Chapter 5

75 0 0
                                    



PRECIOUS' POV





"Never let your guards down. They already started to make a move. Nakikialam ang mga ungas na walang alam. We will never let that happen. We won't let them ruin everything that has been planned."



Kararating lang ni young lady pero ang bigat-bigat na ng awra na bumabalot sa kanya. Sa totoo lang, we've never seen her personally. All the Sierras really wanted to know more about her but we were restricted. Kamatayan naman ang kaparusahan kung lalabag kami.



At masasabi kong, napakaganda niya. Akala ko hindi nga siya marunong magtagalog dahil lumaki na siya sa Amerika.




Tanging si Mr. Ace lamang ang aming nakikitang pumupunta dito kahit na nasa Korea siya nakatira. Siya ang pinakaunang pinuno ng Sierras. Dahil tumatanda na rin ito, kaya siguro naisipan niyang palitan ang kanyang pwesto at pinuno ng kanyang nasasakupan.




Akala nga namin ay siya na ang ipapalit. Nagulat na lang kami nang si young lady ang ipinakilala niyang bagong pinuno. Wala si young lady nung ipinakikilala siya. May profile naman si Mr. Ace na pinakita ngunit halos lahat ng napakaloob dun ay confidential. Walang nakakakilala sa kanya. Nung nakita nga namin ang profile nya ay napakainosente ng kanyang mukha. Sa unang tingin nga, parang hindi nga ata siya makakapatay ng palaka.



Yun nga lang ang akala namin. Nung panahon na yun, dun nagsimulang magkawatak-watak ang organisasyon.




Wala na kaming balita sa kanya kaya yung iba ay nagpasyang umalis. Ako nung mga panahon na yun?


Nagtatalo rin ang kaloob-looban ko kung ano ang dapat gawin.



Kinabukasan nun, may natanggap kaming tawag mula kay young lady. Isa iyong babala. Babalang papatayin kung sino man ang magta-traydor at aalis. Dun pa lang, alam na namin na alam niya ang lahat ng nangyayari. Wala man siya, ay alam niya. Kung sino ang mga mata at tainga nya dito, wala kaming kaalam-alam.


Minabuti namin na manatili at sumunod sa mga utos ni young lady. Sa ikli ng panahon ay nakuha nya ang respeto namin. Hindi lang dahil dun, kundi sa mga salitang binibitawan niya pag may nangyayaring hindi inaasahan.



Paano at bakit ako sumali sa Sierras? Simple lang.



Dahil pinanganak akong isa at kasinglakas nila. Hindi pinahihintulutan ang aming mga magulang na parte na ng Sierras ang papasukin nalang basta-basta ang kanilang mga anak. Kailangan mo munang sumabak sa matinding pagsusubok at paghahanda.



Hindi ko na napansin kung ano ang mga sinasabi nila. Nabalik lang aking pag-iisip sa katinuan ng lingunin nila akong lahat—kahit si young lady at Mr. Ace.



Damn. Napalakas ba yung pagmumuni-muni ko? Ang daldal ko talaga.




"What?" Painosente kong tanong kay Mr. Ace. Ayokong makita ni young lady ang ekspresyon ko kaya iniiwasan ko ang mga mata niya.



"You're spacing out."




"Ikaw ang magiging kanang kamay ni young lady sa Scott Academy. Teach her everything. But make sure nobody knows na magkakakilala kayo to keep confidentiality. Nagkakaintindihan ba tayo?"




Natigilan ako bigla. Napakabigat ng responsibilidad na naatas sa akin. Bakit hindi nalang ang ibang mga Sierras.





Wala naman akong ibang magagawa kundi umoo nalang.






Tumango ako kay Mr. Ace sabay tingin kay young lady.





Medyo kinakabahan ako sa mga titig nya sakin. Para bang sinusuri nya ang buong pagmumukha ko at bawat sulok nito.




Di ko alam kung gaano kami katagal nagtitigan basta tumalikod nalang siya bigla at kinumpas ang kamay nya sa ere.









-----------------------------------to be continued...




A/N: Hi readers ☺️ It's been a while since I came back, then hiatus again for months. It's not because of laziness, it's just that I had lots of struggles encountered. Lots of worries and doubts if I could really make this story a good one. I just realized 'How would I ever know if I won't try right?". So I'm making another shot. This is worth a try. So if you are still there, please support and hopefully have fun reading the story. This may not be as perfect as the others' stories,
but I'll make sure this is worth reading for 😁 And btw, I'm sorry if maiksi lang ang update. I'll try to make it longer next time. Thank you. Have a great day.
Lovelots. - Kattiekeht ❤️💋

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Missing PieceWhere stories live. Discover now