Chapter 51

399 6 4
                                    

For Janine. Natuwa ako mga sa comments niya. Yung feeling na umiyak siya. Para daw siyang crybaby eh. Lol. Natutuwa ako kasi apektado ka ng story. Yaaah. So for you. Para sayo. Uulitin ko, para sayo 'tong chapter na 'to. Hahahaha. Wag ka ng umiyak ha? :) Lol. Umiyak ka pa pala. Hahahahaha.

Kung gusto niyo may soundtrip, click niyo lang yung kanta sa gilid. :)

Point Of View:

-Eyn Krishnel C. Ford-

 Share with me the blankets that your wrapped in 

because its cold outside cold outside its cold outside 

After the incident last night, when Fierce chose to let me go. Oo nainis ako, oo nasaktan ako. Pero anong magagawa ko? Ang gusto ko lang ngayon eh magpakalayo layo muna. Magpakalayo layo sa sakit. Monthsary dapat namin ngayon, pero diba binitawan niya ko? So wala nang kami. Ang sakit lang. Ha-ha-ha. I laughed at my own thoughts. 

share with me the secrets that you kept in 

because its cold inside cold inside its cold inside

Kinontact ko si Papa kaninang umaga, sabi ko gusto kong pumunta sa Korea, I think next week. Nagpaalam narin ako sa mga teachers ko, tutal petiks petiks nalang din naman sa school ngayon. Syemps, pag fourth year kana and malapit na ang magtapos ang school year, hindi naman na sumisipot ang teachers, instead ang gagawin mo lang eh matulog sa loob ng klase, kumain at makipagdaldalan.

I haven't told my bestfriends about this. Sasabihin ko rin naman sakanila eh. Isa lang muna ang gusto kong puntahan ngayon. Si Jillian, gusto ko siyang makita. Tinanong ko kala Code kung sang ospital nakaconfine si Jillian.

Pag naaalala ko, kung paano 'ko binitawan ni Fierce sa ulanan nung makita niyang nagcollapse si Jillian, nadurog ang puso ko, pero at the same time naintindihan ko. May sakit si Jillian. May sakit si Jillian, at wala akong laban. Sana nagkasakit nalang din ako, baka kasi kung ganon ako ang pinili niya at hindi si Jillian, pakshet lang.

and your slowly shaking finger tips 

show that your scared like me so 

let's pretend we're alone

Pinunasan ko yung mga luhang tumulo na naman sa mata ko. Umiiyak na naman pala ako. Nakakainis lang. I have to be strong really, wala akong aasahan ngayon kundi ang sarili ko.

Naligo na ako, monthsary namin ngayon dapat. Pero wala na. Today is an ordinary day for me. Walang Fierce na mangsusurprise, sabagay nung first monthsary namin, nasaktan lang din naman ako sa surprise eh. Lecheng surprise na yan.

I'm really hoping na wala si Fierce sa ospital, I want to tell Jillian how I really feel. Ang dami kong gustong sabihin sakanya. Na kahit gustong gusto ko nang magalit sakanya eh hindi ko magawa. Pare-pareho lang kaming nasasaktan dito diba? Shet lang talaga.

I'm on my way to hospital. I slowly open the door, and saw nothing but Jillian, lying on the bed with her eyes close. Wala pa bang siyang malay o tulog lang siya? Luckily, Fierce is not here. Sasandali lang din naman ako dito. I only want to tell Jillian, kung anong nararamdaman ko. Should I wake her up?

Nah. I'll just talk to her. Kahit pikit pa siya, bahala na kahit magmukha akong tanga.

Dahan dahan kong nilagay sa table yung mga binili kong prutas for Jillian. Yeah, kahit naman nasasaktan ako I don't have the right to be mad at her. Wala siyang alam. Nagmamahal lang siya.

Ang payapa ng mukha ni Jillian, ang galing lang na napapanatili niyang ganito yung itsura niya kahit may sakit siya.

Kinuha ko yung isang silya na nasa loob ng room ni Jillian, I sat beside her and start talking.

Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon