Chapter 10

1.2K 25 5
                                    

I dedicate this chapter to mysteriousharper.

---

NAPAKASARAP ng gising niya. Kahit sobrang puyat ay balewala lang sa kanya and it’s all because of last night. Naalala niya si Adrian at ang pangako niya sa sarili na kalimutan na ng tuluyan si Xavier. Desidido siya doon. But his morning text message isn’t helping her keep her promise at all. Mukhang kailangan na niyang magpalit ng number. A grunt escaped her lips.

“Good morning.”


She smiled as she read the text from... Xavier? Nanlaki ang mata niya nang mabasang galing dito ang message. Ilang beses siyang nagkusot ng mata at binasa ang text. Kay Xavier talaga galing iyon, hindi siya nagkakamali. She pretended she didn’t read it and went on her way to the bathroom.

Wala siyang pasok sa araw na iyon pero maaga siyang naghanda dahil kailangan niyang puntahan ngayon ang site kung saan itatayo ang bahay ng mag-asawang Vincent at Mookie. Ilang linggo naring delayed iyon dahil sa trabaho niya at nahihiya na siya sa mga ito. Pagkabihis ay nakarecieve siya ng tawag kay Adrian.

“Hey!” masigla niyang bati rito.

“Good morning. Maganda ata ang gising mo ngayon, ah? Dahil ba sa’kin?” She can visualize him smiling at her.

“Kapal! Baka ikaw ang maganda ang gising dahil sa’kin?”

“Lagi naman, eh.”


Kung hindi pa siya kakain ay hindi pa matatapos ang pag-uusap nila sa telepono. She feels really good that day. May narinig siyang katok mula sa pintuan. Baka tatay niya lang na galing sa pag-jogging.

“Mano po, nanay.” She recognized that voice. Napalingon siya sa likuran niya at nakita si Xavier na nakatingin sa kanya at nakangiti na nakakainis. Great. Kung kailan naisip na niyang walang makakasira ng araw niya, biglang sumulpot ito. Ano na naman ba ang plano nito?

“Jam, nandito si Xavier.” Nakakainis talaga. Sana pala sinabi nalang niya ang tunay na nangyari sa break-up nila para hindi na ito makatuntong ulit sa bahay nila. Ang nanay niya tuloy ngayon, umaasa atang magkakabalikan sila ng bwisit na lalaking nasa likuran niya.

“Kain ka.” walang gana niyang alok habang ang mata ay nakatuon sa kinakain niya. Umupo naman ang loko sa tabi niya at nakikain nga. “Anong ginagawa mo dito?”

“Pinapasabi ni Vincent na hindi ka nila masasamahan ngayon dahil may pupuntahan daw silang iba.”

Huh? Sayang naman ang paggising niya ng maaga! Sana kagabi palang sinabihan na siya. Wala na, hindi narin naman siya makakatulog ulit dahil wala na ang antok niya. Tiyak na tambay na naman siya buong araw sa loob ng bahay.

“Pero hinabilin ka naman nila sa’kin. Ako nalang ang sasama sayo.” Muntik nang bumara sa lalamunan niya ang pagkain. She sharply looked at him and he winked.

“W-What?! Ayoko! Bigyan mo nalang ako ng mapa. Ako ang bahala. Magpapasama nalang ako sa iba.”

VIXEN: Meeting My Xavier [13]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon