LXIII | Supreme Divination

190K 7.9K 2.5K
                                    

Art's POV

Napasinghap ako nang makita ang malaking butas sa pader.

"Oh my Greeks!" sigaw ko. "Patay ako sa faculty nito!"

Anyway!

Bumaba ako mula kay Blobblebutt at patakbong lumapit kay Cesia na nakaupo sa sahig. "Cesia!" Yumuko ako sa tabi ni Ria na tinitignan ang sugat niya.

"Can you still speak?" tanong nito sa kanya.

Kung saan-saan dumako ang mga mata ni Cesia.

Binaba ko ang weapon ko. "Ako na," tugon ko kay Ria na umusog nang kaunti.

Pumiling ang aking ulo nang suriin ang maikling hiwa sa lalamunan ni Cesia. "Huwag kang mag-alala, Cesia." Nginitian ko siya. "Nasa balat mo lang yung sugat mo."

Nababalisa ang kanyang mga mata nang tignan ako.

"Hi, Cesia," magaan kong bati sa kanya pagkatapos magising ang kanyang diwa. "Wala naman sigurong tumama sa'yo na semento, no?"

Umiling siya.

"Mabuti naman," sabi ko. "Nakakapagsalita ka pa?"

"A-Art..." manginig-nginig niyang sambit. "Saan ka galing?" Maiksi siyang suminghap. "Okay ka lang?"

"Mmm!" Masigla akong tumango.

"Yung ibon-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang masilayan ang tinutukoy niya.

"May bagong pet na ako, Cesia!" anunsyo ko sa kanya. "Isang hippogriff na pinadala sa'kin ni Papa!"

"Let's get you up, first." Inudyok ni Ria si Cesia na tumayo at inalalayan siya.

Tumayo na rin ako pagkatapos kunin ang pana ko.

"Kung may makakahula sa inyo kung anong pangalan niya, bibigyan ko ng stickers!" anunsyo ko na may kasamang hagikgik sa huli.

Iniwan lang kami ni Ria habang si Cesia naman ay binigyan lang ako ng nagtatanong na tingin.

"Blobblebutt!" nananabik kong deklara sa pangalan ng bago kong alaga. Inulit ko pa ito na parang binibilang ang bawat kataga. "Blo-Ble-Butt-"

Sabay kaming napalingon sa higanteng sinipa ang pinto. Yumuko ito upang makapasok at gamit ang dambuhala nitong mga kamay ay nagsimulang magtapon ng mga piraso ng semento.

Naramdaman kong may lumapit sa'min. Tinulak ko si Cesia at hinawakan ang kamay ni Mei na mahigpit na nakakapit sa kutsilyong akmang isasaksak niya kay Cesia.

"Di pwede," tugon ko saka hinatak ang braso niya pababa at hinampas ang pana ko sa kanyang mukha.

Pumihit ang kanyang ulo at umikot ang katawan niya bago matumba. Nakita ata 'to ni Blobblebutt dahil bigla nalang itong lumundag upang ipako si Mei sa sahig kahit wala na siyang malay.

"Blobblebutt!" sigaw ko bago pa nito makagat ang leeg niya. "No!"

Nilingon ako ni Blobblebutt. Gumilid nang kaunti ang kanyang ulo, tila nagtataka.

Pinagsabihan ko siya. "Pwede kang pumatay ng mga kalaban, pero hindi tao, okie? Mga halimaw lang."

Tinignan niya ang giant na kinakalaban ng Alphas.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now