- 3 -

146 7 2
                                    

IKATLONG KABANATA; SI RIA

“Hindi ko naman sinasadya lahat” panimula ni Ria na bumasag sa katahimikan naming lahat..

“Pero.. ano itong sulat na to?”

RIA

Simula palang noong bata kami lagi na lang siya, siya ang magaling. Lahat nakukuha niya maging ang atensyon ng aking mga magulang ko. Kung noong bata kami wala akong pakialam kung ma-angatan niya ako basta lagi ko siyang kasama. 

Maging ang atensyon ng aking Kuya ay paminsan nasakanya na rin, kung dati ako lang ang prinsesa nila ngayon hindi na.

May oras na sumali ako sa isang glee club kung dati ay ako ang laging tinitingala ngayon siya na si Sabrina nanaman siya na lang lagi.. pero mahal ko yung bestfriend ko oka lang sakin kahit laging ganoon ang nagyayari.

Nang dumating kami ng high school wala paring nag bago, hindi ko maiwasang mainggit sakanya kahit nasa tabi ko siya parati. Kayo ba magagawa niyo akong sisihin?

Pero dumating si Adam sa buhay ko..

“Hi Ria! Natapos mo na yung research natin? Ang hirap no?” Sabi niya sakin sabay ngiti.

“Oo naman” dalawang salita lang ang nabitawan ko dahil halos mag break down ako may mga kabayo at insekto akong nararamdaman sa aking tiyan.

Nag palitan kami ng numero at nag good bye’s na din sa isat isa.

Sa totoo lang hindi ko naman na kailangan hingin ang number niya kasi meron ng naka save dito sakin. Hindi ko nga lang siya magawang itext dahil wala akong lakas ng loob.

Nag kakapalitan na kami ng text paminsan ay siya pa yung natetext saakin ng good morning, Sobrang bilis ng pangyayari dahil parehas pala kaming dalawa tinitignan ang isat-isa sa malayo at nag aantay kung sino ang aamin.

Nag usap kami ng masinsinan, sinabi niya sakin na willing siyang mag antay at gagawin niya ang lahat para lang marinig ang matamis kong oo. Sobrang saya ko dahil ngayon alam kong may isang bagay na rin na saakin lamang nakatuon. 

Paminsan sumasama si Sabrina sa date naming ni Adam pero okay lang saakin dahil alam ko naman na ako ang sinisigaw ng puso niya at hindi ko rin naman kayang iwan si Sab nang mag isa dahil baka kung ano pa ang mangyari sakanya.

-

Kaarawan ko noon at laking gulat ko ng sinorpresa ako ng bestfriend ko na si Sabrina at si Adam, ayoko kasing mag handa, dinala lang nila ako sa isang garden kung saan ay nag mistulang engrade, binulungan ako ni Sab na good luck sa aming dalawa hinatak niya ako sa cr at pinag palit na isang dress.

Di ko inakala na ganito ang mangyayari, isa pala itong date. Birth-date.

Pagkalabas ko ng banyo nagulat ako dahil may skateboard na tumama sa paa ko, muntikan pa nga akong madapa dahil dito.

Nagulat ako sa naka sulat..

\\\Will you be my girlfriend?

Natatawa ako dahil alam ko ang sulat na ito di dahil sa pangit ito kundi ang taong nag sulat nito ay ang taong pinakamamahal ko, natatawa pa nga ako sa heart niya dahil kulang na lang ay mag mu-mukha na itong triangle.

Lumapit siya sakin, halos hindi na tumigil ang mga insekto sa aking tiyan.

Isang ngiti ang binigay ko sakanya, hindi ko namalayan na andiyan na siya sa tabi ko.

“Why not Adam?’’ bago pa ako makapag salita inangkin niya ang mga labi ko.

“I love you Ria’’ sabay halik niya sa noo ko, natatawa nga ako dahil akala ko sa lips ulit ngunit hindi.

“Ikaw ang pinaka-weird na babae na nakilala ko, mahal na mahal kita”

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon