Prologue ~

35 0 0
                                    

" Ma pasensya na kayo kung hindi ko kayo nasamahan diyan sa airport hah, Kailangan ko po kasing magenroll sa College School na papasukan ko eh. Pasensya na po talaga "sabi ni Hannah habang inaayos ang form 137, certificate or moral character habang nakapila sa registrar ng school na papasukan niya.

" Sige 'nak ! huwag masyado makipag away.. madalas ka kasing napapaaway sa mga nililipatan mong eskwelahan eh " pagdidisiplina ng nanay niya sa kabilang linya " Oh  sha ! Aalis na ang eroplano, pakabait diyan! " pagpapatuloy pa nito

" Opo, ingat po Ma ! "

Siya na ang sunod sa pinipilahan niyang Registrar kaya agad niyang iniabot ang mga kailangan ng babae sa Registrar.

"Okay na po Ma'am , may entrance exam po next week, Monday Building Rm. 105 " sabi ng babae sa registrar atsaka ibinigay ang schedule ng exam

" Ah Salamat "

Pagod ng makauwi si Hannah sa Bahay na ipinagkatiwala ng Mama niya sakanya. Idinikit niya ang exam schedule sa Di kalakihang Refrigerator gamit ang isang Ribbon na Magnet. Nagmuni siya sandali at biglang natigilan dahil naalala niya na may trabaho pa pala siya. Isang Part-time worker si hannah, ang kasalukuyang pinag kaka abalahan niya ngayon ay ang pagbubuhat ng mga sako ng bigas at mga pa extra extrang trabaho.

" Salamat sa sweldo Mang Jobert ! " nakangiting sabi ni hannah sa Treasurer ng pinagtratrabahuhan niya habang inabot ang 500 na kita niya

Alas tres palang naman ng hapon kaya naisipan niyang maghanap ng mapagkakakitaan. Habang naglalakad siya ay may napansin siya sa isang bakanteng lote na punung punu ng tao , Nilapitan niya ito agad at iyon pala ay labanan. Sumingit siya ng sumingit hanggang sa napunta siya sa bandang harapan ng laban.

" Ang lakas talaga ni John Fierce ! sino kayang makakatalo sakanya ? " 

" Oo nga eh ! sayang din ung premyo ah ! malaki laki ring pera un "

" Naku ! Limang libong piso rin yun ah ! "

" Naku naman ! dapt pala nag aral ako ng karate eh ! HAHAHAHA ! " 

Pag uusap ng dalawang babae sa likod ni Hannah . Narinig naman ni hannah ang lahat kaya naman hindi siya nagdalawang isip na lumaban ng maghanap ng kupunan ang John Fierce na iyon . Nainsulto lang talaga siya kasi hindi siya tinanggap na maging katunggali kaya't sumigaw siya at umakyat sa ring kung nasaan ang John Fierce.

" DUWAG ! " Matigas na sabi ni hannap kay John Fierce " Baka natatakot ka sakin ? sabihin mo lang at kukunin ko nalang kaagad ang premyo " she said that with a smirk

Halata naman sa mukha ng John Fierce na yon na napikon siya at sinugod si hannah. Ang mga kamay ni hannah ay nasa baywang niya, Sa pa iwas ni hannah ay tumalon siya at saka sinipa ang baba ni John Fierce. Natumba naman kaagad ang pinagmamalaking John Fierce na iyon.

" Hmm, mahina naman pala " pabulong na sabi n hannah sa sarili

Ngumiti ito at kinuha ang premyo niyang limang libong piso. Ang mga nanunuod ay napanganga hanggang sa pag alis ng tumalo kay John Fierce. Lahat sila ay nagulat sa pangyayaring hindi kapanipaniwala.

Natapos na ang Exam at lumipas na rin ang dalawang linggo. Sabi ng professor doon ay makakatanggap ng letter and mga nakapasa o di kaya ay scholar. Medyo kinakabahan siya pagkagising niya. Pumunta sa mailbox sa harapan ng di kalakihang bakod ng bahay na tinutuluyan niya. May laman ang mailbox, nabasa niya na ito ay galing sa isang school na pinag examan niya. Isa lang ang pinag examan niya dahil ayaw niya ng hassle. Agad siyang pumasok at binasa ito.

" S......S......S.....Scholarship ?! " tanging sumbat niya sa sarili

Nagtalon talon siya sa tuwa at nag simula ng kumain ng masarap na agahan

Prologue End ~

Mend His HeartΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα