Chapter 3

1.5K 32 1
                                    

HINDI siya makapaniwala. Nakatayo siya ngayon sa harap ng bahay ng isa sa mga members ng VIXEN – isa sa mga pinakainiiwasan niya. Mula nang mag-break sila ni Xavier, sinigurado niya na hindi siya lalapit dito o sa mga taong malalapit dito.

          Kaya nga nagulat siya nang tawagan siya ni Vincent nitong umaga at niyaya siyang makipagkita. At heto nga siya ngayon.

          Crap. What am I doing here? Paano kung nasa loob si Xavier?! Crap. Crap. Crap. No, Vincent won’t do that to her. Alam naman nito ang lahat ng nangyari kaya imposibleng makikipagkita ito na kasama ang walang-hiyang lalaking iyon. She took a deep breath before ringing the doorbell. Nginitian niya ang maid na nagbukas ng gate. Hinatid siya nito sa sala kung saan naroon si Vincent.

          She heard noises. Crap! Baka nandoon si Xavier! No, no. Jam, calm down. Nang sumilip siya ay nakita niya si Vincent na nakaupo sa armrest at may babae naman na nakaupo. Hindi naman niya makita ang mga kausap nito dahil natatakpan ng divider.

          “Sir, nandito na po ang bisita ninyo.” sabi ng kasambahay. Napatingin sa kanila ang dalawa.

          “Jam! Mabuti naman nagpakita ka na.” tumayo si Vincent at nilapitan siya. Sinalubong siya ng yakap. She didn’t know how to respond so she just patted his back. Everything felt so awkward. The last time they saw each other was a few year ago and she’s miserable back then. Nakatanggap siya ng invitation sa kasal nito pero hindi siya nakapunta dahil nasa ibang bansa siya noon for a job. “You’ve changed. It’s a compliment, by the way.”

          “Thanks.” binago niya ang sarili nang maghiwalay sila ni Xavier. She realized na nakalimutan niya ang sarili niya nang maging sila. Pinaikot niya ang buong mundo niya dito at sinikap niyang ibigay lahat ng makakaya niya para mapasaya ito. Turns out that her everything was not enough for him.

          He guided her inside and she was surprised to see Ian, Teb, and Nate. Pinakilala din sa kanya ni Vincent ang asawa nito at ang girlfriend ni Ian. Nakipagkamay sa kanya si Mookie samantalang niyakap naman siya ni Cheska. Magbestfriend pala ang dalawa.

          “Ikaw pala ang kinukwento nila dati sa amin ni Cheska.” Napapangiti si Mookie habang tinitignan siya.

          Ano naman kaya ang kinukwento ng mga ito? “S-Sorry I didn’t make it to your wedding.”

          “Kaya nga kita pinapunta dito.. You have to make up to us. I want you to design our dream house.”

          “Sure! No prob. Kailan mo gustong i-discuss ang details?”

          “Ngayon sana but these guys missed you so much and when they knew you were coming, they rushed here. Why don’t we all have a good time and make up for the times we’re apart?

          “Hmmm, let me think about it.” Nagkunwari siya nang-iisip.

          “Naman. Workaholic ka parin hanggang ngayon? Sunday naman ngayon, eh.” Pagkukumbinsi sa kanya ni Nate. Sa lima, ito ang pinaka-caring kahit hindi halata.

          “Okay, fine. Hindi naman ako tumatanggi, hindi ba? Saan ba tayo pupunta?”

          “Movie marathon while eating smores? Just like before.” suggestion ni Teb.

          “Teb, we’re not students anymore.” si Nate.

          “Have any better suggestions?”

          “Pumunta tayo sa Tagaytay! Doon sa resort namin. Overnight tayo doon. Tatawagan ko na si Cath.”

          “Sounds good to me! Let’s meet here after an hour.”

VIXEN: Meeting My Xavier [13]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon