Daddy OA

537 17 16
                                    

Daddy OA

            Abala sina Mr. and Mrs. Smith sa kanilang negosyo, but still find quality time for their ladies. Ladies na nga ang kanilang mga anak, kahit pa nga ang takbo ng utak ng mga ito ay sa isang twelve years old. Kagaya na lamang ngayon, nasa tabi sila ng swimming pool na anim at naguusau-usap tungkol sa kung ano-ano.

            “Kamusta na ang schooling ninyo?” paunang tanong ng Dade ng apat. “Baka naman gumagawa na naman kayo ng kalokohan ha. Iwasan nyo na ang paggawa ng mga pranks sa mga schoolmates’ ninyo, baka wala na kayong mapasukan na university.” Parang nanay na sermon pa nito.

            Patuloy pa rin ang apat sa paglalaro sa tubig, dedma lang sila sa litanya ni Lucian Smith. Si Snowy naman ay abala sa pagpapahid ng sunblock sa kanyang mga braso.

            “Ano kayang klaseng movie ang gagawin natin?” tanong ni Pumpkin sa mga kapatid. “Sino ba leader natin?”

            Bigla namang napa-isip ang tatlo sa naging tanong ni Pumpkin, sino nga ba ang kanilang leader para sa kanilang finals movie? Si Muffin naman ang nagsalita. “Kung sino man sya, hayaan na lang nating syang mamoblema.” Walang kakwenta-kwentang sabi nito sa mga kapatid.

            “He or she have to make sure na maganda ang concept ng gagawin nya, because if not, papalitan ko sya!” sabi naman ni Ginger.

“But what if isa sa apat na kapatid ni Jollibee ang maging leader natin?” tanong naman ni Pepper. “Ang gawin nila tayong ulitilities lang?”

            “That’s not an issue, I bet mas mage-enjoy pa tayo if that would happen.” Sagot naman ni Muffin. “We can give them so many suprises.” At pranks na naman po ang nasa isip ni Muffin.

            “I don’t like to be a utility girl, I’m too beautiful to be one.” Apela pa ni Pepper sa sarili nyang naisip. “I want the lead role!”

Inilublob naman ni Pumpkin si Pepper dahil sa sinabi nito. “The four of us should play the lead.” At ito naman ang inilublob ni Pepper bilang ganti.

“I’ll write the script so we can have the control.” Seryosong sabi ni Ginger sa mga kapatid. “Sisirain ko ang mga buhay nila, I mean sisirain natin.”

“And how about the boys, anong magiging role nila?” tanong ni Pumpkin. “Gusto ko si Rome ang bidang lalake, tapos pagkakaguluhan sya ng mga babae.”

Si Pepper naman ang sunod na nag-request. “I want us to be the meanest antagonists in this planet.” Nagde-daydream na sabi nito.

“How about you Muffs, anong request mo?” tanong pa ni Ginger sa kapatid.

“I want all of them dead? Ayoko ng happy ending, that’s too boring and predictable.” Walang atubiling sagot nito.

            Kung meron mang pinaka-morbid sa apat, si Muffin na yata ang running for valedictorian at si Pumpkin naman ang salutatorian. Hindi naman sa galit ang dalawa sa happy ending, wala lang talagang excitement na maramdaman ang dalawa sa ganoong klaseng sitwasyon.

            “Oh, I want that kind of ending too. I want the Naughty-cal boys to be the killers of Claire and her friends, then tayo naman ang papatay sa kanilang apat. You like that?” tila kinikilig pa na sabi ni Pepper sa mga kapatid.

            Narinig man ng mag-asawa ang pinag-uusapan ng kanilang quadruplets, pero hindi na lang nila ito pinansin dahil related naman ito sa kanilang pag-aaral. Gusto na sanang magsalita ni Lucian, pero pinigil sya ng asawang si Snowy ng marinig ni Mr. Smith na may banggitin na pangalan ng mga lalake ang dalawang anak.

            “I want Josh to die first, he’s irritating as parasite.” Natuwa naman si Lucian sa narinig sa anak na si Ginger.

            “Josh is nice.” At nalukot naman ang muka ni Mr. Smith sa narinig sa anak.  “He’s too silent kasi.” at nagliwanag ulit ang mukha ng ama.

            Si Pumpkin naman ang sunod na nag-comment sa mga lalake na pilit na nakikipag-lapit sa kanila. “Si Rome, ang sarap lang nyang inisin. Bading yata ang isang iyon at ayaw sa mga babae, lalo na sa mga lumalandi sa kanya. I want to landi him. Hihi.” Tatayo na sana si Lucian ng magsalita ulit ang anak nitong si Pumpkin. “I want to see his face so red because he hated me so much. I want to piss and annoy him, haha.” At umupo na ulit ito.

            “But my dear sisters, admit it or not the four of them are handsome.” Komento naman ni Pepper.

            Tuluyan ng nilapitan ni Lucian ang apat na dalaga. Hindi na nya gusto ang naririnig mula sa kanyang mga anak. Santisima, lalake na ang pinag-uusapan ng mga ito, at alam nyang dapat nya itong ikabahala. Kailangan na nyang maglinis ng mga baril na kanyang nabili bago pa man magdalaga ang mga anak. Alam nito na hindi naman bibigyang pansin ng asawa nyang si Snowy kung makipaglapit man ang mga ito sa opposite sex, for her it is part of growing up. Kasama daw ito sa proseso para maging ganap na dalaga, maging ganap na tao.

            “Bakit puro lalake ang pinag-uusapan ninyo? Hindi ba dapat ang mga lessons ninyong apat ang topic ninyo? Anong pangalan ng mga lalake na pinag-uusapan ninyo?” sunod-sunod na tanong nito sa mga anak.

            Nagkatinginan naman ang apat, yung mukha silang guilty dahil nahuli silang may ginagawang hindi maganda. “Bwahahahahahaha!!! Ahahahahaha!!!” biglang tawa ng apat na ipinagtaka naman ni Lucian.

            “Ang sakit ng tyan ko, hahaha!!!” natatawa pa rin na sabi ni Ginger.

            Si Pumpkin na naunang tumawa ay sige pa rin, at nautot pa yata ito dahil sa kakatawa. Bigla kasing may naglalakihang bula na lumitaw sa tapat nya, na lalong ikinatawa ng tatlo.

            Hindi malaman ni Lucian kung makikitawa ba o sisigawan ang mga ito dahil ayaw sya nitong seryosohin. Nagtataka lamang ito kung ano ba ang nakakatawa sa kanyang mga nasabi sa mga ito. Seryoso naman ang kanyang ekspresyon, kaya naman dapat lang din syang seryosohin ng mga anak, pero hindi ganoon ang nangyari.

The Pranks Family 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon