Love Your Friends

509 14 11
                                    

Love Your Friends

 

            Ilang araw ng sinusuyo ng grupo ni Rome ang magka-kapatid, at ilang araw na rin silang pinahihirapan ng apat. Naroon na hindi sila nito pinapansin, o kaya naman ay pinag-tatabuyan palayo sa kanila. Kagaya na lamang ng minsan na magdala sila ng bulaklak para sa mga dalaga, at kagaya na lang din ngayon.

            “We swear, hindi talaga namin sila girlfriends. Hindi rin namin sila gusto.” Nagsusumamong sabi ni Nate. “We also told them na layuan na kayong apat, so please give us a chance to be your friends.”

            Ang apat na babae naman ay patuloy lang sa mga ginagawa nila. Wala silang balak pansinin ang apat na humihingi sa kanilang kapatawaran. They love troubles noong nasa Kingsley pa sila, pero ngayong nasa bago na silang pinapasukan ay wala pa iyon sa isip nila. Kumbaga sa isang kriminal, humahanap lang sila ng tamang oras para isagawa ang kanilang plano. Yes, wala pa rin silang balak na itigil ang mga kalokohan nila kahit pa ganap na silang mga dalaga.

            “Here, we brought flowers para sa inyong apat.” Singit naman ni Enzo at saka nito iniabot ang bulaklak kay Ginger. “Please, let’s all be friends.”

            “Hachuu! Ginger alisin mo nga yang mga bulaklak na yan.” Reklamo ni Muffin na abala sa pagdu-doodle sa isang pirasong bondpaper. “Ang baho-baho!”

            Napatingin naman si Enzo sa dalaga, sa isip-isip nito ay may diperensya yata ang pang-amoy ng kapatid ng babaeng gusto nya.

            “Here, wala ka ng masusulatan dyan.” Sabay abot ni Josh kay Muffin ng isang bagong notebook. “Sa’yo na lang ‘yan. And by the way, we’re really sorry sa ginawa at sinabi sa inyo ng grupo nila Claire.” Hinging-paumanhin na sabi ni Josh sa kausap. “I hope all of us can still be friends, I mean new friends despite of an odd beginning.”

            Hindi na rin nakatiis ang bugnuting si Rome, “Ang hirap nyo namang amuhin, kung ano-ano ng first time ang ginawa namin para lang mapatawad nyo lang kami, tapos hanggang ngayon ayaw nyo pa rin kaming patawarin.” Dire-diretsong saad ng binata.

            “Exactly! Bakit ba kasi kayo hingi ng hingi ng tawad, eh wala namang nag-uutos sa inyo na gawin ninyo ‘yon? Saka may kasalanan ba talaga kayo, ano bang mali ninyong ginawa? Kung may mali man kayong nagawa o ginagawa, that is asking for someone’s forgiveness when you didn’t do anything wrong to them.”

The Pranks Family 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon