Chapter 45

412 4 1
                                    

Point Of View:

-Eyn Krishnel C. Ford-

Mababaliw na ako sa kaiisip, eh pano at sino namang hindi? Walang Fierce na nagpaparamdam. Walang text, walang call. Ni sitsit man lang. Ano ba? May problema ba kami? Laging si Folex lang ang kasama ko, at aalis na rin siya kinabukasan. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas eh. Ayaw niya pang magpahatid bukas kasi daw baka hindi na siya makaalis. Ang sweet non, kaso bangag pa din ako hanggang ngayon eh.

Haaay.

"Excuse me po? Pwede pong ngumiti ngiti."   nagulat naman ako. Kasama ko nga pala si Saichi. Nalimutan ko naman.

"Sorry Saichi. Lutang pa ko eh."   inismidan niya lang ako. Pupunta kami ngayon sa tambayan ng barkada, and to inform you, araw-araw aakong napunta dito para icheck si Fierce.

"Oh Eyn, wala si Fierce dito eh."   Well, expected ko na yan. Di ko na alam mararamdaman ko, para na akong tanga. Hinagod lang ni Saichi yung likod ko, dahil alam niyang anytime pwede na akong magbreak down. Ilang araw na akong walang tulog pero kumakain naman ako dahil pinaaalalahanan ako ni Folex. At magagalit yun sakin pag di ako kumain.

"Hindi pa rin ba nagpaparamdam? Pinuntahan ko na yun sakanila eh. Ayaw naman lumabas ng kwarto niya. May hindi ba kayo napagkasunduan? Kailan ba kayo huling nagkita?"    pagtatanong ni Code sakin.

Napabuntong hininga nalang ako. Tumigil muna kami 'don sa tambayan. Inisip ko rin kung ano ba ang puno't dulo nito, medyo natahimik ako para mag-isip. Pinalubutan naman ako ng barkada. Sinabi ko sakanila na yung last naming pagkikita eh yung after nung game na pinauso ni Dwayne, tapos nagtanong na rin si Dwayne.

"Ano bang huli niyong napag-usapan?"  inisip ko kung ano nga..

"Yung first girlfriend niya. Biniro ko kasi siya, sabi ko kasalanan niya siguro kaya sila nagbreak. Hindi kako nakatiis yung ex niya. Hahahaha."   dirediretso kong sa sabi sakanila na nagpatawa naman kay saichi pero hindi ng barkada.

Napafacepalm yung tatlo, at ako naman tinanong ko sila kung bakit. Tinapik nila si Code. Sign siguro para siya na ang sumagot. Nag-iintay lang ako sa sasabihin ni Code.

"Eyn, sobrang sensitive ni Fierce pagdating sa ex girlfriend niya."

Sobrang sensitive? So sobrang halaga din nun?

"Tell me about that girl, Code. Please."

The least I expected, interesado din pala si Saichi. Nag-nod lang si Dwayne at Rain then bumuntong hininga si Code as he faced me.

"First year kami nung nangyari yung accident."

"Accident?"

"Yup. Well you see, sobrang minahal ni Fierce yung ex niya. He was with her when the accident happened. First year highschool kami 'non nung nagpabili si Fierce ng kotse sa mama niya. Gusto niya daw kasing isama sa ride yung girlfriend niya. Nasa To-do-list daw kasi yun nung girlfriend niya kaya siya bilang boyfriend, gusto niyang matupad yon."

"Mayaman sila Fierce alam mo naman 'yon diba? Kaya binili agad siya ni tita. Wala kaming pasok nung dumaan si Fierce sa tambayan kasama yung  girlfriend niya, hindi pa namin tropa si Dwayne that time kasi second year na siya  nagtransfer dito sa school so malamang sa alamang wala pa siyang kaalam alam non, ngayon niya lang dito nalaman. Ang alam niya lang noon, naging miserable talaga si Fierce."

"Excited silang dalawa, kaya kahit sa subdivision lang sila pinayagan mag ikot ikot inenjoy nila yun. Wala namang lisensya si Fierce kaya di sila pwede lumabas ng subdivision. Pero ewan ko , biglaan eh. Nakalabas sila. Siguro di na rin nila namalayan, alam mo namang mapupusok tayong mga kabataan. Suddenly nalaman namin na nabunggo yung sinasakyan nila Fierce.."

Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon