- 1 -

500 9 3
                                    

UNANG KABANATA: SI SABRINA

___

Maglilimang buwan na simula ng sumakabilang buhay ang kapatid ko na si Sabrina, nandito ako ngayon sa kwarto naming dalawa sa kadahilanan na gusto kong ayusin ang mga gamit na naiwan niya simula nung mawala siya ay lumipat na ako ng kwarto di ko kaya na matulog dito sa tuwing naalala ko siya halos araw araw na akong umiiyak.

Nagulat na lamang ako ng biglang naghumerintada ang cell phone ko at  hindi tumugil sa pag tunog.

Kung kelan naman nahawakan ko na ay saka naman ito tumumigil. Tumawag sakin ang isa sa mga malalapit na kaibigan naming ni Ate si Vien.

Itetext ko na asana ulit siya ng bigla ulit itong tumawag.

“Finally sinagot mo na” Singhap ni Vien sa mismong pagsagot ko sa tawag niya.

"Oh bakit? May problema ba?" tanong ko na may halong pagalala, hindi naman kasi nila ako guguluhin kung wala talagang nangyari.

"Uh, Sab pwede bang pumunta ka sa bahay ko ngayon please?" Si Ria ang nag salita halatang hnablot niya ito mula kay Vien.

"Magka-kasama ba kayong apat?'' 

"Oo, pumunta ka na dito please?"

"Okay sige" 

 

Sa mismong oras ng pagbaba niya sa telepono ay nagpaalam aga ako kay Mama. Mga isang oras pa ata bago ako nakarating kila Ria nahirapan pa akong kumbinsihin si Mama. Maluwag akong nakapasok kila Ria lahat kasi kaming mga kaibigan niya ay binigyan ng duplicate ng susi.

Halos nakakita ata sila ng multo sa mismong oras ng pag bukas ng pinto, tila may inaantay sila ngunit ayaw nila itong makita. Nagulat ako ng makita ko na umiiyak si Clary sa gilid si Ria naman ay balisa si Vien lang ata ang mukang kalmado sakanila. Kumpleto nga talaga sila.

Nagulat ako ng biglang nagtama ang mga mata namin ni Migo.

 

Bigla siyang naglakad ng mabilis tungo saakin at bigla na lamang niya akong hinawakan ng mahigpit sa braso at kinaladkad sa sofa.

"Aray, ano bang problema!!" Inda ko sakanya, ngunit parang wala man lamang siyang naririnig.

Nang makarating kami sa sofa may inihagis siya sa muka ko na mga papel at isang sobre.

"Anong ibig sabihin nito!" 

Nanginginig kong kinuha iyon at binasa. Cursive ang pagkakasulat nito laking gulat ko na lang sa laman nito.

___

Hi, did you all miss me? I hope not kasi ako hindi. Oh ano gulat ba kayo kasi may patay na nakakasulat? Ako nga din nagulat e.

Maglalaro tayo, pero walang susuko, walang titingin sa likod kung ayaw mong isunod kita saakin pero sige ikaw bahala.. malay mo pinapanood talaga kita.

 

S. xx

___

 Ni-hindi pumapasok sa isip ko ang lahat ng nabasa ko una akala ko patay siya? Pangalawa buhay ang Ate Sabrina ko! Isang malaking kahibangan ito kanino yung bangkay na nilibing namin? Halo halo ang emosyon na nararamdaman una natatakot ako dahil hindi ko alam ang nngyayari pangalawa ay ang pangungulila bakit di niya ito sinabi samin? At huli ay galit naiinis ako sa mga nangyayari ngayon.

Mayroon pang sobre na natitira at base sa nakikita ko ay ito ay para saakin. Dahan dahan ko siyang binuksan marahil na rin sa panginginig ng buong sistema ko.

___

Hi, baby girl. Alam kong nagulat ka sa mga nababasa mo pero kasama ka dito kaya mag-ingat ka. Malay mo…

Ate. xx

___

Malay? Malay saan? Hinablot bigla ni Migo ang papel na hawak hawak ko.

“Shit” He cursed, yan ang lumabas sakayang bibig sa oras na nakita niya kung ano ang nilalaman nito.

Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

“Sshh, tama na sorry, hindi ko sinasadya” Nagaalalang sabi niya saakin.

“Akala mo?” tanong ko sakanya marahil pakiramdam ko ay akala niya na ako ay may gawa ng lahat ng ito.

“Oo, akala ko pakulo mo ito dahil galit ka samin sorry Sam” isang mahigpit ang ibinigay niya saakin.

Mag-aalas nuebe na ng pumasok na sa isipan naming ang lahat ng nangyari sa loob ng apat na oras ay marami kaming naisiwalat. Walang gusting magsalita, puro malamin na hinga ang binibitawan ng bawat isa.

Hanggang sa..

“Anong balak niyong gawin?” Si Clary na kanina pang balisa sa pag dating ko ay bigla na lamang nag salita.

“Hindi ko alam” Halos sabay sabay naming apat na sinabi at tumingin ulit sa kawalan,

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon