po ito. :) Thank you.
ATE ABO.

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon