Chapter Two ~ Encounter

36 1 0
                                    

Dalawang Buwan na ng Makalipas ang laban nila Hannah at Lilith sa bahay nila Sel. Ngayon, silang tatlo ay magkakaibigan na at may binuong grupo na kinikilalang ' Dead or Alive ' .Kilalang kilala ang grupo nila sa school nila , May kumakalt kasing chismis na pumapatay daw sila, Obvious naman na hindi totoo , Sinisiraan lang ang grupo nila.

Naglalakad si Hannah papunta ng Library habang ngumunguya ng chiklet, Ang Library ng School nila ay Hiwalay na buidling sa School Building nila kaya nama nasa labas siya.

" Ui Sel ! Mamaya na ko pupunta ng Base, Magaaral pa ko "

" Okay sige, Sabihin ko nalangkay Lilith "

" Ge. Bye ! "

Sa Paglagay niya ng telepono niya sa bulsa niya ay may nakabungguan siya. Napaupo si hannah sa sahig

( Aray ko naman, Sakit sa pwet ) tinignan ni hannah kung sinu ang nakabanggan niya. Lalaki iyon ( Mukhang gentleman, Makapagsorry na nga, ako naman may kasalanan eh )

Tumayo siya kaagad at nag-sorry sa lalaking nakabangga niya. Dapat ay aalis na si hannah kaya lang nagsalita ang lalaki

" Akala ko hindi ka mag sosorry eh " Mayabang na sumbat ng lalaki kay hannah

Tinignan ni hannah ang lalaki na tila gulat na gulat ( Aba ! mayabang naman pala ang Loko ! )

"  Kunwari pang nagulat ! alam ko namang isa ka nanaman sa mga babaeng nagpapacute sakin eh ! " Sigaw ng lalaki kay Hannah " Ano ? wala kang masabi noh ? Panu ba naman kasi ! Totoo lang naman yung mga pinagsasabi ko ! Maiwan ka na nga ! " Nagsimulang maglakad ang lalaki patalikod sa babae, Napatigil siya at humarap muli kay Hannah dahil narinig niyang tumatawa ito

" hahahahahaha---------- HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA ! " Tumawa si hannah at tumakbo malapit sa lalaki

" Nagpapa cute pala ah ! " Ngumiti si Hannah sa harap ng lalaki at sabay na sinuntok ito sa mukha

Napunta ng likod ng lalaki sa lapag dahil ang lakas ng Impact na nagawa ng suntok ni Hannah sakanya .

Lumuhod si hannah at Binulungan ang lalaki ng " One centimeter Punch, Sarap matikman noh ? sayang ka rin eh, Kay ganda ng mukha, Kay panget ng ugali " sabay tayo

Napansin ni hannah na marami ng tao sa paligid " Mga Pakialamero at Pakialamera ! " Sabay namang nagsi-alisan ang mga tao sa paligid

Tatayo na dapat ang lalaki ngunit napansin yun agad ni hannah kaya tinapakan niya ang dibdib ng lalaki para hindi ito makatayo .

" Tatayo ka pa eh, Sa susunod mag iingat sa binabangga mo " sabay ngiti sa lalaki . Dinura niya rin ang chiklet niya sa sapatos ng lalaki

Tuluyan na ngang iniwan ni hannah ang lalaki at tumuloy na sa Library para mag aral sa Exams niya .

Tumayo agad ang lalaki at pinunasan ang nagdurugong labi niya gamit ang likod ng palad. Tinignan niya ang chiklet sa sapatos niya ( Nakakainis ! )

( Patay ka saken !! )

Naglakad ang lalaki papunta sa Library dahil nakita niya na doon papunta ang babaeng sumuntok sakanya . Sinundan niya ng tingin ang babae kanina ng papaalis ito . Nakita niya ang babae narron sa dulo ng mga tables at nakuha pang nag aral dahil Geometry ang hawak na libro nito .

Nilapitan kaagad ng lalaki si hannah at tinapon ang binabasang libro nito sa lapag. Wala nang ibang maisip ang lalaki kung hindi ang makaganti sa pagpapahiya ng babaeng iyon sa kanya.

" Baket ? " Casual na sabi ni hannah sa lalaki

Hindi sumagot ang lalaki kaya kinuha nalang ni hannah ang libro na nasa lapag, Nang makuha niya ito ay tinabig muli ng lalaki ang libro kaya napunta ito lapag. Kukunin dapat ulit ni hannah ang nahulog na libro kaya lang tinapaktapakan na ng lalaki ang libro. Tumayo si hannah at huminga ng malalim. Tinignan lang ni hannah ang lalaki sa mga mata nito

Mend His HeartWhere stories live. Discover now