Finale

54.6K 1K 51
  • Dedicated kay iamnheshan
                                    





FINALE



Nagmamadali na ako paglalakad palabas ng school namin, sigurado ako nakakunot nanaman ang noo niya kapag nakita niya ako. Nakakainis kasi yung Prof namin kanina ayaw pang mag dismiss, ginagawa kaming high school.


Nang makalabas na ako ng school nakita ko kaagad siya na nakatayo sa harapan ng kotse niya, pinagtitinginan nanaman siya ng mga kababaihan, nakapamulsa siya at kunot noong nakatapat ang cellphone niya sa tenga niya, nag ring ang cellphone ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinet niyang ringtone sa cellphone ko.


~~I never have somebody I could lean on, I never had a shoulder I could cry on, till I found you babe.. Till I found you..~~



Kanta niya daw saakin yon, ang Till I Found You by Freestyle.. Nakakakilig isipin na ang isang Shane Briones nag aalay ng kanta sayo.


Tinap ko ang phone ko at itinapat ko iyon sa tenga ko. "Hello.." Nakangiting sagot ko sakanya habang tinititigan ko siya. Mas lalong kumunot ang noo niya.


"Where are you?" Malamig na tanong niya saakin, grabe tatlong taon na nga ang lumipas pero ang sungit sungit pa din niya! "Infront of you.." Pang aasar ko sakanya, kaagad siyang tumingin sa harapan niya at awtomatikong natanggal ang pagkakakunot ng noo niya, maging ang magkadikit niyang kilay nagkahiwalay. Masasabi kong mas lalo siyang gumuwapo, at yung pangangatawan niya hindi ko alam kung bakit biglang naging maganda yung hubog, hindi na siya yung simpleng katawan ng isang high school.. Yung tindig niya lalong naging manly, maging yung ayos ng buhok niya nakakainlove. Mas lalo na rin siyang tumangkad.


Mariin niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa, kaagad siyang naglakad palapit saakin kaya naman sunod sunod na paglunok ang ginawa ko, iba ang epekto kapag naglalakad palapit sayo ang isang Shane Briones, kakabahan ko ng sobra at mamamawis ang palad mo.. Tumigil siya sa harapan ko at kaagad hinila ang kamay ko, mabilis niyang pinagsalubong ang daliri naming dalawa at tahimik niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya, kaagad akong sumakay doon.


Tinititigan ko siya ngayon habang nagmamaneho, wala na siyang driver ngayon. "Stop staring Hon.." Mariin na pahayag niya nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Nakasanayan ko nang tawagin niya ako sa ganung endearment, nung una naiilang ako pero nung tumagal na para bang hahanap hanapin mo yon lalo na kapag sakanya galing.


"Nag eenjoy akong titigan ang view." Pilyang sagot ko sakanya. Sandali siyang lumingo saakin at napapikit ako nang pisilin niya ang ilong ko bago binaling ulit ang tingin sa kalsada.


"You're acting sweet again. Dahil ba yan sa pinaghintay mo ako ng isang oras sa school mo?" Seryosong tanong niya, tumawa ako ng mahina. Tatlong taon na niya akong inihahatid sundo kaya alam ko na ang kiliti nitong si Shane Briones.


"Eh baka kasi galit ka." Natatawang sabi ko sakanya, huminga siya ng malalim. "Alam mo namang nawawala ang galit ko kapag nakita na kita." Bulong niya, napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan iyon, yung kaliwang kamay naman niya ang pinangmamaneho niya. Nararamdaman ko yung init ng paghinga niya kaya naman parang may nagwawala sa loob ng tiyan ko. Namula ang pisngi ko, kahit kailan talaga ganito pa rin ako pagdating sakanya.

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon