XVI | Power Limit

314K 12.1K 1.9K
                                    

Cesia's POV

Iminulat ko ang aking mga mata. Napasingkit pa ako nung una dahil sa ilaw na nakatapat sa'kin.

Nasa'n ba ako?

Sinubukan kong umangat mula sa pagkakahiga pero ang natatanging nagalaw ko lang ay yung ulo ko. Pilit kong tinignan ang katawan kong ayaw makipag-cooperate sa'kin, pero bumigay na rin ako at marahang ibinagsak ang aking ulo sa unan. Napangiwi pa nga ako nang sumakit ito.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. "Stop stressing yourself out, hon." Kasunod nito ay ang boses ni Doc Liv. May pinindot siya sa gilid ng higaan at naramdaman ko nalang ang aking likod na dahan-dahang umangat.

Saka ko siya nakitang tinatanggal ang bandage na nakapulupot sa binti ko. "Trev brought you here yesterday morning and explained what happened..."

Yesterday morning... so isang araw akong walang malay?!

"Your skin has fully covered your wounds." Mayroong silver na trolley sa tabi ng higaan kung saan nakapatong ang isang tray. Lumapit siya dito at inilagay ang bandage. May kinuha rin siyang isang baso ng tubig at dalawang puting tablets.

Inabot niya ang mga ito sa'kin. "Take these. It'll help you." Sinunod ko ang sinabi niya at ibinalik sa kanya ang baso matapos ubusin ang laman nitong tubig. Inilapag niya ito sa mesa na katabi ng hinihigaan ko.

Gumaan yung pakiramdam ko at naalala ko na ang nangyari sa'kin... Nasa training room ako n'on nung nawalan ako ng malay...

"Cesia, yung ginawa mo kahapon, it was dangerous." Umupo siya sa gilid ng higaan. "You see, every ability has a limit... we call it Power Limit." Kasunod niyang ipinaliwanag ang nangyari sa'kin. "It happens when you pressure your ability. As a defensive reaction, your mind locks itself to be able to regenerate."

"Bago ka pa lang sa realm na'to, and to think that you immediately experienced power limit just through training is something to be worried about." dagdag niya. "It's just not something that happens as quick as yours'... so control yourself next time, okay?"

Tumango ako.

Power limit... may ganyan pala...

"I have collected your blood for further evaluation." Tumayo na siya. "I'm also releasing you so you can leave the clinic whenever you want. You'll live. Wag mo lang kalimutan ang mga paalala ko sa'yo... and please, take time to rest as well. Your mortal body deserves it." huli niyang paalala sa'kin bago tuluyang lumisan.

Naiwan akong nakatulala at nakatitig sa aking binti. Wala itong bakas ng malalim na sugat, maliban nalang sa kaunting dugo na natuyo sa balat ko, pero yun lang 'yon...

• • •

Sumandal ako sa railings ng balcony at hinayaan ang hangin na tangayin ang aking kamalayan.

'Bago ka pa lang sa realm na'to, and to think that you immediately experienced power limit just through training is something to be worried about...'

Napabuntong-hininga ako.

Naramdaman ko ang presensya ng tatlong katao na kapapasok lang kaya napalingon ako sa kanila. Pumasok na rin ako sa loob ng dorm. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Art pagkatapos akong makita. "Cesia!" sigaw niya sabay takbo sa'kin. "Iiiihhh!!!" Niyakap niya ako.

"Thank the Gods you're already awake!" ani Ria. "I was worried to death. I swear." Lumapit siya sa'kin kasama si Kara.

"Okay ka na ba? You need anything?" Hinatak ni Ria si Art mula sa pagkakayap nito sa'kin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Any pain or-" Sinusuri-suri niya yung katawan ko.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon